Thirty- three Carla... Biglaan ang pag-uwi nila sa Pilipinas, bigla kasing tumanggap ng trabaho si Issay sa Pilipinas sa LM Corp. bilang bagong image model ng kumpanya. Hindi siya prepared, pero kailangan niyang harapin na ang mga magulang niya tutal nasa Pilipinas na din naman siya. Pero hanggang kaya niyang iwasan si Jake iiwasan muna niya ito, naiinis na naman kasi siya sa lalaking iyon. Makabasa ba naman siya ng balita dito na nasa Palawan ito kasama si Stella. At ang sweet ng picture na nakita niya, mukhang nasa bakasyon ang mga ito. bigla niyang naisip kung ano ang ginagawa ng mga iyon sa Palawan. Alangan namang magjack en poy ang mga ito sa Palawan hindi ba. "Girl ang taray ng look mo"puna sa kanya ni Kyla. Silang dalawa ang magkatabi sa eroplano, at nasa harapan nila sila Is

