Chapter18-The night goes on

1548 Words
Bumalik siya sa loob ng bulwagan pagkatapos niyang magmuni muni sa labas.Akala niya ay pauwi na sila ngunit marami pang kakwentuhan si Dok. Wala naman siyang magagawa kundi ang samahan ito dahil may kasunduan naman sila . " Hey, do you drink? Have some wine para hindi ka mabagod. For sure , mag-uumaga pa bago matapos ang kwentuhan ng mga 'yan." sambit ng nakilala niyang partner ng isang kasamahan nina Dok Rayzon na si Maggie. Kinuha na lamang niya ang kopita ng alak na inabot nito. Ayaw naman niyang tumanggi dahil sa lahat ng mga kababaihang nandoon ay ito lamang ang pumansin sa kanya. Ang ibang mga sosyalang mga babae ay panay ang tingin sa kanya. Of course, hindi naman siya galing sa mayamang angkan. Papansin lamang siya sa ganitong event kung gaing siya sa prominenteng pamilya. " See? Masarap right? Kumuha tayo ng pulutan tara!" Tumayo sila ni Maggie at muling kumuha ng ulam sa mesa na nasa gilid. Sa itsura ni Maggie ay batid niyang galing ito sa mayamang pamilya. Pero ramdam niyang mas gusto nitong maging simple lamang . Ang pananalita nga nito ay parang mas sanay ito sa kalye. " You know me ba?" Tanong nito sa kanya. Umiling naman siya rito. Tumawa naman ito ng mahina nang marinig ang kanyang sagot. " I'm a vlogger. " sambit pa nito.Ningitian lang naman niya ito. " Sorry ah? Di kasi ako nagbababad sa cellphone kaya hindi na ako updated sa mga bagay na sikat ngayon." " Wow galing naman! Ako kasi ...I earn from my vlogs eh kaya di pwedeng mawala ang cp na'to sa kamay ko!" Humahalakhak nitong sambit. " Sikat ka siguro no?" Tanong niya sa babae.Sexy ito at maganda. " Hmm, I dont know!" tanging sambit ng babae. Kaya pala kanina pa ito nag seselfie kahit siya nga ay kinunan nito ng litrato at sinabi nitong ipopost raw nito sa social media at pumayag naman siya. Nag-inuman sila at napasarap naman ang kanilang kwentuhan ni Maggie. Sa di kalayuan ay nandoon ang grupo ni Doc Rayzon at isa na rin doon si Onyx Geller. " Yay! Naubos natin ang isang bottle ng wine? " sambit nito na tila ba nagulatv nang makitang wala nang laman ang bote . " Okay ka lang ba? Hindi ka ba nahihilo?" Tanong pa nito. " H-hindi naman pero excuse na muna Maggie ha? Pupunta lang ako sa restroom kanina ko pa pinipigil ang ihi ko eh." Tumayo siya at naglakad na patungo sa restroom . Nang lumabas siya ay nakasalubong niya si Onyx pero nang nagpatuloy siya sa paglalakad ay muli na naman silang nagkasalubong. What? Tinamaan na yata siya ng espiritu ng wine kahit na mababa lamang naman ang alcohol content nun. " Maggie, mukhang lasing na'ko!" sambit niya sa babae dahil pagkaupo niya ay nakita niya si Onyx na nakaupo sa round table kasama sina Dok Rayzon at asawa ni Maggie. " Mukha nga! Baka gusto mong magpahinga na muna? May mga private room sila rito na pwede mong tuliugan saglit!" " Sige! Pero sasabihin ko muna kay Doc!" aniya rito. " No need ako na, " anito at nakita niyang tumayo ang Doktor at lumapit na sa kanya. Tumayo si Maggie at lumapit kay Dok at may binulong rito. Nahihiya siya dahil di siya dapat uminom kanina. Napahamak siya sa mesa nang maramdaman na unti unti na talaga siyang tinatamaan ng wine. " Nel, doon ka na lang muna sa room okay? " bulong sa kanya ni Dok Rayzon nang makalapit na ito sa kanya. Tumango lamang siya sa Doktor at sa isang iglap ay binuhat siya nito. Napatili naman siya dahil hindi naman niya inaasahan na bibihatin siya ng Doktor hanggang sa kwartong sinasabi ng mga ito. Nakakahiya dahil mukhang bagong bago pa ang mga bedsheets at mukhang bago pa talaga mga unan at kutson. Siya pa lang talaga yata ang unang taong humiga sa kamang 'yon. "Thanks Dok," " Sige magpahinga ka na muna. Mamaya I'll be back kapag uuwi na tayo , ok?" anito at tumango naman siya sa Doktor. " What took you so long Rayzon?" Sabay silang lumingon ni Dok nang marinig ang boses ni Onyx sa may pintuan. Nakasandal ito sa may pinto at ang magkabilang mga palad ay nasa loob ng bulsa. " O-Onyx ! " sambit agad ni Dok . " Hinatid ko lang si Nel . Hindi pa namann yata ako natatagala rito ." " Matagal na Dok! Halika na, hinihintay ka na ng mga kaibigan natin! Your fiancee will be fine here alone!" sambit agad ni Onyx. " Okay sige , ikaw talaga sinundan mo naman ako agad rito!" natatawang wika ni Dok Rayzon sabay tayo at sumunod na kay Onyx. Nakita pa niya kung paano siya titigan ni Onyx bago ito umalis sa kwarto. Pinikit niya ang kanyang mga mata dahil gusto na talga niyang magpahinga. Antok na rin siya dahil sanay siyang matulog ng maaga sa mansion ng mga Montenegro. Unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata nang maramdamang may humahaplos sa kanyang pisngi. " Onyx!" sambit niya nang unti unting nakikilala ang lalakeng nasa tabi niya. Pero blurry pa rin ang paningin niya dahil umepekto na talaga yata sa kanya ang wine na ininum nila ni Maggie kanina. " Onyx...." sambit niya habang nakatingin sa pigura ni Onyx Geller na nasa tabi niya. Nakaupo ito sa gilid ng kama at ang isang kmay ay hinahaplos ang kanyang pisngi. " Ilang taon na ang dumaan and yet you're here, looking lik a goddess trying to seduce me! But you can't fool m this time Leanelle! Hinding hindi na'ko magpapauto pa sa'yo! Kilalang kilala na kita at ang isang tulad mo ay di dapat sinesersyoso. In due time, you'll feel the exact way ....the exact pain you cause me!" malinaw nitong saad sa harap niya. " Onyx..." sambit niya rito. Gusto sana niyang magsalita pa ngunit napakabigat na talaga ng mga talukap ng kanyang mga mata. " You can't deceive me again. " dagdag pa nito ngunit tuluyan na niyang pinikit ang kanyang mga mata. " Leanelle? Mabuti naman at gising ka na!" sambit ni Dok Rayzon nang minulat niya ang kanyang mga mata. Nasaan na pala si ONYX? Napailing siya dahil kahit sa panaginip ay napakasakit pa rin ng pinapadama nito sa kanya. " Dok? Uuwi na ba tayo?" Tanong niya rito. " Yes, let's go to our hotel now." Umupo siya at inayos na muna ang kanyang mahabang buhok. " Pasensya ka na Dok kung tinulugan kita. Napagod yata talaga ako sa biyahe." " Its okay baby, tara na ." anito. Tumayo naman siya at napasandal sa matipunong braso ni Dok nang alalayan siya nito palabas ng kwarto. " Goin' back to your hotel now?" Nakasalubong nila si Onyx sa hallway. " Yes Onyx, we got to go now ." tanging sambit ni Doc rito. " Ang lakas ng ulan Dok! If you want, you can stay on my pad ? Nasa last floor netong building! Delikado na ang daanan ngayon. isa pa nakainum ka na rin. I have spare room for you and your girlfriend." " Maraming salamay Ony pero sa hotel na lang kami ni Leanelle.Baka maistorbo pa namin ang tulog mo, you know what I mean!" Natatawang wika ni Dok kay Onyx. Akala niya ay sasakyan ni Onyx ang biro ng Doktor. " I wont mind either Dok! Tara na, sa pad ko na lang kayo matulog! Kahit pa buong gabi kayong mag-iingay...I wont be bothered really!" " Sige, then we'll stay . Napakakulit mo kasi Onyx !" Naging mabigat yata ang kanyang mga hakbang nang mag-iba ang direksyon nilalakad nila. Iginiya kasi sila ni Onyx sa elevator at dinala sa sinasabi niyong pad na nasa last floor mismo ng LM building. Ano na naman ba ang plano nito at kinulit pa ang Doktor na huwag na munang bumalik sa hotel kung saan sila naka check-in. " Enjoy!" anito habang nakahawak sa door knob ng pintuan ng kwarto kung saan sila matutulog ni Dok.Kanin ahabang papasok sila sa pad ni Onyx ay parang may naaalala siyang bigla nang makita ang interior design ng pad. Bakit parehong pareho sa dinesenyo nilang dalawa noong magnobyo pa lamang sila. Dati kasi ay panay ang plano nila tungkol sa magiging design ng titirhan nila. So , is this the reason why Onyx insisted they stay? Lahat ay westernize design na hinanap pa nila dati sa internet at naalala niyang isinave pa talaga nnila ang mga larawan ng mga disenyong 'yon and now, parang nabuhay ang mga larawan na iyon. Gusto niyang umiyak pero gusto niyang maging matatag. Ayaw niyang mas pagtawanan siya ni Onyx. Sasabihiin na naman nito na naghihinayang siya dahil mas mayaman na naman ito ngayon kaysa sa taong pinili niya dati. Alam niyang isang sampal ito sa sa kanya dahil sa ginawa niyang pananakit rito. Parte ito ng paghihiganti ni Onyx hindi ba? Pero bakit 'yung disenyo pa nila? " Magpahinga ka na Nel. I'll sleep on the couch." sambit ni Dok. Tumango na lamang siya rito .Sa kaibuturan niya ay napapahanga siya rito dahil sa pagiging maginoo at mabait nito. Kahit na nakapaikit siya ay hindi talaga siya dinadalaw ng antok lalo na't alam niyang pag-aari ito ni Onyx at nasa iisang bubong lamang sila ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD