Chapter4-Thinking of you

1119 Words
" Ako ba ang pinagtatawanan niyong dalawa?" Muli silang sumeryoso ni Betty nang sitain sila ni Gwen . Nasa likod silang dalawa ng kotse na pinamaneho nito. " Senyorita? Aba'y hindi po! " agad na sambit ni Betty nang marinig ang boses ng amo nila. " So sinong pinagtatawanan niyo ha? " " Nanonood lang po kami ng funny reels." sagot ni Betty ngunit ang totoo ay naaalala nila ang sinabi ng saleslady kanina na mas mukhang ito ang katulonh kaya inis na inis ang amo nila. " Akala ko ako ang pinagtatawana ninyong dalawa dahil sa sinabi ng sales lady kanina. Wala talagang taste ang babaeng 'yon and I think kailangan niya ng salamin sa mata! " Tahimik lamang talaga sila ni Betty sa likod at baka sila na naman ang pagbuntunan ng galit nito dahil sa sinabi ng tindera. " Leanelle, wag mong seryosohin ang sinabi ng saleslady ha? I'm pretty sure she was just joking!" dagdag pa ng kanilang amo . " Alam ko po Senyorita!" aniya. " Good ! "n Nang dumating sila sa mansion ay puro utos na naman ito sa kanila ni Betty.Para bang wala nang bukas kung mag-utos ito. "Hay salamat at may lakad ang impaktang 'yon!" sambit ni Betty nang sa wakas ay nakapagpahinga na sila dahil tapos na ang kanilang trabaho. " Nel, day off natin bukas....samahan mo ako sa Mall ha? Gusto ko lang rumampa kahit na wala tayong pera! " " Oo, sige gusto ko rin!" Sa trabaho ba naman nila sa kamay ni Gwen ay talagang mas maigi kung pumasyal rin sila kahit na wala naman silang pera. Sanay naman sila sa patambay tambay sa Mall at kahit na isang cone lang ng ice cream ay ayos na sa kanila ni Betty. Naalala niya ang kanyang anak , kawawa naman ito dahil lumaki itong salat sa buhay. Kung siya lang ang masusunod ay mas gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang kanyang anak pero hindi kasi niya kaya .Madalas siyang nakukunsensya sa anak niya dahil responsibilidad niyang bigyan ito ng maayos na buhay pero sa tingin niya ay di niya nagawa 'yon bilang isang ina. Naisip niya si Onyx. Napakayaman na nito ngayon at napakahirap nang abutin.Sa ngayon ay isa na lamang siyang maliit na bituin sa malawak nitong kalawakan. She smiled , kung hindi siya bumitaw ay lulubog itong kasama siya. Napapikit siya at sinama ang sakit sa kaibuturan ng puso niya. " Mahal na mahal pa rin kita Onyx kahit na ilang taon an ang dumaan ay di pa rin nababawasan ang pagmamahal ko sa'yo." " Hoy, nananaginip ka ba ?" Dinilat niya ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ni Betty. Naalimpungatan naman siya kaagad. Nakatulog na pala siya gawa ng matinsing pagod sa kiosk ng hardin na inaayos at nililinis nila kanina ni Betty. " Excited na'ko bukas dear! Sasama nga pala si Albie ang kras mo!" tukso nito sa kanya. " Alam mo, bigyan mo na ng pagkakataon ang lalakeng 'yon. Nel, tandaan mo...sampung taon na ang nakaraan ha? Hindi ka na bumabata , hindi ka ba natatakot na baka ma expire na 'yang matris mo? Ayaw mo bang magiging buo ang pamilya mo ng anak mo? Tanggap naman ni Albie na may anak ka na, kumabaga...promo kayo ...buy one take one." Malakas itong tumawa at nahawa naman siya sa kalokohan nito. " Luka luka ka talaga Betty! Andami mong alam! Ayaw ko noh, atsaka ayos lang naman kami ng anak ko. Pinaliwanag ko na sa kanya ang lahat ! " " Pero di mo sinabi kung sino ang ama niya?" Tumango siya. Di niya sinabi sa anak niya dahil ayaw niyang may makakaalam . Kahit na si Betty ay walang alam sa pagkakilanlan ng dati niyang nobyo. " Hayst, ikaw na nga ang bahala Leanelle! Bakit ba ako ang namomoblema sa buhay mo eh buhay mo naman 'yan! Bahala ka kung ayaw mo ng love life basta ako, single at ready to mingle!" Hinampas naman niya ito. " Hoy tandaan mo , bread winner tayo! At tandaan mo rin na walang lalakeng seseryoso sa bakla! Peperahan ka lang!" wika niya rito. KINABUKASAN , alas seis pa lamang ng umaga ay nakabihis na sila ni Betty. handa na silang gumayak at kahit na sarado pa ang mga Mall ay mauuna na sila at pipila na sa labas dahil ayaw nilang maabutan pa sila ng among si Gwen at baka kung anu-ano na naman ang iuutos nito sa kanila't masisira na naman ang bonding nilang magkaibigan. ANg day-off na nga lang ang happy moment nila di ba? " Ay, napaka saya ng araw ko! Sana ganito araw araw!" sambit ni Betty nang makapasok na sila sa loob ng Mall. Buong araw lang naman silang tatambay sa loob at lahat ng mga shops ay dadaanan nila para lang makapag liwaliw at mawala ang pagod nila kahit na kaunti. " Hey!" Lumingon sila at nakitang pakaway kaway si Albie. Gwapo naman ito at malinis manamit. " Albie! Sabi ko na nga ba at susunod ka talaga samin ni Nel! " " Oo naman, gusto ko rin namang mag day-off dahil next week raw ay busy na ako sa pagmamaneho , ipapasyal raw ni Senyorita ang mga bisita ng Kuya niya." Teka, manood tayo ng sine? Libre ko, tumama ako kagabi sa swertes!" " Ha? Totoo? Swerte mo talaga palagi sa mga last three swertes na 'yan! Magkano pinalunan mo?" " Beinte mil!" sagot pa ni Albie. " Ay , edi tara na ilibre mo kami ng sine at lunch!" Masayang wika ni Betty na napaakbay pa kay Albie. " Syempre naman at libre ko rin kayo ng tshirt!" dagdag pa nito. " Wow , swerte talaga ng magiging asawa mo Albie...di ba Nel?" Binalingan siya ng bakla at tila ba tinutukso siya sa urin ng titig nito sa kanya. " Oo naman, mabait naman talaga 'yang si Albie!" segunda niya rito. " Salamat Nel." Seryoso itong nakatitig sa kanya na tila ba ito ang tinutukoy nitong " nobya". " Tara na, nood na tayo ng sine! Tatlong taon na ang lumipas mula nang pumasok ako sa sinehan. Ikaw ba ,Nel?" Baling nito sa kanya. Napangiti siya dahil inisip niya si Onyx. Ito kasi ang huling nakasama niya sa sninehan . Nililibre siya ng binata kapag may extra itong pera . Siguro ngayon ay di na ito pumapasok sa mga sinehan dahil may sarili na itong cinema room sa mansion nito. Lihim kasi nyang sinusubaybayan ang buhay ni Onyx. Nababasa niya sa mga magazines at social media ang lahat ng updates tungkol sa lalake at di biro ang estado nito ngayon. Isa na ito sa pinakamayamang businessman hindi lamang sa Pilipinas kundi sa abroad rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD