Chapter 3

1438 Words
“HERE is your bank account card. Nailipat ko na ang one million diyan. You could resign now and don’t you ever see me again,” sabi ni Dexter nang hagisan niya ang ako ng bank account card. Nakabihis na siya ng pang-ibaba samantalang ako ay nakatapis pa sa kumot. Kinuha ko ang hinagis niya at tiningnan siya ng masama. “Salamat pero hindi ako magreresign. I would still continue my job,” taas noo kong sabi. “Really? You still have the guts to work with me kahit kinuha ko na ang virginity mo? At naging bayaran kang babae kagabi so get lost.” “I don’t care. We have a deal, mawawalan lang ako ng trabaho kapag ako mismo ang nagresign at hindi ko gagawin ‘yon.” Hindi ako nagpatalo nang tiningnan niya ako mata sa mata. I already started this, aalis lang ako kapag naging kumpleto na ang sustento ko sa pamilya ko. “Ten minutes, kapag wala ka pa sa office, ako na mismo ang kakaladkad sa ‘yo palabas sa kompanya,” seryosong pagbabanta niya at iniwan ako. Katahimikan ang namayani sa buong kwarto nang makaalis si Dexter. Isa-isa ko namang kinuha ang mga damit ko na nakakalat sa kama at sa ibaba. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagtulo ng likido mula sa mga mata ko. ‘At naging bayaran kang babae kagabi so get lost.’ Ang dali lang niya sabihin at bitawan ang mga salitang iyon. Hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ng taong pinagsabihan niya. Ano nga ba naman ang maaasahan ko sa isang Dexter Santiago? Pinahiran ko ang luha ko at mabilis na nagbihis nga damit. Ano man ang mangyari, ano man ang sabihin ng iba, gagawin ko pa rin lahat para sa pamilya ko. Pagkalabas ko sa bar ay bumungad sa akin ang driver ni Dexter na si Mang Oscar. “Ihahatid na kita, Miss Tolentino. May damit din sa kotse, ipinadala ni Mr. Rytch. Nalaman niya kasi na nandito kayo ni Sir Dexter. Alam niyang hindi uuwi si Sir Dexter agad kapag nandito siya sa bar,” sabi nito. “Nasaan ba ang amo mo? Hindi siya sumakay sa kotse?” tanong ko. “Pinakuha niya po ang sasakyan niya kagabi kaya ‘yon ang ginamit niya.” Hindi na ako nagsalita at agad na naglakad papunta sa sasakyan. Pumasok ako roon at may nakita akong paper bag. May damit sa loob. “Manong? Ilang minuto ang kaya niyo para makarating sa opisina?” “Mga limang minuto po kapag binilisan.” “Sige, bilisan mo.” Binaba ko ang kurtina sa may backseat para hindi ako makita ni Manong na magbihis. Kaagad na binilisan ko ang kilos ko at isinuot ang isang skirt?! Napakagat naman ako ng labi sa damit na hawak ko. Napailing-iling na lang ako at saka sinuot ‘yon. Hindi ako masyadong nagsusuot ng mga maiikli at kita ang tiyan na damit pero kapag wala ng choice, magsusuot na lang. “Nandito na po tayo, Miss,” rinig kong sabi ni Manong. Lumabas naman agad ako ng kotse at inayos ang damit ko. Hinila ko pababa ang skirt na puti na suot ko dahil maikli talaga. Napahawak naman ako sa tiyan ko dahil mukhang kulang sa tela ang itim na t-shirt na suot ko. Naglakad ako papasok sa kompanya. Tiningnan ko ang itim na heels na suot ko. Mukhang bumagay rin naman ito sa suot ko ngayon na sinuot ko rin kahapon. Inayos ko ang buhok ko. “You’re fired! Maliit na utos, hindi mo nagawa?! Get out!” rinig kong sigaw mula sa loob ng opisina ni Dexter bago ako tuluyang pumasok. Nakita ko siya na nakaupo sa may desk niya at may kaharap naman siyang lalaki na nakayuko. Napailing-iling na lang ako. Nakita kong tumayo ang lalaki at umalis. “You’re on time—” Napahinto siya nang tingnan ako. Mabuti at on time ako. Baka pag-initan niya ako kapag late. “Problem?” tanong ko dahilan para mapaiwas siya. “Timplahan mo ako ng kape,” sabi niya. Napairap naman ako at saka naglakad papunta sa isang sulok kung saan puwedeng magtimpla ng kape. Napangiwi naman ako nang maramdamang namanhid ang binti ko. Nakaramdam ako ng kirot sa may bandang gitna ko. Ilang sandali lang ay natapos rin ako at binigay ko na sa kanya ang kape niya. Kinuha niya rin naman iyon at ipinatong sa desk niya. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong hilain dahilan para mapaupo ako sa hita niya. “If you didn’t want to get f****d again... don’t wear that kind of clothes,” bulong niya sa tenga ko. Magkaharap kami ngayon at ramdam ko ang bukol sa gitna niya. Nanlaki naman ang mata ko nang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. “Mr. Santiago? Pinapatawag po kayong dalawa ni Miss Tolentino sa opisina ni Mr. Rytch.” Napatingin ako sa may pinto nang may marinig akong boses sa may labas nito. Tiningnan ko si Dexter at nanigas ako nang magtagpo ang mga labi namin. Akmang lalayo na sana ako pero hinawakan niya ako sa bewang at itinulak papalapit sa kanya. Nagsimulang gumalaw ang labi niya at wala na akong nagawa kung ‘di ang sumabay na lang din sa galaw ng mapusok niyang labi. “Papasok po ako, Mr. Santiago.” Napatayo ako nang marinig ang sabi ng nasa labas ng opisina. Tiningnan ng masama ni Dexter ang employee na pumasok at halatang natakot ito sa masamang tingin ni Dexter. “You’re f—” “Mr. Santiago, kakausapin tayo ng Lolo mo kaya tayo na,” pagputol ko sa sasabihin niya. Tiningnan niya naman ako ng ilang sandali bago tumayo. Sumunod naman ako sa kanya nang nauna na siyang maglakad palabas ng opisina. Bago kami tuluyang lumabas sa opisina niya ay ngumiti sa akin ang babaeng employee na kung hindi ko nagkakamali ay tatanggalin sana ni Dexter dahil lang sa pagpasok nito sa opisina niya. Sana hindi siya matanggal ng tuluyan. “WHAT did you do to Miss Tolentino?” bungad na tanong ni Mr. Rytch nang makaupo kami sa sofa rito sa loob ng opisina niya. “Hindi mo sana ginawa ‘yon sa kanya, Dexter. She’s different at alam kong malayo ang mararating niya. Huwag mo siyang igaya sa ibang babae mo,” dagdag pa nito. “What? Pumayag siya kapalit ang isang milyon, Lolo. You can’t blame me,” depensa ni Santiago. Pumayag? Oo, pumayag nga ako pero hindi ibig sabihin no’n na mabuti o maganda na ang ginawa niyang iyon. Kailangan ko lang din talaga ng pera. Nanatili akong tahimik na nakikinig sa kanilang dalawa. Sa totoo lang ay gusto kong sampalin at kasuhan si Dexter pero ano ang makukuha ko roon? Mas may makukuha ako kung mananahimik na lang ako rito sa gilid. “How could you say that, Dexter?! Hindi kita pinalaki na ganyan! Magbago ka naman, apo. Kahit hindi na para sa akin kung ‘di para sa sarili mo,” may pag-alalang sabi ni Mr. Rytch. “Ayos lang, Mr. Rytch. Malaki ang pera na ibinigay niya at wala rin akong balak na umalis sa trabaho ko,” sabi ko. Hindi ako aalis sa trabaho ko dahil lang doon, kailangan ko pa ng pera para sa pamilya ko. Kahit ang sarap sapakin, pigain, at bugbugin ni Dexter dahil hindi siya marunong rumespeto at umintindi ng tao, titiisin ko iyon, hahabain ko pa ang pasensiya ko sa kanya. “That’s good. You could be my toy, hindi kita tatantanan hangga’t hindi ka umaalis,” may pagbabanta niyang sabi sa akin. Tumayo si Dexter at nagpaalam sa Lolo niya. Nang makaalis siya ay nakita ko naman ang pag-iling ni Mr. Rytch. “How could I change him? Sobrang nagbago na ang apo ko. Ang mabait, magalang, at matino kong apo rati ay hindi ko na kilala ngayon,” may lungkot na sabi ni Mr. Rytch. “Huwag kayong mawalan ng pag-asa, Mr. Rytch. Maybe, he needs some time. Kung ano man ang problemang pinagdadaanan niyo, malalampasan niyo rin ‘yon.” “Thank you, Miss Tolentino. And... I’m sorry sa mga nagawa ng apo ko. Just tell me anytime kapag hindi mo na kaya ang trabaho mo.” Umiling-iling naman ako. “Ayos lang po. Kaya ko pa ang ugali ng anak niyo.” “I was really blessed enough for having a kind woman as my grandson’s personal assistant. Sana magtagal ka sa apo ko, Miss Tolentino.” “Salamat po.” Ilang sandali lang ay nagpaalam na rin ako kay Mr. Rytch para puntahan si Dexter sa opisina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD