003

1986 Words
Kabanata 3 C A L L Y Nang lumabas si ma'am para mag-rest room ay agad na lumapit sa pwesto namin si Cally. Naupo pa talaga siya sa desk namin kaya ang nagsusulat ng sagot na si Hades sa tabi ko ay agad na napabaling sa kanya. Hindi naman niya ito napansin dahil nasa akin nakatutok ang buong atensiyon niya. "Totoo ba? Binigyan mo daw ng chance si James? Kalat na sa buong campus! Siya lang kasi ang pinagbigyan mo!" manghang sabi ni Kara na mukhang kakasagap lang din ng balita. Napairap ako at agad na pabaling sa katabi kong seryosong nakatingin kay Kara. Naistorbo yata siya sa pagiging chismosa ng kaibigan ko. Hindi ko na yun problema pa pero dahil ang sinasagutan niya ay ang activity naming dalawa ay kailangan ko na nga yatang paalisin itong si Kara. Isa pa, hindi ko gusto ang tingin niya sa kaibigan ko. "Ano totoo ba?" hindi makapaghintay na sabi ni Kara. "Sino bang nagsabi sa'yo niyan? Mamaya na lang tayo mag-usap. Baka dumating na si ma'am. Doon ka na sa upuan mo!" iritableng sabi ko nang makitang nakatitig pa rin si Hades sa kanya na para bang hinihintay niyang magsalita pa ang kaibigan ko. Bakit? Type niya ba si Kara? Natu-turn on ba siya habang nagsasalita ang kaibigan ko? "Ang sungit! Dito muna ako. Ayokong makatabi ang panget na yun." Muli akong napairap. Lalo na nung makita ko siyang bumaling sa katabi kong si Hades. Agad na sumilay ang isang malawak na ngiti sa kanyang labi. Napakalandi nito! "Hi, Hades!" Nakita kong bahagyang tumango lamang sa kanya si Hades pero ang loka hindi na nakontento at talagang kinulit pa ito. "Ikaw lang mag-isang nagsasagot? Hindi ka tinutulungan nitong best friend ko? Gusto mo tayo na lang partner?" Sinamaan ko ng tingin si Kara kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin. "Talaga lang Kara? Bakit kaya imbes na sagutan mo yung activity niyo, nandito ka sa lamesa namin. Ikaw yata itong hindi tumutulong kay Alvarez." "Bakit ko siya tutulungan? Bahala siyang mag-isa don. Kung gusto mo doon ka na lang at ikaw na lang ang tumulong doon. Kami na ni Hades ang partner. Okay lang ba sa'yo yun?" bumaling ulit ang malanding kaibigan ko kay Hades kaya agad akong tumayo at hinila na siya pabalik sa upuan niya. Tinignan ko ng masama ang ka-partner niya. "Pagtumayo pa 'to ulit dito, halikan mo na," iritableng sabi ko bago inirapan ang kaibigan kong hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa akin. Para siyang diring-diri sa sinabi ko. Narinig ko pa ang malakas na tawa ni Xian Alvarez nang tumalikod ako upang bumalik sa upuan namin. Mukhang tuwang-tuwa sa inutos ko sa kanya. "No problem, Ms. San Diego," nakuha pa nitong isigaw habang tumatawa. Napairap akong bumaling muli sa kanya pero busy na siya sa pakikipag-asaran sa best friend ko. Bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi ni Hades. Tinignan ko ang papel namin at agad iyong inagaw mula sa kanya. "Ako naman ang magsasagot," pagalit na untag ko bago sinimulang basahin ang tanong doon. Hindi naman siya umangal kaya hindi ko na siya nilingon pa. Narinig ko na lang yung mga kaklase kong babae na nagbubulungan. "Omg! ngumiti siya!" "Hala! Ang gwapo ngumiti!" "Pogi!" Kunot noong nagtaas ako ng tingin sa mga kaklase kong babae. Nang nakita kong sa katabi ko sila nakatingin ay agad akong bumaling kay Hades. May multo ng ngiti sa labi niya pero hindi ko alam kung talagang ngiti nga ba iyon dahil wala pa ring emosiyon yung mga mata niya. Ang lamig pa rin ng mga iyon. Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdang maigi kung talaga ngang nakangiti siya. "Akala ko ba ikaw na ang magsasagot?" aniya nang medyo napatagal ang pagtingin ko sa kanya. Agad na nag-init ang mukha ko sa kahihiyan kaya agad ang nag-iwas ng tingin sa kanya. Gaano na ba ako katagal na nakatitig lang sa kanya? Mukha siguro akong tanga. Nakakahiya! Hindi naman ako tumititig sa kanya dahil sa ibang dahilan. Tumititig ako sa kanya dahil gusto kong makita kung totoong nakangiti nga talaga siya gaya ng sinasabi ng mga kaklase namin. Kung ano-ano na tuloy ang iniisip niya sa akin ngayon. Baka isipin niya nagagwapuhan din ako sa kanya tulad ng mga babaeng ito kahit hindi naman talaga. Bwisit talaga! "H'wag kang mag-isip ng kung ano. Hinahanap ko lang kung saan d'yan ang gwapong sinasabi ng mga babaeng ito," sabi ko nang hindi lumilingon sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ba ako magpapaliwanag pa. Nang sulyapan ko siya ulit ay nakatikom na ang bibig niya na para bang nagpipigil na mangiti. Inirapan ko siya sa inis ko at tinuon na lang ang pansin sa papel namin na nasa harap ko. Pakiramdam ko mas lalo lang akong napahiya sa pagpapaliwanag ko. Lintek! Hindi ko tuloy magawang sagutan yung tanong. Isang tanong na nga lang hindi ko pa masagot-sagot. Nakarating na si ma'an pero wala pa rin akong naisasagot doon. Hindi kasi ako mapakali. Pakiramdam ko pinagtatawanan na ako ngayon ni Hades sa isip-isip niya. Nagulat na lang ako ng bawiin niyang muli mula sa akin ang papel. Sinulyapan niya lang ako sandali bago sinagutan ang aming papel. Ngumuso ako at hinayaan na lang siya. Bahala siya d'yan. Bida-bida naman siy, di ba? Eh 'di siya sumagot lahat ng 'yan. Wala akong pakialam. Nang matapos siya ay agad na niyang pinasa ang papel namin sa harapan. Dahil kami ang unang nagpasa ay agad na kaming pinalabas ni ma'am kahit sa totoo lang ay gusto ko pang manatili doon dahil hihintayin ko pa si Kara. Ayaw ni ma'am na mag-stay ako kaya lumabas na lang ako kasunod ni Hades. Nahinto ako paglabas nang huminto si Hades na nasa unahan ko pero agad din naman siyang naglakad paalis bago pa man ako makapagsalita ng kung ano. Nang makaalis siya sa harapan ko ay ang bwisit na si James naman ang bumungad sa akin. Mabilis akong naglakad upang lagpasan siya pero ang hindot nakuha pa talaga akong hawakan sa braso. Gigil na binalingan ko siya. "Ano bang problema mo?" inis na asik ko sa kanya. "Akala ko ba bibigyan mo ko ng chance? Bakit—" "Chance? Chance mo mukha mo! Bitiwan mo nga ako!" Pero ang hayop na lalaki hindi pa rin ako binitiwan. Nakakainis talaga! Agad na kumilos ang kamay ko upang sampalin siya ng malakas. Rinig ko ang pagsinghap ng mga taong nakakita sa ginawa ko. Kahit ang mga kaklase kong nasa loob pa ng klase ay nakita rin ang ginawa kong pagsampal kay James. Mabuti na lang at busy si ma'am na binabasa ang papel namin ni Hades. Bumaling rin ako sa direksiyon na tinungo ni Hades at nahuli ko siyang igting ang pangang nakatingin sa direksiyon namin ni James. Muli kong binalik ang tingin ko sa hindot na nakahawak sa kanyang pisnge ngayon. "Don't you dare touch me again!" mariing sabi ko bago naglakad na palayo doon. Naabutan ko pa si Hades sa kinatatayuan niya habang titig na titig sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nilampasan na rin agad. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang siya kung makatingin sa akin. Hindi niya siguro inasahan na papatulan ko yung bwisit na lalaking yun. H A D E S Hindi makapaniwalang tinignan ko lamang siya habang papalayo siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang nakita yung sarili ko sa lalaking yun kanina. Ganun din kaya ang mangyayari sa akin kung susubukan ko siyang makuha? Napailing ako. Hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo para gawin iyon. Alam kong hindi pa siya handa sa mga ganung bagay. Malalim ang galit niya sa mga lalaking katulad ko at alam kong malalim din ang dahilan niya kung bakit. Ayokong sumubok ngayong alam ko na wala naman akong pag-asa sa kanya. Hindi pa ako nababaliw para gawin iyon. Hindi ako matutulad sa lalaking ito dahil hindi ako desperado katulad niya. Umiling akong muli bago nagpasiyang magpatuloy sa paglalakad. Sa cafeteria ang tungo ko dahil alam kong doon siya didiretsiyo. Sa tagal ko na siyang kilala ay nakakabisado ko na siya. Sa itsura niya kanina alam ko agad kung ano ang hahanapin niya sa cafeteria kaya doon agad ang tungo ko at tama nga ako sa naisip ko. Naabutan ko siyang nakikipagtalo sa isang lalaki. Hawak ng isang lalaki ang pagkain na madalas kong makitang bilhin niya dito sa cafeteria lalo na kapag hindi maganda ang mood niya at may nakaaway siya. Mukhang nakikipag-agawan pa siya sa cheesecake na iyon dahil nakita kong wala ng naka-display na ganon sa harapan ng kahera. Iyon na lang yata ang natitira at mukhang naunahan pa siya. Lumapit ako ng bahagya sa pwesto nila. "Halikan mo muna ako. Ibibigay ko sa'yo 'to ng walang bayad," nakangising sabi ng lalaki. Kumuyom ang palad ko. "Fvck you!" ani Cally na nakuha pa talagang itaas ang gitnang daliri niya sa tapat ng mukha ng lalaki. "Ang bastos talaga ng bunganga mo dapat sa'yo pinapatahimik. Eh kung halikan kaya kita ngayon?" Hindi ko na hinintay pang sumagot si Cally lumapit na ako sa pwesto nila. Sinadya kong dumaan sa gitna nilang dalawa upang medyo mapalayo ang lalaki kay Cally. Bahagya kong nasanggi yung lalaki na dahilan para mabitawan niya yung cheesecake na hawak niya. Nilingon ko siya ng isang beses. "Pasensiya na..." malamig kong sabi bago bumaling sa cashier upang um-order ng kahit anong makita ko doon. "What the hell did you do to my cheesecake?" rinig kong pagalit na sabi ni Cally sa likod ko kaya nilingon ko siya. Magkasalubong ang mga kilay niyang nakatingin sa akin na para bang napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. "Nice bro. Nabayaran ko na yun," pasarkastikong sabi naman ng bwisit na lalaking kaaway niya kanina. Sinulyapan siyang muli ni Cally. "Bakit kasi hindi mo na lang ibinigay sa akin para sana nabayaran kita. Nasayang lang tuloy yung pagkain. Ang bobo mo kasi!" pagalit na sabi ni Cally sa lalaki bago muling bumaling sa akin. "At ikaw? Ano bang problema mo? Ang laki-laki ng daan, dito ka pa talaga duman! Papansin ka rin 'no?" Tinignan ko lang siya at bumunot ng pera sa wallet ko para mabayaran yung lalaking nakatayo pa rin sa harapan namin. Gusto ko siyang umalis na dahil naiirita ako sa tingin niya kay Cally. "Here, sa'yo na ang sukli," sabi ko lang at agad nang tumalikod upang kunin ang binili ko sa kahera at mabayaran na rin iyon. "Ang kapal talaga ng mukha! Hoy! Yung cheesecake ko sabi!" gigil na sabi niya nang matapos ako sa pagbabayad. Naglakad ako palabas ng cafeteria habang nakasunod siya sa akin at kung ano-ano ang sinasabi. "Hoy, ang kapal mo! Yung cheesecake ko sabi!" mukhang galit na galit talaga siya kaya hinarap ko na siya. "I'll buy you one tomorrow," sabi ko. "Ayoko! Ngayon ko gustong kainin yun kaya dapat ngayon na!" Kinagat ko ang labi ko. Nagpipigil ng ngiti. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. "Ano na?" Fine, baby... "Okay..." sabi ko lang at nagsimula na uling maglakad palabas naman ngayon ng school dahil kahit anong gawin ko ay wala na akong mabibiling ganun sa cafeteria. Sana lang ay mabilis akong makahanap ng ganun sa labas bago magsimula ang sunod na klase namin. Damn! Bakit ko ba ginagawa ito para sa babaeng iyon? Hindi naman na siya sumunod sa akin. Nagulat siguro sa pagpayag ko agad na bilhan siya ng ganun. Napangisi ako habang naglalakad. Kahit ano Cally... kahit ano pa 'yan... Agad akong nakarinig ng bulong-bulungan mula sa mga babaeng nadaanan ko. "Si Hades Santiago ba yun? Omo! Ang gwapo niya pala lalo kapag nakangiti!" "Grabe ang pogi!" Agad na nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa narinig. Tangina naman! Mukha siguro akong gago na nakangiting mag-isa dito. May mga ilang bumati sa akin na simpleng tinanguan ko lang. Binilisan ko ang lakad ko. Kailangan ko pang humabol sa susunod na klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD