“ Sa akin po ito?Totoo po ba talaga?” Hindi makapaniwalang saad ng batang si Red pagkatapos niyang abutin ang isang kahon ng cake para rito. Ten years old na pala ang bata sa araw na ‘to. He speaks older than his age dahil siguro maaga itong namulat sa mga responsibilidad sa buhay.
“Yeah happy birthday. Dalhin mo ‘yan sa tiyang at tiyo mo. Umorder rin ako ng pansit sa kabilang carenderia.” aniya. Walang restaurants sa probinsya kundi panaderia at carenderia lang na maliit.
Si Aling Marina ay tuwang tuwa lamang habang nakatingin sa bata.
“ Maraming salamat po Bossing! Simula po ngayon ay Bossing na po tawag ko sa inyo ah? Hayaan mo po , kung walang pasok tutulungan ko po si Mang Pablo sa farm nyo.”
Ginulo naman niya ang buhok nito. “ Yan ang gusto ko boy!” aniya sa bata .
Hanggang pag-uwi nila ay pansin niyang abot tainga ang ngiti nito. Kung aayusin at dadamitan lamang ang bata at kung nagkakalaman ito ay lalabas talaga ang kapogian.
His eyes are green too? What a councidence. Maybe his father is a foreigner . Baka nagkaroon ng relasyon ang nanay sa kano o sinumang dayuhan.
“ Boy nandito na tayo, sige enjoy your birthday!” sambit niya sa bata.
“ Salamat po Bossing! Aling Marina, dalhan ko po kayo ng cake mamaya !” sambit nito ay mabilis na tumakbo patungo sa looban . Tanaw naman niya ang bahay ng mga tiyahin nito na yari sa kawayan at nipa hut.
“ Batang ‘yun oh tuwang tuwa talaga sa keyk niya at pansit! Naki kung may pera lang ako,aampunin ko na yun at pag-aaralin sa magandang eskwelahan. Sayang napakatalino pa naman!”
Napangiti lamang siya sa sinabi ni Aling Marina.
The genuine smile of the kid is really captivating. Naalala niya noong bata siya, sila ni Ox ay dumaan sa hirap dahil noo ay nagkaghidwaan ang pamilya nila at di sila nabigyan ng mana. But Fox ,swerte ito dahil lumaki sa ibang bansa dahil kinupkop ito ng isa sa mga pamilya nilang bilyonaryo .Sila ni Ox ay laking probinsya thats why they love nature. Gusto rin naman ni Fox ang buhay probinsya pero ayaw nito ng simple. Nakasanayan na nito ang siyudad at night life.
Pagkatapos niyang magtanghalian ay umupo siya sa duyan na gawa sa net na nasa lilim ng isang napakalaking punong mangga sa tabi ng farm house niya. May mga native na mga manok ang nagkakalat sa paligid. Ang sarap pagmasdan dahil parang nag time travel siya noong lumang panahon.
Napatingin siya sa kanyan cellphone nang makita ang numerong tumatawag na di nakarehistro sa kanyang screen. He dont answer unregistered numbers dahil alam niyang mga babae na nama iyon from other countries and women who already know that he is in the Philippines.Mga gold digger na mga babaeg nais siyang pikutin .Malas ang mga ito dahil wala siyang balak na magpatali.He is a man who has everything!
“Aling Marina!” Dinig niyang tawag ng bata .” Nandito na po ang keyk na tinabi ko po para sa inyo Mang Pablo at Bossing!”
Napangiti siya sa narinig. Di pala nito nakalimutan ang pinangako nitong magtira ng cake para sa kanila.
“ Salamat Red!” dinig niyang sambit ni Aling Marina.
“ Itutuloy ko na po ang trabaho ko!” dinig niyang sagot ng bata.
Nang lumingon siya ay papunta ito sa direksyon niya.
“ Boy saan ka pupunta?”
“ Magwawalis po Bossing." sagot ng bata at tuluyan na itong nagpaalam .
Narinig niya ang pagwalis ng bata sa di-kalayuan. Ngayon lamang talaga siya nakakita ng ganun klaseng bata na napakasipag . Sa panahon kasi ngayon, ang mga bata at panay upo at tulog lang at addict pa sa gadgets but this boy from this province is amazing. Sampung taon lamang ang edad pero ang isip ay parang matured na.
Kinabukasan nang magising siya ay amoy ng kapeng barako ang sumalubong sa kanya.
" Gising na po pala kayo Bossing! Ipagtimpla ko po muna kayo ng kape." salubing sakanya ng batang si Red. Bagong ligo ito, nakasuot ng puting sando na may kalumaan na at butas butas na sa gilid. Nakasuot rin ito ng gray garter shorts. Aniya sa sarili kpag babalik siya ay ipamimili niya ito ng mga damit , sapatos at tsinelas.
Akala niya ay para sa kanya ay kape, hindi pala dahil ang bata mismo ang umiinom ng kape. Kung tutuusin ay sa edad nito ay gatas dapat ang iniinum.
" Heto na po Bossing!" sambit sa kanya ng bata nang muli itong bumalik galing sa kusina.
" Salamat Boy! Nandito ka rin pala kapag linggo!" aniya rito.
" Opo Bossing, bukas po ay may pasok na ako at ang mga titser ko naman po ang tinutulungan ko sa paglilinis tuwing hapon. Namimigay rin kasi sina Ma'am ng barya at minsan po, tinapay."
Tanging ngiti lamang ang isinagot niya sa bata. Habang nakikinig siya sa kwento nito ay parang may bahagi ng puso niya ang pinipiga at nasasaktan. Bakit may mga tao pang kailangang maghirap? Tulad ng batang ito?
" Sipag mo talaga!"
" Opo, mas kailangan ko pong sipagan ngayon dahil ang tiyuhin kon po na nag-aaral sa bayan na si Tito Dodong po na kapatid ni Mama ay na-ospital po kaninang madaling araw. "
" Talaga? So sinong nag-aasikaso sa kanya di ba sinabi mo na wala ang Mama mo at nasa Manila?"
" Si Tyang po, " sagot sa kanya ng bata.
Napaisip tuloy siya. Kawawa naman ang pamilya ng bata. Naghihirap na nga , may nagkasakit pa.
" Sabi kasi ni Mama, yung sana'y ipapadala raw niya para sa akin, gagastusin raw muna kay Tiyo Dodong. Kaya ko naman kumayod mag-isa eh!" pagmamayang pa ng bata sa kanya.
" Minsan naman boy. magpakabata ka. Mag-enjoy ka naman , maglaro ka kasama ang mga kaibigan mo! Parang lahat na lang ng problema sa mundo pasan mo eh, masyado ka pang bata!"
" Ay sanay po ako Bossing! Mas gusto ko po talagang kumita para magkapera ako! " nakangisi nitong sambit.
" Sige, yun ang gusto mo eh!"
Tumigil na muna siya sa pagsasalita at hinigop ulit ang taza ng kape na tinimplahan nito. Napakasarap talaga, at kuhang kuha ng bata ang timpla niya.Kung di lang ito bata ay kukunin niya itong sekretarya niya. He remembered someone while he sips that familiar taste of the coffee.
" Masarap po ano? Turo sakin ni Mama ,"
Tumango siya. " Masarap boy,"
" Hayaan n'yo po ipagtimpla ko po kayo palagi!"
" Oo pero aalis na ako mamayang hapon ,boy!"
Tumawag si Ox kagabi at sinabing kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil may kailangan siyang ayusing mga papeles para sa tinatayo niyang company.
" Ganun po ba? Ibig sabihin po, di na kita makikita?" Nang tiningnan niya ang bata ay nakita niya ang lungkot sa mukha nito.
" I will be back of course kapag di na ako busy!" sambit niya rito.
" Hihintayin ko po kayo Bossing! Sana di kayo matatagalan dun!"
Tumingin siya sa bata, " I think matatagalan ako ,"
Mas nalungkot yata ang aura ng bata.
" Mag-aaral ka ng mabuti ha? Yan lang ang tanging paraan na makakatulong sa'yo upang matupad mo ang pangarap mong maging pulis." Hinawakan niya ang ulo ni Red at ginulo ang buhok nito.
" Sana po, hindi niyo ako malilimutan ,"
" Syempre hindi , "
Mahigpit siyang niyakap ng bata. " Salamat Bossing , simula nang makilala po kita naging masaya po ako. Hihintayin po kita dito."
Napangiti siya sa bata." Yeah, thanks too Boy sa masarap na kape! "
Bumaba naman sa bahay ang bata at nang lumbas siya ay nakita niya itong may hawak na mahabang itak at tinatanggal ang mga tuyong dahon ng mga tanim nilag saging. Napapaligiran kasi ng saging ang farm niya.
Matatagalan pa nga talaga siya bago mabibisitang muli ang farm niya rito sa probinsya. Sana sa pag-alis niya ay magiging okay lang ang batang pinagmamasdan niya .Sasabihin niya mamaya kay Aling Marina na mag-iiwan siya ng dagdag na budget para sa bata tuwing sabado at linggo.
Muling bumaling ang atensyon niya sa kanyang cellphone dahil may tumatawag sa kanya. It's Lizzie Mortelli, the youngest daughter of Luis Mortelli.
" Hello, darlin ! Are you busy?" Tanong nito sa kabilang linya.
" Quite busy, why?"
" Magpapasama sana ako sa Mall eh, gusto ko sanang mamili ng bags and clothes para sa welcome party next week nina Rayzon Montenegro. "
Oo nga pala, invited pala siya sa welcome back party ng Montenegro Brothers.
" I'm sorry nasa province ako, ikaw na lang." seryoso niyang sambit.
This lady is just eighteen for pete's sake!
" Hmmm sige darlin pero kapag babalik ka rito sa Manila, promise to have a dinner date with me okay? Isusumbong kita kay daddy!"
" Yeah , I promise!"
" Yey! Thank you so much darlin!"
" Sige na,goodbye!" Hindi na niya hinintay pa na magpaalam ito sa kanya't inioff na niya ang tawag.