ELISSA "UURRGH!" igik ko nang maramdaman ang pagbagsak ng katawan sa sahig. Madilim ang paligid at wala akong nakikita kahit na ano. Kumilos ako upang maghanap sana ng kahit na anong maitatakip sa aking katawan dahil nagtatayuan na ang mga balahido ko sa lamig. Ngunit hindi ko inaasahan na malalalaglag ako sa sahig. Sa isang couch lang marahil ako dinala ng lalaki. Akala ko ay nasa kama ako. Hindi ko alam kung saan ako nito dinala. Lalo akong nilamig dahil sa sahig. Pinilit kong sumiksik sa gilid ng couch nang kahit papaano ay makaramdam ng init. I wanted warm, I wanted touch... Ewan kung bakit iyon ang paulit-ulit na naglalaro sa aking isip. Malinaw pa sa gunita ko ang naganap sa bar. Pinipilit akong akayin no'ng Dawton sa lugar kung saan daw ako 'makakapagpahinga' ngunit nagpipilit

