"Hoy ambisosya! Anong akala mo totohanin ni Kuya Rayzon ang panligaw sa'yo? Are you nuts? Sa tingin mo ba papatol yun sa isang kagaya mong katulong?" Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang boses ni Gwen sa kanyang maliit na kwarto sa maids quarter.
Hinampas pa siya ng unan sa mukha habang yumayawyaw ito sa kanya.
", Senyorita, h- hindi po ako nililigawan ni Senyorito Rayzon at wala po talagang namamagitan sa aming dalawa! naiiyak niyang sambit dahil nang muli nitong ihampas ang unan ay nasugatan ang pisngi niya sa mahahaba nitong mga kuko.
"Aba'y dapat lang na walang namamagitan sa inyo Leanelle! Hindi kayo bagay! Hindi ka ba nahihiya? Doctor ang kuya ko tapos ikaw ay letche!Pwe! Bumangon ka nang babae ka at ipagtimpla mo ako ng gatas! Then ihanda mo na Ang mga dadalhin naming gamit ni Guillard dahil ngayon ang ang island hopping namin sa isla paradiso!"
Nataranta siyang bumangon Ni hindi na nga siya nagsuklay pa at dumiretso na kaagad sa kusina upang ipagtimpla ng gatas si Gwen at mamaya ay aayusin na niya ang lahat ng mga gamit nito.For sure napakakalat na naman ng kwarto nito dahil kapag si Gwen na ang naghahanap ng mga outfit ay tiyak na parang binagyo ang kwarto nito.
"Hoy anong ingay na naman 'yun? Nakakarindi talaga ang babaeng 'yun!" Inis na sambit ni Betty .Sumunod na pala ito sa kanya kanina.
"Galit na naman!"
"Hindi siguro binembang ni Guillard! ! Natatawang sambit ni Betty." Lagyan mo na kaya 'to ng maraming betsin? " Kinuha nito ang taza at si Betty na ang nagpatuloy sa pagtimpla ng gatas.
"Ano ka ba mamaya sasabog na naman 'yun sa galit!"
"Teka ,narinig ko ang mga bulyaw niya eh! So,nililigawan ka ni Dok?"
Umiling naman siya kaagad.
"Hindi ,kinausap lang niya ako na magpanggap na girlfriend niya tapos nalaman ni Senyorita kaya ayun galit na galit dahil di nga raw kami bagay ni Dok!"
"Ay sus di rin naman sila bagay ni Guillard noh! Kung face value lang ang usapan girl eh panalong panalo ka! Pero yun nga lang poorita ka lang kaya si Gwen pa rin ang Bida Bida!"
Napangiti siya sa sinabi nito." Ayos lang,hindi naman ako nakikipagkumpetensya sa kanya eh! Atsaka, mag kaibigan lang kami ni Dok! " Hindi na lamang niya sasabihin rito ang tungkol sa bayaf na deal nila ni Dok.
Mamaya pala ay may duty na naman siya sa bar ng asawa ni Athena kaya kailangan na niyang tapusin ang mga trabaho niya ng maaga para nakapagpahinga siya saglit bago muling papasok sa bar.
Last time ay hindi naging maganda dahil nandoon si Onyx. Tinawagan na nga lang niya si Betty para sunduin siya nito dahil hindi talaga siya makalakad sa sobrang kalasingan niya pero ang perang kinita niya ay napadala niya sa kanyang kapatid na hanggang sa ngayon ay pabalik balik pa sa hospital.
"Good morning! " Nakangiting mukha ni Dok Rayzon ang bumungad sa kanila ni Betty.
" Good morning Dok!" halos sabay nilang bati ng kaibigan.
"Leanelle! Pack your things your coming with us in Isla Paradiso!" utos sa kanya ni Dok.
"WHAT? SHE'S COMING? KIYA NAMAN ! ARE YOU OUT OF YOUR MIND? "
Napayuko siya nang marinig ang nagwawalang si Gwen habang palakad ito palapit sa kanila.
"Ikaw ang nagtimpla Betty?"dagdag pa nito." Make me another milk,Leanelle! Next time Betty wag lang magtimpla ng gatas ko okay? Ang hahaba ng mga fingernails mo! You look untidy too kaya off limits ka sa mga foods ko!"
Napansin niya ang pamumula ng pisngi ni Betty sa sobrang hiya marahil nito.
"Senyorita naghugas naman po ako ng kamay with hand washing liquid soap po then nag alcohol rin po ako kaya wala na po talagang germs sa mga kamay ko,natsugi na!"
"Sumasagot ka pa talaga! Ay Basta! Leanelle,make me another one!" baling nito sa kanya.
"What's wrong Gwen? May problema ba kung dadalhin ko si Leanelle? I own the yatch right?" may diin na sambit ni Dok sa kapatid.
"Kuya! She's a maid!"
Napahawak naman si Betty sa dibdib nito.Pansin niya ang kaibigan niya ang inis na inis sa amo nila.Siya kasi ay nasanay na sa pagmamaliit nito at sa bunganga nitong palagi na lamang siya ang bukambibig.
"Sasama si Leanelle and that's final"
"Yes Kuya but as a maid and that's final too! Dahil kung may special treatment ka sa kanya ay di mo talaga magugustuhan ang gagawin ko sa babaeng Yan!" banta ni Gwen .Kinuha nito ang taza ng gatas na muli niyang tinimpla para rito atsaka umirap pa sa kapatid.
"Pasensya na talaga kayo Kay Gwen, sobrang spoiled nyan !" paghingi ng pasensya ng Doctor sa ugali ng kapatid nito.
"Hay naku Dok palagi na lang niyang inaalipusta si Nel .Kung wala lang talagang utang si Leanelle noong namatay ang mga magulang niya ay matagal na yang lumayas rito. Kaya nga siya nagtatrabaho sa bar pag gabi para makaipon para pambayad sa utang niyang two million sa pamilya niyo po !"
"Ano?" Nagulat na sambit ni Dok Rayzon habang nakatingin sa kanya.
Tumango naman siya." Nag-iipon na po ako Dok para pag nakabayad na po ako,baka makakaalis nako rito! Kahit na kinakaltas naman po sa sweldo mo kulang pa rin po yun bilang pambayad sa Mama at Papa niyo po. Pero mag-iipon po talaga ako Dok pangako!"
Napakahirap nga lang mag-iipon .Five thousand pa nga lang yata ang naitabi niya para sa utang niya dahil halos walang natitia sa kanya sa pagpapadala niya sa anak at lalo na ngayong may karamdaman ang kanyang kapatid na si Dodong .
Tumawag pa ang tiyahin niya kagabi at sinabing gusto na umanong sumuko ng mga ito sa pagpapaaral Kay Neneng dahil nalubog na rin sa utang dahil sa pampaospital ni Dodong .
"I'm sorry Nel,don't worry kakausapin ko si Mama." wika pa ni Dok .
Wala namang magagawa si Dok Rayzon dahil pumirma siya sa harap ng attorney na may utang siya kay Gwen Montenegro.Nakapangalan kasi Kay Gwen kaya lahat ng listahan ay hawak nito.
Hindi na nga niya hiningi pa ang listahan rito dahil alam naman niyang kinakaltas sa sweldo niya ang utang niya.
"Binibigyan po ako ng allowance ng Mama nyo po.Five thousand a month "
Tumango naman ang Doctor.
Mabuti na lang at mabait ang Ginang dahil kung wala siyang allowance ay talagang mamumulubi siya .
"Senyorito, di rin po ako makakasama sa inyo eh .May trabaho po kasi ako sa bar bilang waitress."
" Saang bar?"
"Sa VIP bar po , yung asawa ng kaibigan ko ang may-ari."
Napatango naman ang Doctor.Wala naman itong sinabi na kaya Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito.