Kabanata 15 C A L L Y Sinimulan kong pagpartihin yung mga pagkaing binili ko para sa aming dalawa ni Hades. Mas lalo tuloy lumalim ang kunot sa noo ng dalawa. Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin at ipinagpatuloy ko na lang ang paglalagay ng pagkain sa harapan ni Hades. "Yung katulad na lang sa akin ang binili ko para sa'yo. Hindi ko kasi alam kung anong mga gusto mo," malumanay na sabi ko. "It's fine. Gusto ko rin naman ang mga ito." Ngumiti ako at binigay din sa kanya yung isang slice ng cheesecake. Napansin ko kasi nung nakaraan bumili rin siya nun kaya naisip ko na baka gusto rin niya ng cheesecake. "Thanks..." "Kumain na tayo," sabi ko bago bumaling sa dalawang halos nakanganga na sa tabi ko. Hindi makapaniwala sa nasaksihang pakikipag-usap ko kay Hades. "Hala? Para kay

