Chapter 05

1447 Words
XAVIER "ITO raw ang hitsura ng matanda." Ipinakita sa akin ni Joaquin ang sketch ng matandang sinasabi ng babae na nag-utos daw sa kaniyang gawin ang bagay na 'yon. Saglit kong pinagmasdan ang nasabing sketch at pilit hinalukay sa isip ang hitsura nito. Ngunit ilang minuto ko nang pinagmamasdan iyon ay walang pangalan o gunita man lang na lumitaw sa aking isip. "Go find that old woman," kuyom ang kamaong sabi ko sabay balik dito ng sketch. Hindi sa masasabi kong naniniwala ako sa sinasabi ng babaeng 'yon, ngunit hangga't hindi nakikita ang tinuturo nitong matanda, mananatili siyang nakakulong dito. "Copy, sir. Babalitaan ko kayo agad kapag may lead na ako." "Be quick as possible, Joaquin. Atat na akong malaman kung sino ang matandang 'yan at kung ano ang motibo niya sa ginawa. Lahat ng may kinalaman sa nangyari sa kasal ko ay sisiguraduhin kong mananagot." At kahit mapatunayang nagsasabi ng totoo ang babaeng 'yon ay hindi ito absuwelto. Umalis din oras mismo si Joaquin para sundin ang ipinag-uutos ko. Ilang sandali akong tahimik na nakamasid sa malawak na lupain mula sa veranda sa ikalawang palapag ng mansyon. Palaisipan pa rin sa akin ang hitsura ng matanda sa sketch at ang dahilan kung bakit nito iyon pinagawa. Ilang araw at gabi na akong nag-iisip, pero wala talaga akong alam na gagawa niyon sa akin. Walang karibal sa buhay ko si Lianna, at alam kong ganoon din ako sa buhay niya. Boto sa akin ang buong pamilya niya. I just don't know. Don't know who and why. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. I would never stop pursuing Lianna back to me. Gagawa ako ng paraan para magbalik siya. "What?" bungad sa akin ni Lianna pagkasagot sa tawag ko. "May lead na ako kung sino ang sumabotahe ng kasal natin. Please believe me, Lianna, hindi ko magagawa 'yon sa' yo. Patutunayan ko na nagsasabi ako ng totoo." I heard her sigh. That sigh na parang sawang-sawa na ito na marinig ang mga paliwanag at pagmamakaawa ko. Pero hindi ako bothered doon. Desidido akong i-save ang relasyon naming dalawa. And eventually, plan and get married again. "At sino namang lead 'yon? Aminin mo na lang, Xavier ang nagawa mong kasalanan. Hindi 'yong gagawa ka pa ng paraan para malinis ang pangalan mo. After of what happened, tingin mo may mukha ka pang ihaharap sa mga magulang ko? Kahit anong paliwanag at paglilinis ang gawin mo, hindi na mababago ang isip nina Mama. They hate you, really hate you to the core." Pinatayan na niya ako ng tawag. Sinubukan kong tawagan siya ulit but out of reach na. In-off na niya na naman siguro ang phone. Naiinis na napakuyumos ako sa sariling mukha. This is all your fault, dirty woman! Napatingin ako sa baba kung saan nakahilera ang kulungan ng mga labrador. Bigla kong nakuyom ang kamao habang pinagmamasdan ang babaeng prenteng nakahiga roon. . . . . . ELISSA "SHHH!" mariing saway ko sa mga aso nang magsimula na namang mag-ingay ang mga ito. Kanina pa ako tumatawag mula sa kulungan at ang dalawang ito ang nagre-react sa boses ko. Kailangan ko nang lumabas, kailangan ko nang magbanyo. "Manang!" Kanina pa rin ako nagugutom. Hindi ko alam kung ano'ng oras na ngunit kung pagbabasehan ko ang araw ay mga alas-otso o alas-nueve na ngayon ng umaga. Ikalawang araw ko na sa lugar na iyon. Sumasakit na rin ang likod ko dahil sa lamig. Kahit sinapinan ko ng mga damit ko ang lapag ay tumatagos pa rin ang lamig 'pag gabi. Mabuti na lang at hindi tag-ulan ng mga panahong 'yon, kung hindi ay tiyak na sakit ang aabutin ko nito. "M-may tao ba riyan? Please, palabasin n'yo ako rito." Ngunit wala talagang sumasagot. Kinalampag ko nang kinalampag ang bakal na pinto. Lalo lang lumakas ang kahol ng mga aso. "Ano ba? Magsitahimik kayo!" Hindi na ako masyadong natatakot sa mga ito dahil someho ay nasanay na ako sa kanilang mga ungol at kahol. Hanggang doon lang naman ang mga ito. Hindi naman nila ako maaano basta't huwag akong didikit sa gilid. Ngunit ako ang biglang natahimik. Bumukas ang malaking pinto at iniluwa ang isang malaking mama. Si Xavier na nang mabungaran ako ay para na namang leong manunugod ang mukha. "M-magba-banyo ako..." lakas-loob na sabi ko. Isinantabi ko na ang takot at kabog ng dibdib ko kapag kaharap siya dahil talagang sasabog na ang aking pantog. Tutal naibigay ko na naman ang sketch ng matandang puno't dulo ng lahat ng 'to. I-d-in-escribe ko lang iyon kay Joaquin at nagawa nitong iguhit iyon. Tapos ay tinanong ako nito kung saan ko nakilala ang matanda, kung paano ang naging plano namin para masabotahe ang kasal ni Xavier. Lahat. At wala akong in-skip sa mga detalyeng sinabi ko. Hindi na niya ako masyadong inintindi matapos niyon. Napaniwala ko na kaya siya? I mean, nabawasan na kaya kahit papaano ang muhi niya sa akin? "P-Please..." pakiusap ko pa. Talagang namamaluktot na ako sa sobrang pagpipigil. Wala na naman siyang mahihita sa akin. Nasabi ko na lahat sa kanila. "Please." Sa wakas ay kumilos din si Xavier. Pairap niyang binawi ang tingin sa akin at lumapit sa kulungan ko. Mabuti na lang at.. nasa kaniya ang susi. "T-Thank you..." napapalunok na sabi ko habang pinagmamasdan ang ginagawa niyang pag-a-unlock ng padlock. Hindi pa rin siya kumikibo. Saglit akong napasulyap sa nakatungong lalaki at minasdan ang kaniyang mukha. Ang unang nakapukas sa atensyon ko ang matulis at pahaba niyang ilong. Napakaguwapo niya sa malapitan. Hunter eyes, makapal ang mga kilay at mahaba ang mga pilik. Makurbada at mamula-mulang labi. Makinis din ang kaniyang mukha, hindi halos makita ang pores. Medyo mahaba ang buhok, parang sinuklay lang gamit ang mga daliri. Napaka-suwerte ng bride. Pero sayang lang dahil hindi siya pinaniwalaan. Siguro dahil ganoon ka-effective ang drama ko? Malamang na maraming babae nga ang nagkakandarapa sa lalaking ito, pero ang sabi niya ay matino siya. Hindi palikero. May... Ganoon pa nga ba talagang lalaki lalo kung ganito kaguwapo? "Bilisan mo!" Napatid ang pag-iilusyon ko nang marinig ang galit na boses niya. Saka lang ako biglang natauhan. Bahagya pang nakaawang ang labi ko dahil masyadong naging hulog sa pagtitig sa kaniya. "S-Salamat." Dumistansya siya agad sa akin at paglabas ko ng may kaliitang pinto ay tinakbo ko agad ang loob. Ilang beses na rin akong pabalik-balik doon kaya medyo saulado ko na ang daan patungong maid's quarters. Kumatok pa muna ako sa pinto bago pinihit ang seradura at pumasok. Wala roon si Manang Ines. Nagtuloy na muna ako sa banyo bago mag-usisa. Nang matapos doon ay lumabas na rin ako kaagad. Nagugutom na ako. Sumilip ako sa kusina sa pagbabakasakaling makikita roon kahit isa sa mga katulong. May tatlong katulong doon sa pagkakaalam ko. Pero si Manang Ines lang ang madalas kong makita rito sa kusina. Siya rin ang nagbibigay sa akin ng pagkain. "What?" Napaigtad ako nang makarinig ng boses sa bandang likuran ko. Akma akong dadampot ng isang piraso ng tinapay na tasty sa mesa ngunit nagudlot iyon. Napalingon agad ako rito. "N-Nagugutom na ako..." amin ko na. Kumain naman ako kagabi ngunit alas-otso pa iyon. Saka kakaunti ang ibinigay sa akin ni Manang, tira lang daw iyon. Alas-dose pa lang kagabi ay humihilab na ang aking tiyan. "Maraming dog food doon." May itinuro siyang sako sa isang sulok ng kusina. Napasunod naman ako ng tingin. "H-Huh?" late pang reaksyon ko. Huwag niyang sabihing iyon anv ipapakain niya sa akin. "Kung ano ang kinakain ng mga kasama mo, iyon din ang kakainin mo. Mamahalin 'yan, akala mo." For a moment I thought he was just kidding. Ngunit seryoso ang mukha ni Xavier. Halata ring aburido. Pero dog food... Dog food ang ipakakain niya sa akin. "K-Kahit ito na lang. Nakikiusap ako." Dala ng labis na gutom ay hindi na ako nangiming damputin ang plastik ng tinapay. Nasa kalahati pa ang laman niyon. Kinuha ko na lahat. Naglibot pa ang mga mata ko hanggang sa mahagip ang lagayan ng mga baso. Sa mabilis na kilos, nang hindi tumitingin sa kaniya, lumapit ako roon at kumuha. Natukso pa akong magtimpla ng kape pero baka hindi na masapak na niya kapag ginawa ko 'yon kaya tubig na lang. Pinuno ko ang baso mula sa water dispenser at uminom. Nang maubos ay kumuha akong muli. Bahagya akong napasulyap sa kaniya. He was emotionless watching over me. Tumungo ako at binutas ang plastik ng tasty at kumuha ng isang slice at sabik na isinubo. Hindi ko na talaga matitiis ang gutom. Bahala na kung magalit siya sa akin. "Bilisan mo. Pagkatapos mo riyan, sumunod ka sa taas. May ipagagawa ako." Natigilan ako at magtatanong pa sana pero nakatalikod na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD