Habang tumutulong siya sa pag-aasikaso sa mga amo nila ay pansin niya ang mga malalagkit na mga tingin ng talo sa kanya. Babae siya kaya alam niya na panaka-naka siyang tinititigan ng tatlo.
" Leanelle! Doon ka na lang sa kusina! Maghintay ka na lang ng mga dity dishes! Betty, you stay and serve us!" maawtoridad na sambit ni Gwen sa kanilang dalawa ni Betty.
" Opo, Senyorita!" sambit niya at bigla na lamang tumalikod upang bumalik na sa kusina. Si Betty ay alam niyang inis na inis lalo kay Gwen. Napansin kaya nito na pinagtitigan siya ng mga kalalakihan pati na rin ang boyfriend nito?
Napailing siya, sana hindi na lang kasi alam niyang mas iinit ang ulo nito sa kanya. Wala nga siyang ginawa ay inis na ito sa kanya? Ang mapansin pa kayang tinititigan siya ng boyfriend nito?
Matagal pa naman yatang matatapos kumain ang apat kaya umupo na lang muna siya sa kitchen island. Kumusta na kaya si Dodong ? Sana ay okay lamang ito. Naaawa naman siya sa kanyang anak dahil noong birthday nito ay wala talaga asiyang pera dahil sa pagkaospital ng kapatid. Humingi siya ng pasensya kay Red at naintindihan naman 'yun ng bata. Kwento pa nga nito ay may nagbigay raw ng cake at bumili ng pansit rito. Ang mag-asawang Pablo at Marina yata. Kapag makakadalaw siya sa probinsya ay personal niyang pasasalamatan ang mag-asawa dahil sa pag-aalaga ng mga ito kay Red . Bukod sa totoong tiyahin at tiyo niya ay nagbibigay rin ng pera sina Mang Pablo kay Red kapalit ang munting serbisyo nito sa farm.
" Kumain ka na ba?" Inangat niya ang kanyang tingin at nagulat nang makita niya ang among si Senyorito Rayzon Montenegro. Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo dahil bigla siyang nahiya rito baka iisipin nitong tamad siya.
" I'm Doctor Rayzon Montenegro by the way." inilahad nito ang isang palad sa kanya . Nahihiya siyang tinanggap ang palad nito at nakipagkamayan rito. Doctor s***h businessman pala si Senyorito Rayzon. Siguro napakatalino nito. Naku, total package na talaga!Napansin niyang may dala itong paltito na may isang slice ng blueberry cheesecake.
" Ako po si Leaneller Mendoza. Dok, may kailangan po ba kayo? Ano po ang maipalilingko ko Dok?" Nahihiya talaga siya sa amo.
" Youb didn't answer my question yet, kumain ka na ba?"
Tumango siya. " O-opo Senyorito, kumain na po ako. Naku, huwag po kayong mag-alala sa akin, kayo po tapos na bang kumain?" Natataranta niyang sambit.
" I brought this slice for you. I want you to eat this, "
Napanganga siya sa narinig. Ano?Ang amo niya pa mismo ang nagdala sa kanya ng isang platito ng cake?
" Para sa inyo po 'yan Senyorito---" Pinapawisan na siya sa sobrang kaba na baka makita sila ni Gwen at lagpas langit na naman ang sermon nito sa kanya.
" Kumain ka,sige I'll sit here and wait until you will finish eating it." Umupo ito sa tabi ng kanyang upuan at wala siyang choice kundi ang kainin nang dahan dahan ang blueberry cheesecake . First time niyang makatikim ng cake ng mayayaman. Ang tagal na niyang nagtatrabaho sa mansion nina Gwen pero ni Isang pirasong cake ay hindi ito nagbigay sa kanila na mga katulong kahit na binibilin nama ng Mama nito na ipakain na sa kanila ang cake at desserts sa ref ng mga ito. Pero nagka amag na lang ang cake ay di pa rin ito nagshare sa kanila bagkus ay diretso na sa basurahan agad. Napakamalas maging amo si Gwen sa totoo lang.
Mabuti pa 'yung ibang mga katulong na naging kaibigan nila sa foodcourt ng MOA ay swerte sa mga amo. Wala naman kasi siyang choice kundi ang bayaran ang kanyang utang sa mga ito.
" Akala ko ba kumain ka na, " nakangiting sambit ni Rayzon dahil ambilis niyang naubos ang cake. Ang sarap naman kasi . Mabuti pa si Doctor Rayzon binigyan siya ng isang piraso. Si Gwen na panay utos ay sabaw ng manok lang ang ibinigay.
" Pasensya na po, Senyorito masarap po kasi." natatawa niyang sambit rito. Sana balang araw ay makakasama niyang kumain si Red . Gusto niyang ilibre ang kanyang anak at ipasyal ito sa Manila pero pera at oras lang talaga ang kulang.
" Its okay. Thank yoo sa pag-aasikaso sa pagdating namin." nakangiting wika nito at tumalikod na't lumabas na sa kitchen.
Nang lumabas si Senyorito Rayzon ay siyang pagpasok naman ni Betty.
" Hoy, anong ginawa ni Senyorito Ray dito ha?Nagtapat ba ng pag-ibig sa'yo? Ano bessy?"
"Hindi oy! May tinanong lang siya noh!" sambit niya sa OA na si Betty.
" Hmm sa tingin ko type ka!" tukso nito sa kanya.
" Type ako? Nananaginip ka ba Betty? Hinding hindi magkakagusto ang mga mayayaman sa tulad nating mahihirap."
" Excuse me, sa'yo lang pero sa'kin maraming magkakagusto dahil sa beauty ko noh!" Pumorma pa ito na parang isang modelo. Natawa siya ng malakas. Ano kaya ang gagawin niya kapag wala si Betty sa mansion? Ito kasi ang happy pill niya rito dahil sa mga kalolokohan at katatawanan na hatid nito sa buhay niya. Kung wala si Betty ay matagal na yata siyang sumuko lalo na sa ugali ni Gwen,
" Ambisyosa ka talaga!" sambit niya rito.
" Tara na , balik na tayo sa dining table dahil tapos na silang kumain! For sure maraming tira, matitikman na natin ang mga putahe nila!" hinila siya ni Betty pabalik sa dining room. Oo nga, kanina pa nga talaga siya nagugutom dahil sa amoy ng sari saring putahe na pinanhanda ni Gwen.
Akala nila ay wala nang tao sa dining room pero nandoon pa si Gwen na tila inaabangan sila ni Betty.
Nakapaweywang pa ito at nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa kanila.
" Gusto ko lang sabihin sa inyo na walang gagalaw sa mga ulam at desserts ha? Mahal ang mga rekados ng mga iyan , pwede pa 'yang kainin sa mga susunod na araw. Ang caldereta, sampung piraso pa ang laman niyan ha?Ang buttered chicken anim pa. Ang hipon mga beinte piraso pa at ang alimango tatlo. Yung blueberry cheesecake, limang slice lang ang nabawasan. Kalkulado ko lahat ah ? Babayaran niyo kapag kulang na!"
Bigla yata silang nabusog dahil sa mga sinabi ni Gwen.
" Did you understand? Malinaw ba ?"
" Opo Senyorita!" sabay nilang wika ni Betty.
Pagakatpos ligpitin ang mga pinagkainan ng mga ito ay bumalik na sila agad sa maids quarter. " Pritong itlog na lang ang lutuin na tin bessy!" sambit pa sa kanya ni Betty. Kumuha sila ng dalawang itlog sa ref.
" Akala ko talaga masarap na ang ulam natin eh!" Naiiling na wika ni Betty. " Di bale bessy, mas maganda naman tayo kaysa sa kanya!"
Tawanan na lamang nila ang amo nilang ubod ng sama ng ugali !
" Pero 'yung mga kapatid niya parang mababait noh?"
" Oo, siya lang ang hindi!" pagsang-ayon niya sa kaibigan.
Ipapakain yata sa kanila ang mga tinabing mga pagkain kapag sira na. May amo ba talagang ganito? Napakaramot naman.