014

2034 Words
Kabanata 14 H A D E S Inaayos ko ang mga gamit ko nang dumating si Coco. Nagtatakang tinignan niya ako habang isa-isa kong nilalagay ang mga gamit ko sa loob ng malaking bag. Naupo siya sa couch at pinanuod ako habang nakakunot ang noo. Naisipan kong lumipat sa apartment na tinutuluyan nila Cally para mas lalo akong magkaroon ng chance na mapalapit sa kanya. Pinalabas na rin naman ni Coco na pinalayas ako ni dad kaya sasamantalahin ko na ito. Nandito na rin naman bakit hindi ko pa lubusin? Desperado na nga siguro akong matatawag dahil sa mga ginagawa kong ito pero ano pa nga ba ang hindi ko kayang gawin para sa babaeng yun? "Anong ginagawa mo? H'wag mong sabihing tototohanin mo yung pagpapalayas kuno sa'yo ni dad! Nababaliw ka na ba talaga?" "Pinapunta kita dito para tumulong, hindi para magkumento sa mga desisyon ko." "Wow! Pagkatapos kitang tulungan gaganituhin mo lang ako Kuya?" "Pwede ba, Coco! Tulungan mo na lang ako dito para matapos na." "Bakit ka ba kasi aalis pa dito? Hindi naman nila malalaman na hindi ka naman totoong pinalayas dahil hindi naman nila alam itong condo mo." I sighed. "Tutulungan mo ba ako o ano?" Tumayo siya at iiling na nagtungo sa kusina. Nang bumalik siya ay may dala na siyang lata ng alak. Tinignan ko siya ng masama. Hindi ko alam kung saan natuto ang isang ito uminom. Napapabarkada kasi sa mga tamad mag-aral kaya naging ganito ang ugali. "Sinong nagsabing kumuha ka ng alak, Micco? Pinagbawalan ka na ni dad uminom, di ba?" "Bakit? Ikaw ba si dad? Ang KJ mo talaga Kuya. Kaya hanggang ngayon hindi ka pa nagkaka-girlfriend eh." Tumikom ang bibig ko at mas lalo siyang madilim na tinignan. "Medalya ang kinokolekta, Micco. Hindi babae." "Nerd!" tatawa-tawang sabi nito. "Bakit? Dapat ba akong mahiya na hindi ako kagaya niyo?" napapailing kong sabi. "Ang sabihin mo masiyado ka lang nagpapa-impress doon sa babaeng yun kaya ayaw mong magkamali. Natatakot ka na baka pag nagkamali ka mas lalo kang mawalan ng pag-asa sa kanya." Fuck! Where did he get that f*****g idea? At bakit parang pakiramdam ko tama siya doon? "Hinahanda mo yung sarili mo sa babaeng hindi ka naman talaga magugustuhan kahit gaano pa kalinis ang pagkatao mo. Para sa kanya parepareho lang tayong mga lalaki kaya h'wag ka nang mangarap d'yan." "Shut up, Micco!" I glared at him. "O bakit? Tinatamaan ka ano? Totoo naman kasi. Kahit gaano pa kalinis ng intensiyon mo sa kanya hindi niya yun makikita dahil sarado na ang isip nun!" "Why are you so noisy, Coco? Pwede bang manahimik ka na lang d'yan at tulungan ako dito?" He sighed. Naupo siya ulit sa couch. Hindi pa rin ako tinutulungan. Tinignan ko lang siya habang nakatiim ang mga labi. This asshole! Wala talagang balak tumulong. Bakit ko ba pinapunta pa ang isang 'to dito? "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ginagawa mo 'to, Kuya. Babae lang yun..." "Babae lang? Lang? Seriously, Coco? Baka nakakalimutan mo, babae din si mommy." "Fine! Ang KJ mo talaga kahit kailan," umiling-iling ito. "Bakit hindi mo na lang ako tulungan dito? Kaysa sat-sat ka ng sat-sat d'yan ng mga walang katuturang mga bagay." "Saan mo ba pinaplanong lumipat kasi? Kabaliwan na itong ginagawa mo." Tumigil akong muli sa ginagawa ko para titigan siya ng masama. Ngayon nagsisisi na talaga akong pinapunta ko pa siya dito. "Lumayas ka na lang sa harapan ko, Coco!" Bwisit. Kung alam ko lang na wala akong mapapala sa bwisit na ito, hindi ko na sana siya pinapunta pa dito. Hindi ako makapaniwala na ganun lang ang tingin niya sa mga babae. Hindi manlang ba niya naisip si mommy? Tsk! Ito ang dahilan kung bakit ang sama ng tingin ng ibang babae sa aming mga lalaki. Yung iba rin kasi talaga sa amin ang gumagawa ng dahilan para kaayawan kami ng mga babae. Tulad nitong si Coco na ginagawa yatang trophy yung mga nagiging girlfriend niya. Ano kayang nakaka-proud sa pagkakaroon ng maraming babae? Yun ang totoong kabaliwan. C A L L Y "My ang sarap nito, ah!" ngumiti ako habang sumusubo ng niluto ni mommy. Ngayon na lang kasi ulit siya sumubok na magluto simula nang iwanan kami ng ama ko. Nakakatuwa lang na makita ulit siyang unti-unting nagbabalik sa dating siya. Nung iwanan kami ni dad halos bihira na lang kasi siya sa bahay. Palagi siyang umaalis. Siguro dahil na rin ayaw niyang maalala si dad kaya iniiwasan niyang mag stay ng matagal sa bahay. Pero nang lumipat kami dito sa apartment namin bigla siyang nagbago. Kahit papaano ay bumalik na siya sa dati at hindi na masiyadong nagmumukmok sa kwarto. "Dinalhan ko nga din yung bago nating kapit-bahay d'yan sa kabila. Medyo naparami kasi ang naluto ko." "May nakatira na pala sa kabilang bahay? Kailan pa po?" "Kahapon lang. Binata. Parang kasing edad mo lang. Mag-isa eh. Parang naglayas sa kanila." Tumango ako. "My sana hindi na kayo nag-abalang magbigay ng pagkain don. Malay niyo kung masamang tao pala yun." Bahagyang natawa si mommy sa sinabi ko. "Hanggang ngayon ba naman hija, mainit pa rin ang dugo mo sa mga lalaki?" Umiling ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. "Mukhang mabait naman yung bata." "Hindi naman nakabase sa itsura ng isang tao ang ugali nito. 'Tsaka kayo na rin naman ang nagsabi sa akin noon na h'wag basta magtitiwala kung kanikanino." Ngumiti si mom at tumango. "Naiintindihan ko kung bakit ganyan ka anak pero hindi mo naman kailangang ihalintulad sa ama mo ang lahat ng lalaking makakasalamuha mo. Hindi rin lahat katulad ng tito Rodolfo mo." "Mom, ayoko silang pag-usapan habang nasa harapan ng pagkain..." "Okay, hija. Kumain na lang tayo." Nagpresinta akong maghugas ng mga pinagkainan dahil nakakahiya naman kung palaging si Ate Amelia ang kikilos para sa amin ni mommy. 'Tsaka dapat na masanay na ako sa mga gawaing bahay dahil hindi naman na kami mayaman. Hindi na kami katulad ng dati. Hindi na ako pwedeng umarte na parang katulad pa rin ng dati. Marami ng nagbago kaya dapat lang na makisabay ako sa pagbabagong iyon. Inagahan ko ang paggising kinabukasan para makapaghanda ng almusal. Hindi ako magaling magluto pero kahit papaano ay alam ko namang magluto ng fried rice at sausage. Nang lumabas ako ng bahay ay tulog pa rin sila mommy at ate Amelia kaya hindi na ako nagpaalam pa. Halos mapatalon ako sa gulat nang pagbukas ko ng pinto ng apartment namin ay siyang pagbukas din ng pinto ng katabing bahay. Lumabas mula doon si Hades na mukhang papasok na rin. Natigilan rin ito nang makita ako pero hindi halata ang gulat sa mukha nito. Baka inasahan na rin niyang dito ako nakatira dahil dinalhan nga pala siya ni mom ng pagkain last night. Siguradong nakilala niya agad si mom dahil nandun siya nung gabing umalis kami sa mansiyon. "Ah, ikaw pala yung bagong kapit-bahay..." sabi ko nang nakabawi. Tumango siya. "Kagabi ko lang din nalaman na diyan pala kayo nakatira." Tumango ako at ngumiti. Nagsimula na akong maglakad habang nakasunod naman siya sa akin. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o hahayaan na lang hanggang sa makarating kami sa school. Sa huli naisipan kong h'wag na lang siyang kausapin. Hindi naman kasi talaga kami close. Ang weird naman kung bigla ko na lang siyang kakausapin na para bang close kaming dalawa. Nakarating kami sa classroom nang hindi nag-uusap. Dahil maaga kaming pareho ay wala pa kaming naabutang kaklase doon. Kaming dalawa pa lang kaya mas lalong nakaka-ilang. Hindi manlang kami nag-uusap, sobrang tahimik tuloy. Pero dapat ba talaga kaming mag-usap? "May assignment ka na sa literature?" Namilog ang mata ko. Sa sobrang busy ko nakalimutan ko na ang tungkol doon! Hindi ko naisip na may assignment pala kami. "N-Nakalimutan ko eh," sabi ko at agad na hinalungkat ang textbook ko kung nasaan yung activity na pina-assignment sa amin ni ma'am. Essay lang naman iyon tungkol sa isang kwento na naroon pero hindi ko alam kung aabot ba ako dahil kailangan ko pang basahin ng buo ang kwento bago ako magsimula sa essay. "Dalawa yung nasulat ko na essay. Gusto mo sa'yo na lang yung isa? Hindi ko naman magagamit," alok ni Hades na ikinagulat ko. Bakit may extra siyang essay? Mukhang nahalata niya yata ang pagtataka sa itsura ko kaya agad siyang nagpaliwanag. "Hindi kasi ako nakontento doon sa una kong sinulat kaya nagsulat ulit ako ng bago. Gusto mo sa'yo na lang?" "O-Okay lang ba?" Ngumiti siya at tumango. Kinuha niya yung essay na sinulat niya sa bag at agad na inabot sa akin. Tinignan ko iyon sandali bago siya binalingan upang magpasalamat. "Salamat..." Ang ganda ng sulat kamay niya. Hindi mo aakalaing lalaki ang nagsulat. Sinimulan kong basahin ang ginawa niyang essay. Ang sabi niya ito yung una niyang sinulat na hindi siya nakontento pero parang wala namang kulang sa gawa niya na ito. Ang ganda nga nito kung totoosin. Parang hindi ko kayang sumulat ng ganito kagandang essay. Ang daling intindihin ng mga ginamit niyang salita pero hindi ito nakaka-boring basahin. Sa totoo lang nag-enjoy nga ako habang binabasa ko yun. Magaling din palang magsulat ng essay si Hades. Kung sabagay matalino kasi siya kaya hindi na kataka-taka na magaling siya sumulat. "Sigurado ka bang ayos lang sa'yo na ibigay sa akin 'to? I'm sure pinaghirapan mo 'to." Nang matapos ako sa pagbabasa ng essay niya. "Ayos lang. Mas sayang naman kung hindi magagamit." "Ganito na lang. Libre ko na ang lunch mo mamaya para naman makabawi ako dito." Natigilan siya sandali at halatang namangha sa sinabi ko. "Sige na. Hindi ko matatanggap ito kung walang kapalit." Sandali siyang nag-isip bago ngumiti. Hindi ko nga lang alam kung bakit agad na nag-init ang pisnge ko sa ngiti niyang iyon. Siguro dahil hindi pa rin ako sanay na ganito siya. Hindi na siya kasing lamig ng dati. Siguro nga dahil naglantad na siya at ito talaga ang totoo niyang ugali. "What's this?" Sabay kaming napalingon ni Hades sa bagong dating na si Kara. Nakataas ang isang kilay niya habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa. Para bang sobrang nagtataka siya na makita kaming nag-uusap. "Kailan pa kayo naging close?" Tumikhim ako at umayos ng pagkakaupo. "May pinag-usapan lang kami." I rolled my eyes. "At ano namang pag-uusapan niyong dalawa?" "Assignment. Ano pa ba?" "Sa literature? Bakit? Wala kang assignment, Cally?" "Meron na." "What do you mean meron na?" "Ang dami mong tanong Kara. Maupo ka na nga lang d'yan," naiiritang sabi ko. Tumango siya at naupo na nga lang sa upuan niya. Nang mag-lunch break ay hindi ko napansin kung saan nagpunta si Hades kaya dumiretsiyo na lang kami sa table namin pagkatapos makapili ng pagkain. Wala pa yung tatlong asungot dahil namimili pa ng pagkain. Inikot ko ang paningin ko sa buong cafeteria upang hanapin si Hades. Agad ko naman siyang nahanap. May bitbit siyang tray habang nakatingin sa table namin. Nagtama sandali ang tingin namin bago siya bumaling sa table kung saan nakaupo si Hera. Ibinalik ko ang tingin ko sa pagkaing nasa harapan ko. Pang dalawang tao iyon dahil akala ko sasabay siya sa amin. Nagsabi ako sa kanya na ililibre ko siya, di ba? Kung sabagay... Baka nahihiya siya. O kaya naman ayaw niya lang sa pwesto namin dahil alam niyang dito pupwesto yung tatlong asungot. Mabuti na lang at close pa rin naman pala sila ni Hera pagkatapos ng nangyari. Ang alam ko kasi may gusto si Hera sa kanya pero mukhang tanggap pa rin siya nito kahit na naglantad na siya. "Ang dami mong pagkain. Gutom ka girl?" natatawang sabi ni Kara sa tabi ko. "Oo nga, Cally. Bakit ang dami mo yatang binili?" Hindi ko pinansin ang tanong nila. Muli kong binalingan ang table nina Hera at Hades pero wala na si Hades doon at kasama na ni Hera yung mga kaibigan niyang babae. Napansin ko ring naiwan sa tapat ni Hera yung tray na bitbit kanina ni Hades. Naisip ko tuloy na baka nagpabili lang ito sa kanya. Natigilan ako sa pag-iisip nang maupo ang nakangiting si Hades sa harapan namin. Sabay na nangunot ang noo ng dalawang kasama ko. Nagtataka sa biglang pag-upo ni Hades sa table namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD