bc

Caged by the Billionaire

book_age18+
21.2K
FOLLOW
152.5K
READ
revenge
HE
curse
small town
like
intro-logo
Blurb

"X-Xavier..." umiiyak na pahayag ko. "P-Please.. h-huwag mong ituloy..." There was a time that I wanted him so badly. Dahil sa ligayang minsan niyang naidulot sa akin. But that Xavier was gentle in his odd ways at hindi tulad ngayon na puno ng galit at dahas.

"I will be your nightmare, Issa. And I'm gonna make sure na hinding-hindi mo ito malilimutan. I will give you the punishment you deserve."

Sa araw ng kasal ni Jax Xavier Delaford ay may isang misteryosang babaeng lumitaw at nagsabing buntis at siya ang ama. Dahil doon ay iniwan siya ng babaeng pinakamamahal. Bilang ganti, ipinahanap niya ang babae at iniambang pagbayarin sa ginawa. But what if he fell in love in the process?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
XAVIER'S POV NAPATIIM bagang ako sabay kuyom ng kamao nang mabasa ang in-email sa akin ni Joaquin. Nakita na raw nito ang taong pinahahanap ko at may kasama pang litrato bilang patunay. The face of the woman instantly infuriated me. Ang kuhang litrato nito ay iyon pa talagang nakangiti. She was pretty. But deep within slept a demoness waiting to be unleashed inside. Malaki ang utang ng babaeng ito sa akin. She ruined my life. She ruined the most beautiful day of my life. Hindi ko kilala ang babaeng ito. Ni sa panaginip ay hindi ko pa siya nakikita. But that day, she claimed that she knew me, had met me already and worst... got pregnant by me. "Itigil ang kasal!" Magsisimula na bali ang pari sa seremonya nang sa hindi inaasahang pangyayari ay may babaeng bigla na lang lumitaw sa kung saan at histerikal na sumigaw. "I am pregnant, Jax Xavier Delaford. You cannot do this to me! Ano't iiwan mo na lang ako sa ere matapos mong magpakasasa sa akin at mabuntis ako? No way! Itigil ang kasalang ito at panagutan mo ako!" Dumagundong sa apat na sulok ng simbahan ang boses ng babae. Hindi ako nakapagsalita dahil sa shock. Ni sa panaginip ay hindi ko pa nakikita ang babaeng ito. And I never had any affair mula nang maging kami ni Lianna. I had always been a loyal and faithful lover to her dahil sa kaniya pa lang ay kontento at masaya na ako. Kahit ba isang taon pa lang kaming magkasintahan. Kaya nga nauwi ang lahat sa kasalan. "What is she talking about, Xavier?" nanlilisik ang mga matang baling sa akin ni Lianna. Hindi ko na mawawaan ang mga nangyayari sa paligid dahil umuugong na ang ingay mula sa mga bisita. Even mom and dad were staring at me na may kahalong pagtataka, pangamba, pagkagulat at pagkagalit sa mga mata. Lalo naman ang mga in-laws ko. Kung nakamamatay lang ang mga tingin ay kanina pa ako nalagutan ng hininga roon. "I-I don't know..." halos walang boses na sagot ko. "I don't know her. Ni hindi ko pa nakikita ang babaeng-" "Baka prostitute na inarkila mo sa bar!" nang-uuyam na akusa pa ni Lianna. "N-No... I really - - -" "Hindi ako prostitute!" muling sigaw ng babae. "Naging karelasyon ko ang lalaking 'yan, naging kami ng ilang buwan. Maraming beses na may nangyari sa amin at heto nga ang naging bunga. I am pregnant. Tatlong buwan na." Hinimas-himas pa nito ang may umbok na tiyan. "No!" Ngunit bago pa ako naka-react ay umiiyak na pinagsusuntok na ni Lianna ang aking dibdib. "Damn you! Nagtiwala ako sa 'yo, tapos ganito? Niloko mo lang ako! Ang sabi mo, ako lang ang babae sa buhay mo, na ako lang ang mahal mo, pero bukod pala sa akin ay iba ka pang kandungang nililimliman. Walanghiya ka! Hayop ka! Magsama kayong dalawa!" Nag-walk out sa harapan ko ang bride. Maraming masasakit na salita at insulto ang natanggap ko mula sa mga kaanak nito. Halos isumpa ako ng lahat. That day, I almost died, hindi lang dahil sa labis na kahihiyan kung hindi kabiguan. The woman to whom I planned to spend the rest of my life left me. Kahit hinabol at ilang ulit akong nakiusap at humingi ng tawad sa kaniya ay hindi niya ako pinakinggan. And the woman who ruined me that day... bigla na lang ding nawala sa senaryo. I swear to God, hindi ko pa nakikilala ang babaeng 'yon. I never had a night with any prostitute! My mom and dad raised me well, pare-pareho kaming magkakapatid. Sa magagandang paaralan kami pinag-aral, never missed a day na hindi kami tinuruan ng magandang asal. Despite the wealth and the over all physiques, I never used them to play with a woman. May reputasyon akong pinangangalagaan. At mataas ang paggalang ko sa aking mga magulang at mga lolo at lola kaya batid ko sa sariling hinding-hindi ako makakagawa ng ganoong klaseng kawalanghiyaan. I was about to become the heir of our hotel chains. At 27, marami na akong nagawa para sa kompanya. At 30, dad promised to finally secure the executive position for me. Three years from now. But with Lianna gone, hindi ko alam kung para kanino ko pa ipagmamalaki ang magandang oportunidad na 'yon. Lianna was introduced to me by my twin sister, Selena. While I was busy with hotels, si Selena naman ay fancy na fancy sa pagtatayo ng restaurants. Nag-aral pa nga ito ng culinary sa ibang bansa at nang makagraduate ay sumubok munang magtrabaho bilang assistant chefs sa mismong hotel na pag-aari ng pamilya namin. Two years ang ginugol nito para magkaroon ng malawak na experince. Nagtrabaho rin ito sa iba't ibang klase na mga sikat na restaurant. Until last year, she decide to put out her own resto. Nag-loan siya kina Daddy - hindi humingi - para maipatayo ang luxurious resto na pinapangarap nito. But she never did and planned it alone daw dahil may ka-partner ito. At nang mag-opening ang pag-aari nitong restaurant, she invited the whole family para kami ang unang sumubok ng mga pagkain nila and that's where she introduced me Lianna Siscon, her classmate in culinary school noon. Simple lang naman ang naging tagpo. We started as friends until I asked her if I could court her. Nagustuhan ko siya unang beses pa lang na nakita ko. Hindi naman nagpakipot pa noon si Lianna, just after a month of courting ay sinagot niya ako agad. What I loved about her, magkasundo kami sa maraming bagay. She was very sweet and caring. Hindi nanggaling sa isang kasing yamang pamilya tulad ng sa amin si Lianna, pero may-ari sila ng ektaryang lupa sa province. Simple lang siya and very down-to-earth. At siyempre, sobrang sarap magluto. I think she would be a very good wife, iyon palagi ang nasa isip ko. Isang taon mula nang maging kami ay inaya ko na siyang magpakasal. At walang naging problema roon dahil both side ay tanggap ang aming desisyon. I had a lot of dreams with her. The sons and the daughters we would make. The house and the home that we would build. But all of these things disappeared into thin air. Nang biglang dumating nag misteryosang babaeng iyon sa harap namin. "Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang ginawa mong ito. Hindi lang luha ang iiiyak mo, sisiguraduhin kong pati dugo." Sukdulan ang galit ko sa babaeng nasa litrato. Elissa Perez, iyon pangalan na nasa bio nito na kasama sa in-email sa akin ni Joaquin. "I want you to bring her to Ilocos. Doon sa mansyon nina Lola Bielle," utos ko kay Joaquin na kausap ko sa telepono. "Bukas ako ng umaga makakarating diyan. I want you to cage her. Kasama ng mga alagang labrador. Yeah.. Wala akong paki. That woman should learn kung gaano kabagsik ang taong binangga niya. She'll see." I will never show her any mercy. Pagkatapos kong mabigayn ng instruction ang tauhan ay nagsimula na akong mag-empake ng mga gamit. Isang linggo pa lang ang nakalilipas mula nang mangyari ang trahedyang iyon sa buhay ko. Isang linngo na rin akong hindi pumapasok sa opisina at nagkukulong lang sa kuwarto. Lianna resigned as Selena's partner sa restaurant. Just three days ago ay sinubukan ko pang makipag-ayos muli rito ngunit sarado pa talaga ito sa aking eksplanasyon. She even ordered me to totally vanish from her life. Sa ngayon ay mawawala muna ako, yeah, sabi ko sa isip. Ang aatupagin ko muna ay ang babaeng nangngangalang Elissa Perez. Gusto kong alamin kung sino ang may pakana ng lahat. Because I am sure na binayaran lang ng kung sino ang babaeng iyon. "Magbabakasyon muna ako, Daddy, Mommy," iyon ang naging paalam ko sa mga magulang kinabukasan nang nagbe-breakfast kami. I have a total of four siblings. Dalawang kambal at isang lalaki sa huli. Kaming panganay ni Selena ay fraternal, habang identical na lalaki ang sumunod. We had quite a big and happy family. Minus Lola Bielle and Lolo Robert who passed away a decade ago. Sina Lola Mirasol at Lolo ay wala na rin doon dahil sa America na permanenteng nanirahan. They were spending their days travelling and enjoying the momentum. "Yeah, siguro nga ay dapat kang magbakasyon muna," sang-ayon sa akin ni Mommy. "Come back here when you're already good. Naiintindihan namin ng daddy mo ang nangyari." They believed in me, kaya kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa. Because they were the ones who raised me, alam nila na hindi ko magagawa ang bagay na 'yon. Trabaho at bahay lang ako halos noon. At si Lianna lang ang tanging babaeng dinala ko sa mansyon. "Saan ka naman magbabakasyon?" si Daddy. "Sa Ilocos po. S-Sa mansyon nina Lola." Sa isip ay biglang rumehistro ang magiging tagpo ng magiging 'bakasyon' ko roon. Doon pa lang ay nakukuyom ko na ang mga kamao ko. Ramdam na ramdam ko na ang gigil at galit ko. "Good. Matagal nang walang tumatao roon. At maganda ang ambience at tanawin doon kaya paniguradong mahihimasmasan ka kahit papaano. Kung alam lang namin na may ganoong eksenang mangyayari, we could have made a way to avoid it," thoughful pang saad ni mommy. Napakibit-balikat ako. "It already happened at wala na tayong magagawa. S-Somehow... Siguro makalipas ng ilang buwan ay matatabunan din ng iba pang pangyayari ang eskandalong 'yon. Malilimutan din ng mga tao. At kapag napagtanto ni Lianna na hindi naman totoo ang sinabi ng babae, na wala akong anak sa iba or whatsoever, surely she will come back to me." I hope so. "When you need anything, don't hesitate to call," singit naman ni Selena sa usapan. "Yup," mahina kong tugon. Nang araw ring iyon ay gumayak na ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook