Part 9

1299 Words

“JUST-MINE…!” Nananaginip ba siya? At sa panaginip niya ay silang dalawa lang ni Oliver. Nakalatag ang katawan niya sa gilid ng pool at si Oliver ay nakaupo sa kanyang tabi. Hinahaplos nito ang pisngi niya papunta sa kanyang mga labi. Sinusundan ng hintuturo nito ang outline ng mga labi niya habang binabanggit ang term of endearment nito para sa kanya. Ang bawat dantay ng daliri ng lalaki sa kanyang balat ay pumapatay sa lamig ng tubig na bumabasa sa katawan niya. Napapalitan ng init at ang katawan niya ay naghihintay sa susunod nitong gagawin. Bumalik ang palad ni Oliver sa kanyang pisngi… “Oliver!” Napamulat siya ng mga mata. Nakaupo sa gilid ng kama si Oliver, ang isang kamay ay pinaglalandas sa kanyang pisngi. Bumalikwas ng bangon si Jasmine. Ang kumot ay dinala sa tapat ng kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD