Eigthteen Carla... Buong biyahe nila tinulugan lang niya si Jake, ayaw niyang makipag-usap dito baka kasi bigla nitong banggitin ang nangyari sa kanila kagabi. Hindi pa siya handa na pag-usapan iyon. "Hey, my loves"naramdaman niya ang pagyugyog sa balikat niya. Pupungas-pungas siyang napamulat, parang nakalimutan pa nga niya kung nasaan sila ngayon ni Jake. "Nasaan tayo?"tanong niya dito. "Our Lady of Lourdes Church"nakangiting sagot nito sa kanya. Doon naman niya tinanaw ang labas ng sasakyan, totoo nga na nasa tapat na sila ng simbahan ngayon. Napakunot noo naman siya sa nakita niya, alam naman niya kung ano ang ginagawa sa simbahan. Ang tanong sa isip niya bakit sila nandito sa simbahan ngayon, hindi naman kasi linggo para magsimba silang dalawa ngayon. "Magdadasal lang tayo ts

