Chapter 3 -For your eyes

1057 Words
" Dapat, malinis ang buong mansion dahil bukas na darating sina Kuya ! " maaga pa lamang ay ginising na sila ni Gwen at napakarami ng utos nito sa kanila ni Betty. Kung wala lang talaga siyang utang sa pamilya ng mga ito ay matagal na siyang naglayas. " And take note, darating din 'yung boyfriend ko kaya siguraduhin niyong maayos at napakalinis ng bakuran ang lahat ng mga kwarto okay? May mga kaibigan rin palang bibisita kina Kuya rito , ayaw kon mapahiya at lalong lalo na ayaw kong makakikta ng dumi sa paligid!" Talagang hindi pa ito tumitigil sa pagdada. Kapag nag-asawa yata ito ay tiyak na bungangerang asawa itong amo nilang si Gwen. Ang mga magulang pala nito ay nasa business trip kaya ito ang nagmamando sa kanila sa mansion ngayon. Kahit nandito naman ang mga magulang ay panay rin naman ang utos nito . " Feeling maganda, maitim naman ang kili kili!" Natawa siya sa sinabi ni Betty. Napakatabil talaga ng dila ng bakla. Ayaw talaga nito kay Gwen dahil paldo sila sa utos palagi. Buong araw silang walang tigil sa paglilinis ni Betty sa buong mansion . Mabuti na lamang ay natapos nila ng buong araw. " Sana 'yung mga kapatid niyang si Gwen ay di katulad niya ang ugali ano? Sana maswerte tayo!" wika ni Betty. " Pero 'yung panganay na kuya niya, kasama raw 'yung girlfriend. " " Naku sana nga dahil kung kapareho ng ugali ni Gwen, suko na'ko!" aniya. " Teka, yung bf ba niya kilala siya? Alam ba nun na napakasama ng ugali ng girlfriend niya?" " Baka naman hinde dahil nasa abroad nga raw." sambit ni Betty. Kasalukuyan silang nakaupo na sa labas ng hardin. Magaling talagang mag-alaga ng mga halaman ang bakla dahil napakayabong ng mga halaman . " Anyway, wag na natin silang problemahin . Tara na sa loob, gutom na'ko!" aniya rito. Hindi pa sila nakakain ni Betty dahil gusto na nilang madaliin ang trabaho dahil tiyak na pagagalitan na naman sila ni Gwen kapag nakitang di pa sila tapos . Nang pumasok sila sa loob ay may isang corner sa dining room ang puno ng mga prutas , tsokolate , cupcakes at iba't ibang klase ng mga imported na candies at delicacies na galing pa raw sa iba't ibang panig ng bansa na binili ng Mama ni Gwen. Nakatayo sila ni Betty sa harap ng mesa . Nakakamanghang pagmasdan ang iba't ibang kulay at disenyo ng mga snacks at pagkain na ngayon lang yata nila nakita. " Hep! Let me remind you na for your eyes only lang mga 'yan! Wala kayong karapatang kumuha ng kahit na isa riyan dahil mas mahal pa yan kaysa sa buhay ninyo!" Palapit na si Gwen sa kinaroroonan nila. " Senyorita, tinitingnan lang po namin. Ang gaganda po kasi ng mga wrappers . ngayon lang po kasi kami nakakita ng mga mamahaling mga pagkain na galing pa sa abroad!" si Betty na ang sumagot rito. Tiyak niyang imbyerna na naman ito sa kanilang amo. " Oo, you're right dapat lang na tingnan niyo lang. Kawawa naman pala kayong dalawa, di pa kayo nakatikim ng mga imported goods. Basta, you can't take one okay? Bibilangin ko talaga 'yan mamaya!"sambit pa nito at umalis na sa dinig area. " Ay grabeh naman! Hindi naman tayo kakain niyan dahil baka sasakit pa ang tiyan natin . Di tayo sanay sa mga pagkaing galing ibang bansa!" Umisnab pa si Betty habang kinakausap siya. " Hayaan mo na, sundin na lang natin si Senyorita Gwen. Totoo naman ang sinabi niya na mas mahal pa ang mga pagkaing ito kaysa sa buhay natin! Hampaslupa tayo eh!" wika niya rito. Kapag mahirap nga naman ! " Pero sa totoo lang si Senyorita Gwen ang mayamang walang class ano? Kapag manamit ba naman ng pangmayaman ay nagmumukha siyang mahirap sa totoo lang ! " Tumango siya sa bakla. Totoo ang sinasabi nito na di talaga obvious na mayaman si Gwen .Ordinaryo lang kasi ang beauty nito at hindi kaputian. " Mas mukhang amo ka pa!" natatawang wika ni Betty. " Huy baka marinig ka! Branded ang mga suot ni Ma'am Gwen kaya halatang mayaman!" " Naku, kawawa ang mga branded kapag sinuot niya dahil nagmumukhang ukay ukay! Ewan ko nga ba, Nel. Baka kulang sa ligo si Senyorita ?" Muli siyang natawa sa sambit nito pero totoo naman talaga na wlaang damit ang bagay kay Gwen dahil hindi ito marunong pumili. Kinabukasan ay maaga na naman silang ginising ni Gwen dahil nagpapasama ito sa Mall dahil may bibilhin raw itong importante. Sila ni Betty ang tagabuhat ng mga pinamili nito. Pumasok sila sa isang shop na puno ng mga bedsheets at mga kurtina ang binebenta. Bibili raw ang amo nila ng mga bedsheets para sa kwarto ng nobyo nito. " Ma'am, may membership card po ba kayo? " Lumapit ang isang saleslady sa kanila ni Betty. Si Gwen naman ay nasa tabi lamang nila at kita niyang tila nagulantang ito sa narinig. " W-Wala..h-hindi naman ako ang bibili kundi siya..." Tinuro niya si Senyorita Gwen. " Ah 'yung katulong niyo po pala ang bibili. Akala ko po kayo." Gusto niyang matunaw sa sandaling 'yon nang marinig ang sinabi ng saleslady. " Hey? Gusto mo bang masisante? Ako ang amo rito at mga katulong ko ang dalawang 'yan! " inis na sambit ni Senyorita Gwen sa babae. Para itong bulkan na anumang oras ay sasabog na. Umakyat yata ang dugo sa ulo ng amo nila dahil pati mukha nito ay naging kulay pula kahit di naman ito mestisahin. " Ma'am sorry po dahil napagkamalan ko po kayong katulong at siya po ang amo niyo! " " Inulit mo na naman noh? Can't you see I'm wearing prada? And my bag here is the latest LV design? Ang mahal ng mga suot ko tapos mapagkakamalan mo lang akong katulong? Alam mo, gusto kitang ipakulong ah? Nangigigil ako sayo!" Tiyak mamaya ay masama na naman ang aura ng amo nila lalo na sa kanya.Kahit siya ay nainis na rin sa saleslady dahil tiyak na damay sila sa kagagawan nito. " Sorry po talaga , Madame! Ngayon ko lang po talaga napagtanto na mamahalin po ang mga suot ninyo!" Halos magmakaawa na ang saleslady rito. " Hmmmp! Nawalan na'ko ng ganang bumili rito! Kayong dalawa, let's go home!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD