Cassandra's POV
Tinanggal ko agad ang kamay ko sa balikat niya at tumayo nang maayos.
Nakasmile niyang sinabi ang "Hi, future girlfriend!"
Hindi ako nakareact agad sa gulat. Ano raw?
Napatingin ako sa relo niya. Narinig ko kanina nagsalita si Techy e. Ang sabi niya "Completed! Rob 001 is now activated." Kelangan pala talaga kasama ang tongue. Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"What's your name to complete the activation?"
Wala sa sarili kong sinagot si Techy "Cassandra Dela Cruz".
"Saving! If you want to turn me off just say off then if you want to turn me on just press the button and say the magic word."
"What's the magic word?" Takang tanong ko.
"Techy."
Bigla kong naalala ang sinabi ni Rob 001 at para bang nagecho sa akin ang sinabi niya.
Hi, future girlfriend!
Hi, future girlfriend!
Hi, future girlfriend!
"Waaaaa....Wait Techy! Why did he call me future girlfriend?!" Patanong kong sigaw.
"I believe that every question has an answer. So, my answer is I don't know."
"E di wow! Ang laki namang tulong ng sagot mo! Yung matinong sagot kasi Techy!"
"Maybe, you know the answer. Why did he call you future girlfriend?"
Napasimangot ako. "What?! What the heck! Tanong ko sagot ko? Sa palagay mo kung alam ko ang sagot eh magtatanong ako?"
"I am telling the truth. I really don't know. Who were you thinking when you kissed Rob 001?"
"E di si future boyfriend ko. Si Top. Bakit?" Nakanguso kong sabi.
"That's why. Congrats! You know the answer now!"
Ano nanaman to? Ibig sabihin ba neto na dahil si Top ang iniisip ko nung mga time na hinahalikan ko siya... Ang akala niya siya si Top. Akala niya siya ang aking future boyfriend at ako ay ang kanyang future girlfriend. Ganern? Waaaaa.... I am digging myself down more.
"Hey Techy! Tell me how to fix this."
“I don’t know.” Sagot ng mahaderang smart watch.
Matatalim ang tingin ko sa relo ni Rob 001 sabay sabi ng "You don’t know what I am capable of doing. Don’t test me. Sirain kaya kita ngayon, Techy. Ano sa palagay mo?"
"Well, I served as a user's manual. So, if you don't need my help anymore then go do whatever you want." Panghahamong sabi ng mahaderang relo.
“Ewan ko sayo! Isa ka lang smart watch! Ay hindi pala. Isa ka lang watch!” Naiinis kong sabi.
“Think whatever you want.” Kung tao ito, baka nakalbo ko na to. Para bang dumidila pa to sa akin. Iba!
Pano ako uuwi? Mag-ingat dapat ako kila mommy at daddy. Kung hindi.. tigil ako sa pag-aaral ko neto.
Naaalala ko lagi nilang bilin. Bawal mag-boyfriend. BAWAL MAG-BOYFRIEND. Kulang nalang gawin nilang karatula.
Hindi ko siya boyfriend pero future girlfriend tawag sa akin. It will give an impression na nagpapaligaw ako. Diba? This is bad.
Napatingin ako kay Rob 001. Simula pa kanina nakangiti na siya hindi ba siya nangangawit? Ay.... Robot nga pala siya. Nalolowbat kaya siya? Tanong ko nga kay Techy.
"Techy! Nalolowbat ba siya?"
"Yes!"
"Ha? E pano ko siya ichacharge?"
"He just needs heat. That's all!"
Ah! Heat lang naman pala e. Heat? Heat nanaman! Nanlaki ang mga mata ko.
"Wag mo sabihing everytime na malolowbat siya kelangan niya ng kiss?!" Patanong kong sigaw at nakaturo sa robot na kanina pa nakatingin at nakangiti sa akin.
"No! However, it depends on the situation."
Ah! Bahala na nga.
"Off"
Agad namang bumalik sa dating itsura ang relo ni Rob 001.
Napatingin ulit ako kay Rob 001.
"Rob 001. Pede bang Rob na lang tawag ko sayo?"
"Kahit anong gusto mong itawag sa akin pwedeng-pwede. Pwede din naman na tawagin mo akong kasintahan sa hinaharap." Nakangiti pa rin siya.
Okay? Kasintahan sa hinaharap? Kapag nagtatagalog ako tagalog din siya pag nag-English kaya ako? Try ko nga!
