Nineteen Carla... "WOW!!!"kulang nalang pumalakpak pa siya sa sobrang pagkamangha niya sa lugar kung saan siya dinala ni Jake. Maaga silang gumayak na dalawa, inilibot muna siya ni Jake sa loob ng villa nito. nanguha na din sila ng iba't ibang klase ng prutas na tanim doon. Nang mapagod sila nagpahinga lang sila tapos dinala na siya ni Jake sa lugar na ito. "You like it?"masaya din tanong sa kanya ni Jake. Hindi niya ito tiningnan pero tumango siya bilang sagot. "Right decision pala ako na dito kita dinala"bulong ni Jake na narinig naman niya. "Bubulong ka pa narinig ko naman"aniya. Nakita niyang para itong teenager na nahihiya na humarap sa crush niya, napailing nalang siya sa harapan nito. Naghanap sila ng mapo-pwestohan pero wala silang makita na pwede nilang upuan, kahit na ma

