DALAWANG linggo eksakto nang hindi lumuwas ng Maynila si Oliver. Ayon kay Caroline, sa darating na weekend ay uuwi na ang lalaki. Nasiyahan si Jasmine sa narinig. Kapag dumating si Oliver ay siya naman ang mawawala at kapag naayos ang papel niya ay susunod na siya sa mga magulang sa Amerika. Nasa lanai silang dalawa ni Caroline nang dumating si Oliver. Iniwan sa kanya ni Caroline ang mga lampin na pinagtutulungan nilang burdahan at sinalubong ang lalaki. Magkasama ang mga itong bumalik sa lanai. “Iwanan mo muna `yan, Jasmine. Ang daming pasalubong sa atin ni Oliver.” Atubiling tumayo si Jasmine. Naroon pa rin si Caroline at hindi tumitinag sa pagkakatayo. Si Oliver ay tahimik lang na nakamasid. Nasa mesa sa kusina ang mga pasalubong ni Oliver. Karamihan ay native delicacies ng lugar

