bc

My Lover is a Robot

book_age12+
32
FOLLOW
1K
READ
student
comedy
bxg
humorous
lighthearted
mystery
superpower
special ability
Writing Academy
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Meet Cassandra Dela Cruz. Lagi niya iniisip na balang araw magiging isa sya sa pinakamagaling na robotic engineers sa Pilipinas tulad ng kanyang Daddy. Kaya lang hadlang naman ang kanyang Mommy kaya nag-BSIT na lang siya. Pumasok siya sa Robo University. Hindi sya masaya kasi gusto niya maging isang Robotic Engineer tulad ng kanyang Daddy kaya ang ginawa ng Daddy niya sinama nya si Cass sa Robo Corp. para makita sana ni Cass na hindi ganun kadali ang trabaho niya. Nagkaroon ng biglaang meeting ang Daddy niya kaya pinag-antay niya eto sa kanyang opisina habang naghihintay si Cass ay naglibot siya. Nakakita siya ng bukas na kwarto. Nung pinasok niya yun nagulat sya dahil ito ay isang bodega. Bodegang puno ng mga hindi gumaganang makina. May nakita siyang kakaiba, isang robot. Nagulat siya nung gumana ito. Isang napakagwapong lalaking robot. Anu na gagawin niya dito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Meeting Rob 001
Cassandra Dela Cruz’ POV Nakamasid lang ako sa daddy kong kanina pa nagtetelebabad este kausap pala yung client nila sa telepono. “This is boring.” Bulong ko. Nakaupo ako sa waiting area dito sa office niya. Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko kung bakit niya ako sinama dito. Para makita na hindi ko gugustuhin maging isang katulad niya, Robotic Engineer. Well.. nagtagumpay ba siya? No. Gusto ko pa rin pero what can I do? Enrolled na ko sa Robo University para sa kursong BSIT. On the second thought, nagtagumpay nga sila ni mommy. Napakamot nalang ako sa ulo ko. I pout my lips. They won. “Cass..” Napalingon ako kay daddy. “Yes, dad.” Sabi ko at ngumiti ng konti. “Dito ka muna sa office ha.. may kailangan lang ayusin. Please, don’t roam around. Be a good girl and wait for me here. Okay?” “Pssh.. I am not a kid anymore, dad.” Nakasimangot at reklamo kong sabi. “Fine! I trust you alright. Stay here. Be a good girl. I’ll be back.” At tuluyan na nga siyang umalis sa office niya. Iniwan niya ako kasama ang secretary niyang si Bobby. Yes. Lalaki ang secretary ni dad kundi patay siya kay mommy. Makikita mo ang end of the world for sure pag babae tong secretary ni daddy. Nagkatinginan kami sandali ni Bobby. Pero walang malisya. “Tayo rin pala sa huli maiiwan, Bobby. Di ka ba nagsasawa kay daddy? Iwan mo na!” Natatawang pangangantyaw ko. 5 years na sila magkasama dito sa Robo Corp. Ang Robo University at Robo Corporation ay iisa lang ang owner, si Mrs. Ro. Infairness, guwapo si Bobby pero hindi ko siya type. Marahang napangiti si Bobby. E binatang Pilipino, yeah? Sabay sagot ng “Hindi. Masaya ako sa trabaho ko, Cass.” Nakangiti niyang sabi. Hmm.. “kung hindi kita kilala iisipin ko robot ka.” Sabay kuha ko ng bubble gum sa back pocket ng pants ko. Hinagisan ko si Bobby ng isa. Sinalo niya. “Salamat.” Nakangiti niyang sabi. “Ayaw ko ng salamat. Tara? Libot tayo boring dito e.” Binigyan ko siya ng isa sa mga nakakasilaw kong ngiti. Napakamot siya ng ulo niya. “Sabi ng daddy mo, “Stay here. Be a good girl.”