Thirty Jake... Kulang ang salitang nakalutang sa alapaap sa nararamdaman niya ngayon. Mahal siya ni Carla. Sa wakas narinig niya din na sinabi ni Carla na mahal siya nito. Na mahal na mahal siya nito. Dalawang araw na niyang laging kasama si Carla, hindi na nga ito pumapasok sa school lagi lang silang nakakulong sa loob ng unit nila. At alam niyo na kung anong ginagawa kapag nakakulong sa iisang kwarto ang mag-asawa. "My love, ilan gusto mong baby?"masayang tanong niya kay Carla. Kakatapos lang nilang magmake love, para ngang wala silang kapaguran na dalawa. "Sabi ni Mama, mahirap manganak. Kaya tama na isa"sagot ni Carla. "Okay, tama na ang isa"sang-ayon naman niya. Umayos naman ng higa si Carla at hinarap siya nito. "Ikaw ba, ilan gusto mo?"tanong nito sa kanya. "Kung ilan an

