Twenty-nine Carla... Hindi sila nakauwi sa bahay ng mga magulang niya ngayon dahil nadin nagpapagaling pa si Jake, kaya naman nagpaalam siya kay Jake na uuwi siya sa mga magulang nito. Pero sa totoo lang maikipagkita siya kay Stella. Sumaglit siya sa bahay nila para naman hindi maghinala si Jake. Alam niyang tatawag si Jake sa bahay nila kung nandoon na siya. Nang malapit na ang oras ng usapan nila ni Stella umalis na siya, nagpaalam siya sa mga magulang na pupuntahan muna niya ang mga kaklase niya bago umuwi. Para naman kapag tumawag na naman si Jake iyon ang sasabihin ng mga magulang niya. Pagdating niya sa restaurant kung saan sila magkikita ni Stella bigla siyang nakaramdam ng panliliit dito. Nandoon na ang mga kausap niyang dalaga. Nasa isang fine dinning restaurant silang dalaw