. “Eh? To naman! Saglit lang! Sige na?” I slowly batted my eyes and gave him my irresistible smile. Pero no. No pa rin! Hay! Lumipas ang isang oras. “Hindi ko na kaya! Mag ccr lang ako.” Tumayo ako at aalis na ng office ni daddy nang pigilan ako ni Bobby. “Sandali lang samahan kita.” Susunod na sana siya sa akin. “Sasamahan mo ko?” Tanong ko. Napatigil si Bobby. “Ah sige, alam mo naman na ata kung saan? Diyan lang malapit lang. Sige hintayin nalang kita dito.” Inayos niya ang kurbata niya. “Oks. Thanks.” Sabi ko ng nakangiti. Ayaw mo ko samahan lumibot e. Ako nalang mag-isa. Ang laki ng Robo Corp. Ang daming offices. Sa paglilibot ko wala namang espesyal sa company na ito. Katulad lang din ng iba. Maliwanag naman pero may parteng hindi gaano maliwanag. Katulad ng pasilyo na ito. May isang kuwarto at nakabukas ang pinto. Napalunok ako. Parang bigla akong kinabahan. Babalik na ako. Lalakad na sana ako papalayo pero may kung anong pumipigil sa akin. Gusto ko silipin. Kahit sandali lang. Pero baka may makakita sa kin. Pero di ko naman binuksan yan. Kanina pa yan bukas. Sisilip lang ako. Parang sumasakit tiyan ko sa kaba pero sisilip lang talaga ako. Sandali lang. Tumingin-tingin muna ako sa paligid bago ko unti-unting sinilip ang kuwarto. “Ah.. wala naman pala.” Binuksan ko ang ilaw. “Tambakan pala to. Iba-ibang machine. Experiment siguro mga to.” Malawak ang kwarto na ito. Aalis na sana ako nang may makita akong nakausling paa. Napasigaw ako. "Aaahhhhhhhh!" Napapikit ako ng mariin. “s**t! s**t! s**t!” Napaupo na ako at nayakap ang sarili ko. Unti-unti ko minulat ang mga mata ko. Kinapkap ang sarili ko. Oks lang ako. Pero ano yon? May krimen bang nangyari rito? Kinilabutan ako sa naiisip ko. Pano kung may makakita sa akin dito? Kaninong paa un? “s**t!” Aalis na ako pero ano kaya un. Napatigil na naman ako sa paglalakad. Suminghot-singhot ako. Wala namang mabaho na amoy na may patay na tao. Wala namang ganun. Pero ano ung paa na ‘yon? May puting telang nagtatakip dito. Tanging nakikita lang e ung kanang paa. Wala namang sugat. Nanonood naman ako ng SOCO at American Murder pero grabe sobrang kinakabahan ako. Titignan ko lang sandali tapos aalis na ko. Hinili ko ang puting tela at nagulat ako. Napahawak ako sa bibig ko. Isang lalakeng napakaguwapo. Hazelnut brown hair. Maputi. Mahaba ang eyelashes. Matangos ilong. May manipis na labi. Nakarobo corp na lab coat. Teka natutulog dito? Ano to tumakas sa trabaho? Teka nga. Magising nga. Inalog ko ng kaunti ang kanang braso niya.. “Uy! Gising na lagot ka pag mahuli ka na nagpapahinga rito.” Dahil hindi ko siya magising e medyo nilakasan ko nang kaunti ang pag-alog ko sa kanang braso niya. Sa yamot ko kahit guwapo siya, itinulak ko siya ng dalawang kamay. Pero di pa rin siya natinag, hangbigat e. “Gising na..” napatigil ako nang mapansin kong may nakaangat sa likuran niya. Ung lab coat ata naipit. Pag-ayos ko ng lab coat ay tumambad sa akin ang nakaangat na balat. “s**t! Ano yan?!” Nagulat ako pero iniangat ko na ang lab coat ni kuya at nakitang takip eto. Takip ng electrical junction box o cable box. “Bakit may ganito ka?!” Tinitigan kong maigi ang guwapong lalaking ito. Napatakip ako sa bibig ko. Isang robot. “Teka! Bakit andito ka? Sira ka ba?” s**t! Kinakausap ko na sarili ko. Isinara ko ng maayos ang takip sa likod nung lalaki. Nagsign of the cross ako. May nakita akong bakal sa gilid at kinuha ko ito. Just in case lang. Pano kung magwild eto diba? Baka failed experiment siya kaya nandito siya. Pero napansin ko malinis pa ung tela na nakatakip sa kanya. Pati ung lab coat malinis pa rin. Bago lang siya nilagay dito. Ipinorma ko na ang aking kaliwang kamay na may hawak na bakal. Para kung sakali mahampas ko siya agad. Kinalabit ko eto. Walang reaction. Hindi lumilingon. Pero infairness ang balat parang sa tao talaga. Sino kaya ang gumawa sa kanya? Pano kaya siya ginawa? Huminga muna ako ng malalim. Napapikit akong muli. Inhale. Exhale. Nakakakaba. Kahit malamig pinagpapawisan ako. Iminulat ko na ang aking mga mata. Hinawakan ko siya balikat at nagulat ako nang bumukas ang mga mata niya. “Heat human interface.” “s**t!” Napaurong ako bigla. Ano yon? Sino ung nagsalita. Ready ako isway tong hawak ko. Napalingon ako. Gusto ko umalis pero hindi ko mapigilang hindi macurious. Bumukas mga mata niya kulay brown din. Tinignan ko siyang maigi. Bakit kaya siya nilagay dito sa bodega? Ibinaba ko muna ang hawak ko. Napadako ang tingin ko sa isang bagay na nakasuot sa kanang wrist ng robot. Hugis parisukat. Kulay itim. Para itong relo. Yumuko ako para makita ko ito ng maayos. Relo nga talaga. Mali ang oras sa relo niya. Napansin ko din na may nakasulat na status, mood, and with. Status?? Kung in a relationship siya? Ganun? O kung alive ba siya? Ah! Ewan! Itama ko na lang ang oras. Iisa lang yung button at kulay puti iyon. Maliit lang ito na nakalagay sa kanang bahagi ng relo. Nakapuwesto ito sa itaas. Pinindot ko ito at nagulat ako ng biglang lumiwanag ang mga mata ng robot. Lumaki din yung screen ng relo kasing laki ng mga normal sa screen ng smartphones. Ang galing! Teka... Hindi kaya delikado ang ginagawa ko? Napabuntong hininga ako. Nandito na ako. There's no turning back now. Ikaw na bahala sa akin Lord. Lakas loob kong pinindot muli ang screen ng relo. Nagulat ako ng may biglang magsalita at ang sabi "Rob 001". Napaayos ako ng tayo. Lumingon-lingon ako. "Sino yan?" Kukunin ko na sana ung pede kong panghampas. "Find me!" Sagot nung babae na hindi ko kilala. Find me mo mukha mo! Pa English-English ka pa! Sino kaya yun? Staff ng Robo Corp.? Patay. Napatingin ako sa robot. Napansin kong nakailaw yung screen ng relo niya. Napayuko ako ulit para matignan eto ng malapitan. Wala namang nakasulat e. Puro puti lang. "How can I help you?" Napatalon ako sa gulat. Ito pala yung nagsasalita? Relong nagsasalita? Amazing! "Hey Siri lang ang peg mo ganun?" "No. You can call me Techy. So, it should be Hey Techy not Hey Siri." "Ayos to ah!" Nag-isip ako ng matatanong. Napahawak ako sa aking baba. Ah! Alam ko na! "So, Techy. How can I activate Rob 001?" "Take a picture first!" Ha? Pinagsasabi neto. Nagulat ako ng makita ko ang sarili ko sa screen. Wow! May front camera. May back camera kaya? Mabuti at hindi ako hagard masyado. Sinuklay ko ng mga daliri ko ang buhok ko. Nagsmile ako at nagpeace sign. Japan japan lang ang peg hehehe "The second step to activate Rob 001 is to kiss him torridly." Nanlaki ang mata ko! Ano?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
182.7K
bc

WAYNE CORDOVA

read
484.1K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Matchmaker to the Ruthless Billionaire (TAGALOG)

read
577.8K
bc

THE FAT SECRETARY

read
168.0K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K
bc

Contract - Tagalog

read
767.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook