Twenty-seven Carla... Excited na siyang umuwi, halos dalawang linggo din kasi siyang hindi nakauwi sa condo nila ni Jake. Ang dami naman kasi niyang kailangang gawin, hindi tulad noong mga nakaraang taon o semester na kasa-kasama niya si Kyla sa lahat ng kailangan nilang tapusin. Ngayon kasama nga niya sa trabaho ang kaibigan para naman siyang hindi nag-e-exist sa mata nito. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang lumayo ang loob sa kanya ni Kyla. Kung may nagawa man siguro si Marco dapat si Marco lang hindi siya kasama. Pero kasama siya sa iniwasan ni Kyla at hindi niya iyon matanggap, she felt she was left alone. Hindi siya sanay na hindi nakakausap ang mga best of friends niya. Si Issay na hindi niya alam kung saan lupalop ng mundo nandoon. Sabi nito tatawagan sila nito kung saan

