" Leanelle! Kahit kailan talaga, napakakupad mong kumilos ano! Dalian mo na nga riyan at parating na sina Kuya at ang Fiancee ko! Kung wala ka lang talagang utang sa amin ay matagal na kitang pinalayas rito sa mansion ! Umayos kang babae ka!"
Gusto na yatang sumabog ng kanyang pandinig sa boses pa lamang ni Gwen . Alas tres pa nga lang ng madaling araw ay gising na nga sila ni Betty at panay na ang ayos sa dining table kung saan magtatanghalian ang mga Kuya nito at ang fiancee . Nakailang pwesto an ang malaking transparent jar sa gtna ng dining table pero parang di pa rin satisfied si Gwen. Ambigat kaya ng Jar at kada minuto yata ay pinapabuhat nito ang Jar upang palitan ang pwesto.
" Sorry , Maam. Dito na po ba?" Tanong niya nang pinabalik nito sa gitna ang malaking jar na puno ng fresh red roses.
" Oo, dyan na! Oh my gosh the petals ....nahulog! Kasalanan mo talaga 'yan Leanelle! Napakaboba mo!" mura na naman nito sa kanya.
Sa totoo lang ay parang naiimune na siya sa pagmumura at paninigaw nito sa kanya.
Kasalanan pa niya ngayon kung nalagas na ang ilang petals ng red roses? Sino ba naman ang panay utos na magpapalit palit ng pwesto ng Jar? Tapos ngayon, siya pa ang may kasalanan?
Naku, bukas ay tataya na talaga siya sa lotto at kung sakaling mananalo siya? Babayaran na niya kaagad ang utang ng pamilya niya sa pamilya ni Gwen. Nasasakal na talaga siya sa ugali nitong mata pobre!
Si Betty naman ay panay kurap sa kanya . Aminado siyang kumukulo na naman ang dugo nito sa impakta nilang amo.
Dagdag pa talaga ang masama nitong ugali sa problema niya ngayon. Ang kapatid kasi niyang si Dodong ay nakaconfine sa isang hospital sa probinsya dahil may ulcer raw kaya ang dapat sana ay para sa anak niya ay napunta lahat sa kapatid. LImang libo lang naman ang binibigay na allowance sa kanya ni Madame Montenegro, ina nina Gwen . At ang sampung libo na kada buwan ay binabawas sa utang niya.
Di bale, magpapaalam siya sa Ginang na maghahanap siya ng extra na pagkakakitaan tuwing gabi. Kahit tatlo o apat na oras na sideline lamang ay okay na sa kanya pandagdag kita lang para sa kanyang anak na si Red.
" Sarap naman talaga ilagay sa jar ang babaeng 'yan hayst bessy! " gigil na sambit sa kanya ng kaibigang si Betty nang matapos na nila sa wakas ang kanilang trabaho. Nagpalit siya ng uniporme. Ang sinusuot kasi nila ay terno na iba iba ang kulay kada araw.
" Hayaan mo na, amo natin yan kaya siya ang palaging tama!" aniya rito.
" Ang sabihin mo, lunatika ang babaeng 'yan! Luka luka! May tililing ang ulo!" Ramdam talaga niya ang inis sa boses ni Betty. Kahit siya naman ay nagtitimpi lang talaga dahil wala silang laban kay Gwen.
Umalis na pala ito dahil maliligo raw at magbibihis para sa pagdating ng mga kapatid at fiancee.
" Alam mo bessy, hindi talaga siya maganda noh? Wala talaga akong makitang maganda sa kanya! 'Yung ugali? A big no! Maganda naman ang mga kuko niya, oo di ako kukuntra pero yun lang talaga! Ang mga kuko lang niya ang may shape sa katawan niya!"
Natawa siya sa sinabi ni Betty. " Mabuti pa nga itong ingrown ko, may beauty pa!" Nagtawanan sila ni Betty. Naalala rin kasi nila na siya ang napagkamalang amo at si Gwen raw ang katulong.
" Psst, tumigil ka na riyan at baka marinig pa tayo. tara na , kumain na tayo dahil mamaya pagdating nila ay di na naman tayo makakakain sa sobrang dami ng utos satin!" aniya sa bakla.
" Mabuti pa nga, tara lets go!" Pumunta na sila sa maids quarter upang kumain. May tinolang manok na puro sabaw lang dahil di naman sila binigyan ng laman ng manok. Kapag si Gwen na talaga ang nasa mansion ay wala silang mapapala.
" Tsk, " dinig niyang wika ni Betty habang iniikot nito ang sandok dsa loob ng kanilang kaldero na tila ba naghahanap ito ng laman.
" Walang laman puro sabaw lang,"
" Ang yaman ng bruha tapos sabaw lang ang ipapakain sa'tin samantalang sila'y puro masasarap!"
" Hmm, tandaan mo Betty, siya ang amo!" muli niyang sambit ssa bakla.
" Oo nga pala, mga katulong pala tayo na mukhang amo!" Nag-apir pa silang muli ni Betty at nagpatuloy na sa paglamon.
Pagkatapos nilang kumain ay nagtulungan sila sa paghugas ng kanilang mga ginamit na mga kubyertos. Konti lang din naman ang kinakain nila ni Betty dahil may body goal sila. " Sila" kasi nahawa na rin siya sa dieta nitong ayaw tumaba kaya maintain lang talaga ang body weight nila.
" Ano kaya ang itsura ng mga Kuya ni Gwen noh?Baka mas pangit pa kaysa kay Gwen?"
" Hindi ko pa nakita kasi ngayon lang naman umuwi ang mga 'yon. Sa Amerika sila nag-aral!"
" Hmp, ano ba ang itsura at ugaki ni Gwen? For sure , photocopy lang !" naiiling na sambit ni Betty sa kanya.
Nagkibit balikat lamang siya sa sinabi ng bakla.
" Lumabas na raw kayo , nandiyan na sina Senyorito!" Tawag sa kanila ng drayber ni Gwen. Nagmamadali naman silang bumalik sa mansion. Nasa kabila kasi ang maids quarter.
Lahat silang mga katulong ay nakalinya na sa labas ng main door habang hinihintay ang mga amo. Bawal umangat ng tingin, bati at yuko lamang ang dapat nilang salubungin ang mga paparating na mga bisita. Thats a strict order from Gwen. Parang nasa totoong palasyo na sila, yung tipong kapag titingin ka sa prinsesa o prinsepe ay mamamatay ka na lang na nakanganga!
" Here they come!" Dinig niyang sambit ni Gwen at nakita niya na may itim na limousine ang paparating at pumarada mismo sa tapat ng hallway .Mula doon ay bumaba ang tatlong lalakeng di niya inaasahan na sobrang tangkad, gwapo at ang angas talagang tingnan. Dumagdag pa ang kakiisigan na halatang alagang alaga ang mga pangangatawan.
" Ladies , eyes here! This is your Senyorito Rega and Rayzon Montenegro! And this is Guillard, my fiancee!" Si Gwen ang nagpakilala sa tatlo.
Binati naman nila ang kanilang mga amo. Si Regan pala ay parang nasa forties na at si Rayzon naman ay nasa thirties pa lang yata.
" Ampon ba si Gwen?" Bulong sa kanya ni Betty. Kinurot niya ang kanyang kaibigan upang iparating rito na baka maririnig sila ni Gwen. Pasaway talaga ang bakla!
Infairness ay totoo ngang napakapangit ni Gwen para maging kapatid ng dalawang Montenegro.
Ngumiti naman ang dalawang magkapatid at halos mawalan siya ng malay nang makita ang mga ngipin ng dalawa na sobrang puti at pantay-pantay.
" Bessy, single pa ba sila? Single rin ako!" bulong na naman ni Betty sa kanya. Muli na naman niyang kinurot sa tagiliran ang kaibigan dahil nakita niya ang mga mata ni Senyorita Gwen na parang nais na yata siyang tuklawin . Ito talagang si Betty, sinabi na nga ni Gwen na dapat modess lang sila dapat.