INIINGATAN ni Jasmine na huwag maipit ang tiyan ni Caroline nang yakapin niya ito nang umagang paalis siya sa mansiyon. Hindi niya napigil ang sariling mapaluha pero mabilis ding pinahid nang maghiwalay sila ng kaibigan. “Take care of yourself. Ang mga gamot mo, saka iyong advice ng doktor, huwag mong kalilimutan.” “Ikaw naman kung magsalita ka, parang hindi mo na ako pupuntahan uli rito.” Umabot ito ng tissue paper at nilinis ang eyeliner na kumalat sa gilid ng mga mata. Hindi sinasadyang napatingin siya kay Oliver pero agad ding iniiwas ang paningin sa lalaki. “Mami-miss ko iyong mga gabing nandito ka,” habol pa ni Caroline nang nakasakay na siya sa kotse. “I’ll miss you, too,” sagot niya at ipinako ang tingin sa driveway. Itinaas na niya ang salamin at hindi na muling nilingon ang

