Twenty-six Carla... Anong nangyari, nagbakasyon lang sila bakit bigla-bigla nalang ang laki ng pinagbago ni Kyla sa kanila. Naging aloof na naman ito sa mga tao, maging sa kanya na kaibigan nito naging malayo ang loob nito. Kahit na anong approach niya dito hindi siya nito pinapansin. Sinisisi na naman niya ang kaibigan ni Jake na si Marco sa mga nangyayari. Kasi naman ito ang huling kasama ni Kyla bago ito nawala nalang ng parang bula sa boarding house nila. "Marco, do something...nag-aalala na ako sa kaibigan ko. Naiinis na din ako kasi ng dahil sa inyong magkakaibigan nawala ang mga kaibigan ko. Una si Issay ngayon naman si Kyla"umiiyak na turan niya sa binata. Napayakap na siya kay Jake habang umiiyak. Nasasaktan siya, dalawang matalik niyang kaibigan ang nawala sa kanya ng dahil

