Twenty-eight Carla... "My love, Ahh"nakangising utos sa kanya ni Jake. Naitirik naman niya ang mata niya sa kababawan ni Jake, nagpapasubo lang naman ito ng ubos sa kanya. Nasa ospital sila ngayon nito, naka-confine ito hindi dahil sa naragasaan ito ng truck noong isang linggo. Kundi sa naoperahan ito ng appendicitis. Hanggang ngayon naiinis pa din siya kay Jake, mantakin ba naman niyang scripted ang truck. Sobrang takot na takot siya noon, buong akala niya talaga nasagasaan na si Jake ng malaking truck at ngayon ay biyuda na siya ni Jake. Pero ang loko, ginamit pa ang ugaling niyang kapag sinabi na sinabi na. Alam na nito ang ugali niyang iyon, di ba nga nauto na siya nito noon. Kaya nga niya naging boyfriend si Jake noon dahil sa 'word of honor' niya. Inulit na naman nito ngayon

