Chapter 7-ONYX GELLER

1406 Words
Katulad ng kanyang inaasahan ay nakakarelax talaga sa probinsya. Hindi pa naman siya masyadong abala sa siyudad kaya kinabukasan pagkatapos ng kanyang meeting kay sa kaibigan niyang business tycoon na si Lusi Mortelli ay bumiyahe na siya kaaagad sa Farm house na binili niya. Ang lawak nito at marami rin palang tanim na mga puno. Ang dami pang dapat ayusin pero kahit na simple ay maganda pa rin talaga. Ang probinsya ay Dakilang Pulo, he spent sixteen hours driving . Ang layo pero worth it kasi napaka ganda ng probinsya at ang lamig ng paligid kahit na madaling araw. Di tulad sa Manila ay puno ng mga buildings, dito ay puro matataas na puno at bundok lang ang nakapaligid. Ang katiwala niya sa farm house ay si Mang Pablo at ang pamilya nito. Ang asawang si Aling Marina at may anak pa rawang mga ito na mga babae na nag-aaral sa unibersidad sa siyudad. Sabi niya sa mag-asawa ay siya na ang magbabayad ng tuition at magbibigay rin siya ng allowance buwan buwan pasa ra sa mga anak ng dalawa. " Tao po! Aling Marina!" Natigilan siya sa pag-iisip nang makarinig ng boses ng batang lalake na tinatawag si Aling Marina. Nsa labas ng gate ang bata at dahil walang ibang tao doon at nasa palengke ang mag-asawa ay siya ang naglakad palapit sa gate upang buksan 'yon. Isang batang lalake ang nakita niya. Patpatin pero may itsura ang bata at mukhang mestisuhin ito kapag di sunog ang balat. Napansin niya agad ang berde nitong mga mata at ang mga pantay-pantay na mga mapuputing ngipin nang ngumiti ito nang makita siya. Siguro siyam or sampung taon na ang bata nang kalkulahin niya ang edad nito. " Magandang umaga po, Mr."bati ng bata sa kanya. Yumuko pa ito sa kanya habang binabati siya. " Mister ako po si Red, dala ko po ang mga bibingka at puto na inorder kay tiya ni Aling Marina po. Pinapahanda po ito sa akin ni Aling Marina para inyo raw po, " nakangiting saad ng bata. May itsura talaga ito. Siguro maganda ang nanay or tatay ng bata . Instead of smiling, he frowned. This is a province and he is not even sure kung makakapagkatiwalaan itong batang 'to." Let me see," kinuha niya ang basket nito . Naamoy na niya kaagad ang bibingka at puto sa loob .Mainit-init pa at mukhang masarap. Nakita naman niya na nagulat ang bata dahil hindi niya ito sinuklian ng ngiti bagkus ay tinitigan niya ito ng masama. " What's your name again?" " Ako po si Red,diyan lang po kami nakatira sa tabing ilog .Malapit lang po dito, Mister. Palagi po akong pumupunta rito kina Mang Pablo at ALing Marina pero tuwing sabado at linggo lang po kapag wala po akong pasok diyan sa school." " Okay, come in!" Nawala ang takot nito nang lumambot na ang ekspresyon ng mukha niya.Pumasok sila sa loob ng farm house. Umupo siya sa may terrace habang ang bata naman ay pumsok sa loob ng bahay , halatang sanay na nga ito. Well, that's good para naman may mauutusan siya . Mukhang mabait naman ang bata kaya mabilis namang napalagay ang loob niya. " Mister , kumain na po kayo. Sabi ni Aling Marina ay wala pa raw po kayong kain eh, kasi di naman nila alam na pupunta ka po rito." May dala na itong isang tray na may bibinka at puto. Nagtimpla rin ang bata ng black coffee. " Hmm, masarap 'to ah!" aniya pagkatapos humigop ng kapeng barako. " Opo, purong kape po 'ya na hinarvest namin ni Mang Pablo noong nakaraang sabado." " Mukhang napakasipag mo boy!" " Opo, nakasanayan ko na po. Atsaka, kapag nandito po ako , pag-uwi ko ay may dala na'kong saging at mga gulay kapalit ng tulong ko po kina Mang Pablo. Nagbibigay rin sila ng pera pang gastos ko po sa school." Tumingin siya sa bata. Sa murang edad nito ay marunong na talagang kumayod. " Bakit , 'yung magulang mo pala?" " Si Mama Nene po nasa Manila, nagtatrabaho sa palasyo. Bihira lang umuwi dito dahil ayaw namang payagan ng amo niya. ' Natawa siya sa salitang palasyo. " 'Yung tatay mo?" " Hindi ko na po nakilala eh, sabi ni Mama Nene nabuntis lang po siya." " Ilang taon ka na ba?" " Sampu po at birthday ko nga po ngayon eh." " Happy birthday boy, so may handa kayo?" biro niya sa bata. Natawa't napailing naman ito. " Wala po, di po kami naghahanda sa kaarawan namin." Tumango naman siya. Mahirap pala talaga ang buhay ng batang ito. " Okay lang yun basta't mag-aral ka lang ng mabuti boy. " " Opo, kaya po nagsisikap talaga ako. Gusto ko pong maging pulis balang araw. Teka po, Mister taga Manila po kayo?" Tumango naman siya. " Oo boy." " Wow, nandoon rin si Mama Nene. " " Oo pero ang laki ng Manila, " " Kapag magiging pulis na po ako, di na kailangang magtrabaho ni Mama Nene! " Ginulo naman niya ang buhok ng bata. Ang taas ng ambisyon nito sa buhay, pero masipag ang bata kaya naniniwala siyang matutupad nito ang lahat ng papangarapin nito sa buhay. " Kumain na po kayo, masarap po 'yag mga kakanin ni Tiyang." anito. Lumapit ang bata sa may hagdan at doon iyon umupo. " Teka, halika kumain ka rin . Di ba birthday mo ngayon? Happy birthday boy!" " Salamat po,Mister. " " Red! Nandito ka na pala!" Lumingon nama sila nang marinig ang boses ni Aling Marina. Maraming dala ang mag-asawa galing palengke. Lumapit ang bata sa dalawa at kinuha nito ang mga plastic bags na buhat ni Aling Marina. Lihim siyang naantig sa sginawa ng bata. What a gentleman! bulalas niya sa kanyang sarili. Pumasok ang bata sa loob ng bahay. Nagtagal naman ito sa loob at sabi ni Aling Marina ay ang bata ang nag-aayos ng mga pinamili ng mga ito. " Master, pasensya ka na sa batang 'yon kung napakadaldal pero napakabait nun at mapagkatiwalaan . " sambit sa kanya ni Aling Marina. " Yeah and seems to be so masipag." dagdag niya. " Ay opo naku sobrang sipag kahit na bata pa. " nakangiting wika ni Aling Marina . Ang mga mata ay nakamasid sa loob ng bahay. " Tuwang tuwa nga riyan ang mga guro niya dahil sa kasipagan ng batang 'yan at naku, matalino rin akalain mong first honor palagi 'yan simula pa nung kinder. Gusto ko na lang sanang ampunin ang bata pero ayaw ng tiyahin dahil nagpapadala naman raw ng pera ang nanay ng bata at di naman pinapabayaan. " Napangiti siya. " Balita nga ay malaki ang utang ng Mama niyan kaya buong buhay na yatang magtatrabaho sa Palasyo doon sa Manila. Kawawa naman talaga.Kaya ang batang 'yan ay maagang namulat sa kahirapan dahil alam niya ang sitwasyon ng Mama niya. " Tumango siya habang hinihigop ang kapeng tinimplahan ng bata. " Ang sarap ring magtimpla ng kape ano Master?" He smiled. " Oo, nakakamangha!" sambit niya. Tamang tama ang tamis at ang ang pait ng kape. " Tapos na po Aling Marina!" sambit ng pawisang bata nang lumabas galing sa kusina. " Aalis na po ako , tutulungan ko pa pong mang harvest ng mani si Tiyo." " Teka boy, birthday mo ngayon di ba?"? Tila ba may pwersang pumigil sa kanya sa pag-alis ng bata. " Aling Marina, tara po pumunta tayo sa bayan. It's his birthday today and let's buy him a cake." " Keyk po? Talaga po!" Namimilog ang matang sambit ng bata sa narinig." You heard it right boy!" Pumalakpak at tumalon naman ang bata sa narinig. " Wow! Salamat po talaga Mister. " kaagad naman siyang niyakap ng bata at natigilan siya nang bigla itong humagulgol . "Hey, bakit ka umiiyak boy!" " Masaya lang po talaga ako Mister! First time ko pong magkaroon ng birthday cake! Pero..may bayad po ba? Babayaran ko po?" Natawa siya. " No need, timplahan mo lang ako palagi ng kape mo ." " Sige po Mister, malapit lang po ang bahay namin !" Tuwang tuwa ang bata habang pinapahid ang luhaang pisngi. " Tara na Aling Marina." kahit pagod sa biyahe ay minaneho niya ang kanyang kotse papunta sa siyudad . Hindi siya mahilig sa mga bata but this one caught his attention.Parang may espesyal sa batang ito , di lamang niya maunawaan kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD