ELISSA TINIKMAN ko gamit ang kutsara ang kapeng tinimpla ko. Gabi na - pasado alas-otso - pero itong Xavier, naisipan pang magpatimpla ng kape sa akin. Black coffee, tapos katamtaman lang ang tamis. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong timplang hinahanap niya pero kung ano ang sa tingin kong kaaya-aya sa aking panlasa, iyon ang dadalhin ko sa kaniya. Tatlong beses akong kumatok sa into ng kaniyang silid bago niya iyon binuksan. Nagpupunas siya ng basang buhok nang mabungaran ko, wearing a white sando and a black boxer. "Doon na lang." Itinuro niya ang study table na nasa dulong bahagi ng kuwarto. Tahimik ko siyang sinunod at inilapag doon ang tasa ng kape. Bumilang pa ako ng mga lima sa isip bago humarap sa kaniya. Alanganing ang ngiti. "N-Na-check mo na ang cellphone ko? P-Puwede

