Ang saya nila ni Betty dahil hindi na raw umano matutuloy ang welcome party ng Montenegro brothers. Mas maigi nga iyon dahil pabor 'yon sa kanila dahil di sila mapapagod ng husto sa paglilinis at pag-aasikaso sa mga bisita.
" Nelle, nagpapadala ng bottled water sina Senyorito sa gym." bulong sa kanya ni Betty habang inaiaabot sa kanya ang isang box ng bottled water. Si Betty ay may hawak na mga puting towels.
May gymnasium ang mansion nina Gwen , minsan nga kapag sila lang ni Betty ay pumapasok sila doon at sinusubukan ang mga equipments sa loob.
" Exciting ito!" abot tainga ang ngiti ng bakla habang naglalakad na sila papasok sa gym. Alam na niya ang ibig sabihin nito dahil makakakita na naman ito ng mga naglalakihang mga pandesal ." Naku, super pogi talaga! MIne ko na silang tatlo!" Kinikilig na sambit ng bakla.
" Hoy, maririnig ka ng amo nating bruhita!" saway niya rito.
Nang makarating na sa loob ay nahihiya pa sila sa tatlo dahil busy ang mga ito sa pag-eexercise.
" Senyorito..." tawag ni Betty sa tatlo na nagbubuhat pa ng dumbell. Bakat na bakat ang mga muscles ng tatlo .
" What's that?" Tanong ni Guillard na pinakamestiso sa tatlo.
" Pandesal de keso..." nawawala sa sariling sagot ni Betty.
" Senyorito, yung pinapadala niyo pong mga tubig at towels. " Siya na lamang ang sumagt dahil si Betty ay tila nawala na sarili nang makita ang mga mala-superman na pangangatawan ng tatlo. Mukhang napakalakas ng mga ito at kaya yata siyang buhatin gamit lamang ang isang braso.
" Iwan lang po namin rito, kasi po today is our day-off po and we will not be here in our area of responsibility today , okay?" sambit ni Betty na trying hard mag ingles.
Natawa naman ang tatlong lalake.
" Sige, take care!" sambit pa ni Regan na kagaya ni Rayzon ay friendly rin. Taliwas talaga kay Gwen ! Ang Mama at Papa ng mga ito ay mababait. " But wait, may ibibigay ako sa inyo. I want you to try this choco drinks." Tumigil muna si Regan sa pag-eehersisyo , may kinuha itong dalawang lata ng drinks.
" Salamat po." halos sabay nilang sambit ni Betty.
Lumabas na nga sila ni Betty pagkatapos nilang magpaalam sa tatlo.Nakakahiya nang magtagal sa loob dahil baka iisipin ng mga ito ay nag-eenjoy talaga silang titigan ang mga malalapad na mga katawan ng mga ito which is true naman.
" Inumin na natin 'to bessy, first time kaya natin makatanggap ng imported na ganito." Umupo sila ni Betty sa hagdanan at tinitingnan ang lata ng choco drinks na binigay ni Regan. " Si Gwen kasi binibigyan tayo pag expired na!"
Totoo talaga dahil ilang beses na silang binigyan ng mga tsokolate at de lata na na expired na.
" Bessy, basahin ko muna ang label ha? Baka mamaya di ito choco drinks eh." sambit sa kanya ni Betty na nanliliit ang mga mata habang pilit na binabasa ang label sa lata. Natutuwa naman siya habang pinagmamasdan ang kaibigan.
" Shake before you open,"basa ni Betty sa label.
Napakunot ang kanyang noo nang makitang tumayo ito sa hagdanan , hinawakan ang magkabilang baywang at gumiling giling ng mabilis.
" Huy, Betty ano ang ginagawa mo?"
Sige pa rin ito sa paggiling at siya naman ay tawang tawa sa itsura nito habang hawak sa isangh kamay ang lata ng drinks.
" Bessy, shake before you open raw ."
Malakas siyang natawa. " 'Yung lata ng drinks hindi ikaw."
" Aba, Leanelle ha? Ako pa talaga ang boba ha? Kung ganyan ang tingin mo sa akin, therefore, give me alone!"
" Betty, baka leave me alone!" humahagikhik niyang sambit.
Ito talagang si Betty ang nakakapagtanggal ng lungkot niya dahil sa mga kalokohan nito. Akala yata nito ay perfect na itong mag inglis.
" Tara na nga, umalis na tayo habang maaga pa! Nasa park na ang mga friends natin!"
Kapag araw ng linggo kasi nasa park sila at minsan ay nasa Mall. Ang mga kasamahan naman nila ay mga mahihirap na tao rin na pawang mga katulong at ang iba naman ay gusto lang tumambay at magnegosyo ng kung anu-ano.
" Ready na ang baon natin, nagluto ako ng ginataang gulay na may daing ." sambit pa nito. Kapag sa park kasi ay may kanya kanya silang baon at nagsheshare rin ng mga ulam habang nagkukwentuhan.
" Tiyak na masarap yun lalo na kapag luto mo bessy!" Totoo namang masarap talagang magluto ni Betty lalo na kapag lutong probinsya.
Hinanda na nila ang kanilang mga gamit . Alas nueve na yata ng umaga nang umalis sila sa mansion at alas Dies na sila nakarating sa Park.
Nandoon na ang kanilang mga kaibigan. Unang lumapit sa kanila ang bff niyang si Avie. May malaking banig ang nakalatag sa damuhan sa ilalim ng malaking puno sa gitna ng park.
" Hey, akala namin absent kayo ngayon!" sambit pa ng isa sa mga kaibigan nilang si Felicity.
Nandoon rin sina Jean, Ella, Felicity , Christine at Athena. May iilan silang mga kasamahan na mga housewife at gusto rin silang makasama at makakwentuhan.
" Na-late lang kami kasi inasikaso pa namin ang mga big bosses namin." sagot ni Betty kay Felicity.
" Kumusta ang amo niyong panget?" Tanong naman ni Joan.
" Panget pa rin!" natatawang sagot ni Betty.
" Kumain na tayo ! Gutom na kami eh, ano bang ulam ang dala niyo?" Tanong naman sa kanila ni Athena.
" Ginataang kalabasa !" siya na ang sumagot.
" Hmmm, masarap 'yan !" sambit pa ni Athena.
" Athena, may bakanteng trabaho pa bang waitress sa bar ng asawa mo? Kahit apat na oras lang naman sa gabi, ipasok mo'ko please kailangan ko lang talaga ng extrang trabaho ngayon sobrang gipit ko eh."
Alam naman ng lahat ang sitwasyon niya. Sabi pa nga ng mga ito ay siya ang may pinakamalaking utang sa kanilang lahat kaya naman kung may ambagan ay di siya pinipilit ng mga kaibigan niya.
" Sige, kakausapin ko ang asawa ko then tatawagan kita ha?"
" Salamat , Athena. " Alas siete naman ng gabi ay tapos na rin naman ang kanilang trabaho sa mansion kaya kahit eight to eleven ay kakayanin niyang magtrabaho para lamang may maipapadala sa anak niyang si Red at gamot para kay Dodong.
Kinausap naman niya si Ginang Montenegro at umuo naman ito kaya wala na siyang problema pa.
" Ikaw na talaga ang supermom, Nelle!" sambit pa ni Felicity.
" Naku, dapat lang dahil wala tayong katuwang sa buhay!" sambit niya. Nag-apply na rin siya bilang solo-parent sa barangay nila pero hindi pa dumadating ang id niya at wala pa rin siyang natatanggap na ayuda galing sa gobyerno,
Ginabi na sila ni Betty sa kanilang galaan pero sobrang enjoy naman nilang dalawa kahit na wala silang pera at puro kwentuhan lamang tungkol sa buhay buhay nila ang ganap.
" Wow, sobrang saya niyo noh? " bungad sa kanila ni Gwen pagtapak pa lamang nila sa main door ng mansion,
" Ay opo, ang saya namin Senyorita!" si Betty ang sumagot sa nakameywang na si Gwen.
" Kanina ko pa kayo hinihintay! Kulang ng isang pakete ang chocolate na dinala nina Kuya. Kayo ang kumuha noh?"
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Betty.
" Hindi po Senyorita, wala po kaming kinakain sa mga chocolates na pag-aari n'yo po, Bumibili lang po kami ng hany sa tindahan kung gusto naming kumain."
Ibig niyang matawa sa sinabi ni Betty pero itong si Gwen ay napaka seryoso. Imagine, inabangan talaga sila ni Betty ?
" Hmm, kapag kayo talaga ang kumuha, idededuct ko kaagad sa sahod ninyo ! "
" Hindi po talaga Senyorita, hindi po namin kinuha po." aniya rito/
" Basta, siguraduhin niyo lang dahil titingnan ko talaga ang cctv mamaya! Hindi ko kayo binibigyan ng imported chocolates dahil hindi kayo sanay kumain ng imported , baka sasakit pa ang tiyan ninyo at ako na naman ang lolokohin niyo!"
Tumango na lamang sila ni Betty at baka kung ano pa ang iisipin nito kung pilit nilang sasabihin rito na wala silang alam , kahit na totoo naman talaga . Chocolates na nga lang, nanakawin pa nila? Isa pa, hindi naman sila magnanakaw.Kung may isang bagay o pagalin siyang gusto ay hinihingi niya.