“CALLING the attention of Mister Oliver Caballero!” Hindi na tinapos pakinggan ni Oliver ang pumailanlang sa paging system ng ospital at mabilis na itong lumabas ng kuwarto. Tinuyo ni Jasmine ang mga matang walang tigil sa pagbukal ng mga luha at sumunod sa lalaki. Halos takbuhin niya ito para masundan agad. Tatlong doktor ang nasa may pinto ng ICU. Nakilala ni Jasmine ang isa, si Dra. Regina. “Oliver, lalong humihina ang resistensiya ni Caroline. Kailangang mailabas natin ang bata thru caesarian operation para hindi na siya madamay if things worsen.” Puno ng simpatya ang boses ng isa. “Pero, Dok, hindi pa niya due.” “We have closely monitored them both. And the baby is very much healthy.” Nanghihinang napasandal sa sementong dingding si Jasmine. Hindi niya matanggap ang mga naririn
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