"Okay! I'll gonna call you, Rob!"
"That's a cool name, future girlfriend!"
"O-okay" Kung ano ang language na gamit ko yun din ang gagamitin niya. Mamaya try ko nga yung ibang language. Napangiti ako sa aking naiisip.
Am I excited? Hay.. gawin na ang dapat mangyari.
Hinawakan ko na ang kamay niya. Ang kamay niyang malambot! Grabe! Kahit robot siya mas malambot pa rin ang kamay niya sa akin. Idol ko na kung sino man ang gumawa sayo Rob.
Pero kaya niya kaya sirain ang pinto na ito? Diba dapat kasi malakas siya? Hinila at dinala ko na siya sa harap ng pinto.
“Rob, pakibukas naman ang pinto.” Nagpuppy eye ako. Sana gumana.
“Sige. Sandali lang.” Pagpihit niya ng door knob. Nagtataka ang itsura neto. Siguro naisip niya bakit nakalock.
Inalisa niya pa muna bago pihitin ulit ang door knob. Nilakasan niya ang pagpihit dahilan ng pagkasira ng door knob. Natangay pa ang door knob. Amazing!
Napanganga ako. Malakas nga siya talaga. Robot nga talaga siya. Hinawakan ko na ang kamay niya.
“Let’s go, Rob.” Iniwan na namin ang bukas na pinto, ilaw, at sirang door knob.
Nagmadali kaming lumabas ng building. Tago dito. Tago doon. Yan ang ginawa namin. Sana totoo yung invisibility cloak ni Harry Potter.
Nakalabas na kami ng bldg. Mabuti at wala naman nakakita sa amin. Whew!
Nagtago kami sa likod ng malaking puno. Naghihintay sa pag-alis ng guwardiya sa gate.
Ang pawis sa noo ko, tagaktak na. Nagulat na lang ako nang may dumamping kamay sa noo ko. Napatingin ako sa kanya.
"Perspiration is not good for your beautiful face, future girlfriend." Nakangiti niyang sabi. Ginantihan ko lang ang ngiti niya ng ngiti para kasing ang awkward na hindi ko malaman. Nagiging awkward lang naman ang atmosphere kapag kilala mo na siya, diba? Pero bakit ganun?
Nawala ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang may bumusina. Nang makita ko ito. Sasakyan ni daddy. Nagtago ako nang mabuti.
Napatingin ako kay Rob. Pano na to? Hindi ako pwede umuwi kasama si Rob.
Kung iiwan ko siya.. user na user lang peg ko nito.
Hay.. ano ba tong pinasok ko? Napabuntong hininga nalang ako.
Pinagdikit ko ang mga noo namin. Pumikit ako at sinabing “Stay still and wait for me.” Lumayo ako. Tinitigan siya sa mata at ngumiti.
Nilingon ko si Rob. Nakangiti pa rin siya. Kung hindi ko alam na robot ito masasabi kong weird siya.
Lumayo ako. Ano na gagawin ko? Tatawagan ko sana ang partner in crime ko. Best friend ko si Tiffany. Kaso lowbat na phone ko.
Lumapit ako sa guwardiya. No choice.
Naningkit mata ni kuya.
“Sino yan?” Tanong niya.
“Kuya, magandang gabi! Nalowbat po ako tawagan ko sana si Sir Alfie. Siya yung daddy ko.”
Agad na umayos ng tayo ang guwardiya. Di ko siya kilala at hindi rin siya ung nakita kong guwardiya nung pumunta kami ni daddy dito. Pang night shift siguro siya. Hindi rin naman ako laging nagpupunta rito so nagkibit balikat nalang ako. Pero alam kong kilala ang daddy ko rito.
“Kaaalis lang maam. Nagbilin nga po siya na tawagan ko siya kung makita ko si Maam Cass. Kayo po pala yon.”
“Opo. Ako na po tatawag. Kung okay lang po?” Nakangiti kong sabi.
“Sige maam kayo nalang po.” Binigay naman niya agad ang phone.
Calling... 0977237****
Ringing...
“Hey!” Sagot ni Tiffany.
"Tiff, si Cass to. I need your help." Pabulong at seryoso kong sabi.
“What is it this time?!” Pagalit niyang tanong.
“My lover is a robot.” Mahina pero sinigurado kong narinig niya.