Thirty-two Carla... Sa halos isang taon na pagtatrabaho niya sa Paris kasama nila Kyla at Issay, isinubsob lang niya ang sarili niya sa trabaho. Lahat ng koneksyon niya sa Pilipinas, pinutol niya iyon lahat. Hindi niya nakakausap ang mga magulang niya. Pero may balita siya sa mga ito, gumawa kasi siya ng dummy account niya sa f*******:. Doon siya nakakabalita sa pamilya niya. kinaibigan niya doon ang kapatid niya na hindi man lang naghinala sa pagiging matanong niya dito. "Bru, walang schedule bukas"tawag sa kanya ni Issay. Kakatapos lang ng photoshoot nito ngayon, pero may kasunod pa itong rehersal para sa runway nito sa susunod na buwan. Kung nasaan kasi ito nandoon sila ni Kyla, siya ang personal make-up artist nito at hair dresser na din si Kyla naman ang stylist nito. "Yap, wala

