Chapter 1

1396 Words
F R I T Z “RYTCH Company,” bulong ko habang nakatingin sa malaking building sa harap ko. Iyon ang pangalan na nakalagay sa labas ng malaking building. Tiningnan ko naman ang hawak-hawak kong calling card galing kay Lolo kanina. Francisco Rytch. Ito na ba ‘yon? “Miss? Kanina ka pa rito, may problema ba?” tanong ng isang guard na kung hindi ako nagkakamali ay ang nagbabantay sa labasan ng kompanya. “Manong, kilala niyo po ba si Mr. Francisco Rytch? Binigyan niya kasi ako ng calling card na may pangalan ng kompanya niyo. Ang sabi niya, puntahan ko raw siya,” sabi ko kay Manong guard. “Patingin nga ng card,” sabi ni Manong. Ipinakita ko naman sa kanya ang binigay ni Lolo. “Oo, ito nga ang kompanyang iyan. Halika, samahan kita sa loob,” sabi niya. “Salamat, Manong! Hulog ka ng langit!” masayang sabi ko at sinundan siya papasok sa loob ng kompanya. Medyo excited ako sa magiging trabaho ko. Sobrang laki kasi ng kompanya. May dala rin akong sapat na papeles na magpapatunay na worth ako sa posisyon na ibibigay ni Mr. Rytch sa akin. Sinundan ko lang si Manong papasok sa loob ng kompanya hanggang sa pumasok siya sa elevator ay nakasunod pa rin ako sa kanya. Ilang sandali naman ay bumukas din ang elevator. “Maglakad ka lang sa hallway na ito at makakakita ka ng pinto. May nagbabantay roon at iyon ang office ni Mr. Rytch. Hindi na kita masasamahan, Miss.” “Sige, ayos lang po. Maraming salamat, Manong,” pagpapasalamat ko bago lumabas sa elevator. Sinunod ko ang sinabi ni Manong guard at naglakad lang nang naglakad. Hindi naman niya ako siguro niloloko ‘no? “Paano ka nakapasok dito?” Napahinto naman ako nang bumungad sa akin ang isang matipunong lalaki na nakasuot pa ng black eyeglass. Mukha siyang member ng men in black. “Hinahanap ko po si Mr. Francisco Rytch. Pinapunta niya kasi ako rito,” sagot ko naman sa tanong niya. Napakunot naman ako ng noo nang makitang tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. “Sumunod ka,” sabi naman niya at tumalikod. Hindi na ako umangal pa at sumunod sa kanya papasok sa isang pinto nasa likuran lang niya. “I thought, you would not accept my job offer,” rinig kong sabi ng isang boses. Agad na napatingin ako sa gawi kung saan may office table at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Mr. Rytch. Tumayo naman siya at lumapit sa akin. “Have a seat.” Umupo naman ako sa itinuro niyang sofa at umupo rin siya sa sofa na kaharap ng sofa na inupuan ko. Nagpaalam naman at umalis ang lalaki kanina na parang member ng men in black. “Why would I hire you?” tanong ni Mr. Rytch. “I didn’t graduate from a classy and fancy school, but I swear... you can trust me. I would do everything for this job. Besides, may dinala po akong papers na magpapatunay na worth it ako sa position na ibibigay niyo,” confident na sabi ko. “That’s good to hear. Kapag nagtagal ka, may bonus ka pa. Also, I won’t request a lot of papers from you. Nakikita ko naman na mapagkakatiwalaan ka. All I request was to handle my grandson perfectly because he was a perfectionist. Mataas naman siguro ang pasensya mo, hindi ba?” Agad naman akong tumango. Wala na akong pakialam ngayon, as long as legal ang trabaho, I would grab it! Kaya kong taasan ang pasensiya ko kapalit ng malaking suweldo. “You didn’t have a lot of work to do, depende sa apo ko. Ang nais ko lang na gawin mo ay ang bantayan siya ng maigi, assist him always, and I would really be glad if you would not tolerate him.” Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng office kung saan kami nag-uusap ni Mr. Rytch. Iniluwa roon ang isang lalaki na nakasuot ng formal attire gaya ni Mr. Rytch. Siya kaya ang apo na sinasabi ni Mr. Rytch? Mukha naman siyang matino. “You are five seconds late, Mr. Santiago. You should be on time!” bungad na sabi ni Mr. Rytch sa lalaki. Naramdaman ko naman ang pag-iba ng aura ng apligid. Tatlo na kami ngayon dito sa loob office ni Mr. Rytch. Hindi ko maipagkakaila na sobrang laki talaga ng kompanya nila at sobrang gara rin. “I met Mr. Yams earlier. He wants to talk to you about something,” walang ganang sabi ng lalaki na may pangalang Mr. Santiago at saka umupo sa sofa sa gilid. May tatlong na sofa rito, dalawang mahaba at malaki tapos ang isa naman ay maliit pero kasya ang isang tao na siyang inuupuan ngayon ni Santiago. Ang may inis na mukha ni Mr. Rytch ay nagbago nang marinig ang sinabi ng apo niya. “Okay. I’ll see him later. By the way, I have chosen your personal assistant. This is Miss Fritz Tolentino, your newly hired personal assistant,” pagpapakilala sa akin ni Mr. Rytch sa apo niya. Ngumiti naman ako ng malapad at tiningnan siya. “I am happy to meet you, Mr. Santiago,” sabi ko na may ngiti sa labi. Nanatiling matigas naman ang ekspresiyon niya sa mukha nang tapunan niya ako ng tingin. Ilang sandali lang ay tiningnan niya ang Lolo niya. “Who cares. I think... she couldn’t do it. You must choose another one,” walang gana niyang sabi at saka tumayo. Nabigla naman ako sa sinabi niya. “Excuse me, Mr. Santiago. You should not judge a person by looking at its physical appearance,” hindi mapigilang sabi ko. Medyo napausog naman ako sa kinauupuan ko nang tiningnan niya ako... sa mata. “I want a professional, completely skilled, and an expert with a lot of experience person as my personal assistant. You look like an uneducated one so you can leave now,” matigas na sabi niya. Napaawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Binabawi ko na ang sinabi ko na matinong tao siya. “Ang judgemental mo naman pala e! Hindi porke’t almost perfect ka na ay puwede ka nang manghusga ng tao—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang putulin niya iyon. “I couldn’t just accept random people to work in this company. I know that you also believed on small things could ruin everything, right?” Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya. Napatingin naman ako kay Mr. Rytch. “I didn’t want you both to argue so stop it. Here’s a deal for you, Miss Tolentino. I would hire you and I would respect your decision anytime if you wanted to leave and quit. My grandson was a perfectionist person, but if you could handle him, then I would never fire you. Just tell me anytime if you want to quit. I will inform my secretary to give you the lists of the papers that I wanted you to submit,” sabi ni Mr. Rytch at saka tumayo. Nakita ko naman ang sama ng tingin ni Mr. Santiago sa akin pero hindi naman siya umangal. Mukhang under yata siya ng Lolo niya. “I’ll see you later, Dexter. And—Miss Tolentino? You could start your job tomorrow. You can leave now.” “Thank you so much, Mr. Rytch. I would do my very best for this job. Thank you,” pagpapasalamat ko. Tumango lang ito at saka umalis na. “Know your place, woman,” bulong sa akin ni Mr. Santiago bago sumunod sa Lolo niya. Mukhang mabait naman ang Lolo niya pero ang ugali niya ay kabaliktaran sa Lolo niya. Grabe makalait. Ako? Uneducated? Baka siya! Lumabas na rin ako sa opisina ni Mr. Rytch. Sumakay ako ng elevator pababa ng ground floor ng kompanya at paglabas ko naman sa elevator ay may lumapit na babae sa akin. May ibinigay siyang isang papel na may nakasulat. Mga papeles na kailangan kong asikasuhin para makapasok na ako ng tuluyan sa trabahong ito. Mukhang hindi magiging madali ang trabahong ‘to lalo na’t perfectionist daw ang pagsisilbihan ko. Napabuntong hininga naman ako at tinungo ang labasan ng kompanya. Kailangan kong maghanda ng maigi dahil lahat talaga ng trabaho na may malaking sweldo ay pinaghihirapan, kahit nga maliit na sweldo pa e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD