XAVIER "SELENA...." The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call - "Fvck!" Inis na itinapon ko ang cellphone sa upuan. Pang-ilang subok ko na iyong dial sa number ni Selena ngunit tila sadyang nagpatay ito ng phone. Kauuwi ko lang galing Quezon Province, malapit na ako sa bahay nang makatanggap ng tawag kina Daddy. It's past 2 AM, wala pa raw sina Selena. Umalis si Selena sa bahay ng 9PM, all-dressed up, nagsabi na uuwi agad. Hanggang ngayon ay gising pa rin sina Mommy at Daddy dahil sa pag-aalala. Selena was with Elissa. Damn! At para akong gago na hindi mapakali. The last time Selena went out without me, magdamag itong hindi umuwi. Hindi nga lang magdamag dahil hapon na ito nang makita namin. It was the first time that it happened at

