004

2150 Words
Kabanata 4 C A L L Y Hindi ko alam kung anong tumakbo sa isip ng lalaking iyon at bigla na lang sumusulpot kung saan-saan. Natapon niya pa tuloy yung nag-iisang cheesecake sa cafeteria. Nakakainis talaga! Kunwari pa siyang bibilhan niya ako kahit alam kong hindi naman talaga. Anong akala niya sa akin uto-uto? Bakit naman ako maniniwalang bibilhan niya ako ngayon nun? May pasok pa kami maya-maya lang kaya imposibleng mag-aksaya yun ng oras para lumabas at bumili ng cheesecake. Tanga lang ang maniniwala sa kanya. Kaya lang nang pumasok ako sa sunod na klase namin at nakitang wala pa siya doon ay bigla akong nagtaka. Nasaan kaya yun? Imposible namang bilhan niya talaga ako, di ba? Bakit naman siya mag-aaksaya pa ng oras na bilhan ako? Naupo na lang ako sa upuan ko habang ang kaibigan kong si Kara ay nakikipagtalo nanaman kay Alvarez. Ilang sandali pa ay dumating na rin naman ang professor namin. Natapos ang pangalawang klase nang hindi dumadating si Hades kaya nakakapagtaka na talaga. Saan kaya nagpunta yung lalaking yun? Hindi naman mahilig mag-cutting yun. Never ko pa nga yatang nakitang nag-cutting o um-absent yung lalaking yun eh. Tapos lagi ko pang nakikitang nagbabasa kapag walang klase. Sobrang nerd talaga. "O bakit para kang nalugi d'yan? Saan yung katabi mo? Nag-cutting?" Nagkibit balikat ako. "Ewan ko dun. Pakialam ko naman dun." Umirap ako at lumabas na ng klase. Sumunod naman sa akin si Kara na nakikipagtalo pa sa nadaanang si Alvarez. Hindi na sila napagod sa pag-aaway. Konti na lang iisipin kong may gusto na itong bruhang ito kay Xian. Masiyado kasi siyang affected kapag si Xian ang nangungulit sa kanya. Ewan ko. Nakakapagtaka lang. Hindi naman siya ganyan sa iba. "May gusto ka ba sa fvckboy na yun?" diretsiyahang tanong ko kay Kara nang makalayo kami sa classroom. Tinignan niya ako na para bang nababaliw na ako at sobrang nakakahiya ng sinabi ko. "H'wag mo kong tignan ng ganyan. Sagutin mo na lang ang tanong ko." "Seryoso ka pala sa tanong mong 'yan? Akala ko nagpapatawa ka lang. Gusto ko na sanang tumawa." "H'wag mo nga akong artehan. Bakit hindi mo masagot?" "Oh my God! Seryoso ka ba talaga d'yan? Siyempre wala! Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para magkagusto sa manyakis na yun ano! Para kang tanga, Cally!" "Eh bakit parang affected ka palagi sa pang-aasar niya." "Sino ba naman kasing hindi maaapektuhan sa bwisit na yun? Kapag nakikita ko palang yung pagmumukha niyang panget siya nabubwisit na ako! Kaya nga nakikipagpalit ako sa'yo ng upuan di ba? Kung gusto ko 'yun, hindi na sana ako magpupumilit na makipagpalit sa'yo, di ba? Baka ikaw! Ikaw yata ang may gusto kay Hades kaya ayaw mong makipagpalit ng upuan." Tinignan ko siya ng masama. "At talagang naniniwala kang magkakagusto ko sa lalaking yun?" Ngumisi siya at umiling. "Sabagay. Imposible ka nga naman talagang magkagusto sa kahit na sinong lalaki. Bakit ko ba naisip yun?" Umirap ako. "Pero ang gwapo naman talag ni Hades, di ba? Aminin." "So what? Kahit gaano pa siya kagwapo wala akong pakialam sa kanya. Hinding-hindi ko siya magugustuhan dahil wala akong planong magpa-uto sa mga lalaking 'yan. Alam ko naman kung ano lang talaga ang habol nila sa ating mga babae. Sa una lang yan magiging mabuti sa'yo pero pag nagsawa na 'yan, iiwanan ka rin niyan." "Uy grabe ka naman! Hindi naman lahat ng lalaki ganun." "Where is your dad again?" tumaas ang kilay ko kay Kara. Inirapan naman niya ako. Isa sa mga naging dahilan kung bakit mabilis kaming nagkasundo ni Kara noon ay dahil pareho kami ng pinagdaanan. Iniwan din sila ng daddy niya para sa kabit nito. Mas malakas nga lang yung mom niya kompara kay mommy na talagang bumigay nung nawala yung babaero kong tatay. Pero ngayon kahit papaano nagagawa niya naman nang bumangon. Nakakalimutan na rin naman niya si daddy. Siguro... Nahinto kami sa paglalakad ni Kara nang biglang may humarang sa dinadaanan namin. Nang mag-angat ako ng tingin sa kung sinuman iyon ay napaawang lang ang bibig ko. Nakatayo sa harapan namin at may hawak na isang box ng cheesecake si Hades. Hindi makapaniwalang tinignan ko lang siya. Talagang tinotoo niya yung usapan namin kanina na bibilhan niya ako ng cheesecake. At talagang hindi lang isang slice ang binili niya. Isang buo talaga. Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakapagsalita. "What's that Hades? Is that for Cally?" Tumingin si Hades sa katabi kong si Kara. "Gusto mo din ba? Pwede ka naman kumuha kung gusto mo," anito sa kaibigan ko. Tumaas ang kilay ko at agad na nagsalita. "At sinong may sabing ipamigay mo ang cheesecake ko? Akin na nga 'yan," agad kong inagaw mula kay Ares ang box ng cheesecake at sinamaan ng tingin ang kaibigan ko. "Paano naging sa'yo 'yan? Pinabili mo?" Sasagutin ko palang sana ang tanong na iyon ni Kara nang muling sumabat ang lalaking nasa harapan namin. "Pinalitan ko lang yung cheesecake niyang natapon ko kanina." Inirapan ko si Hades. Bakit siya nagpapaliwanag sa kaibigan ko? Natatakot ba siyang isipin ni Kara na may gusto siya sa akin? Siguro may gusto siya sa kaibigan ko kaya ganito siya kabait kay Kara pero pagdating sa akin ang lamig niya. Kung sabagay hindi rin naman maayos ang pakikitungo ko sa kanya kaya ayos lang. Pakialam ko ba kung gusto niya ang best friend ko? Eh di sila nang dalawa. "Magkano ito para mabayaran ko na agad?" malamig na tanong ko kay Hades pero umiling lamang ito at tinalikuran na kami. Tumaas ang kilay ng kaibigan ko at agad akong tinusok sa tagiliran. Tinignan ko siya ng masama habang nang-aasar naman siyang nakangisi sa akin. "Anong iniisip mo?" "Wala. Ang sweet ni Hades 'no?" "Anong sweet doon? Pinalitan niya lang yung cheesecake ko na tinapon niya kanina." "Bakit isang box ba ng cheesecake ang natapon niya?" "Hindi," iling ko. "O, hindi naman pala! Bakit isang box ang binigay niya kung ganun?" "Hindi ko alam. Bakit hindi siya ang tanongin mo?" pasupladang sagot ko. "May gusto yata sa'yo si Hades..." Napangisi ako. "Kawawa naman siya kung ganun," natatawang sabi ko bago muling binalingan ang dinaanan ni Hades. Tumawa ang kaibigan ko. "Iba ka talaga! Kahit ba si Hades ay hindi mo pa rin pagbibigyan?" "Kahit si Zuki Hamilton pa 'yan wala akong pakialam." "Ibang usapan naman kapag si Zuki. Babaero si Zuki e talagang hindi mo siya magugustuhan pero si Hades? Mukhang hindi pa yata nagkaka-girlfriend kahit napakaraming babaeng nagkakagusto. Siguro seryoso rin yun makipagrelasiyon. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nun mukhang hindi kayang manloko ng babae," kinikilig na sabi ng kasama ko. "Bakit? Gusto mong maging girlfriend niya?" "Sinong hindi?" walang pagdadalawang isip na sagot nito. "Ako," agad na sagot ko. Napailing na lang ang kasama ko sa akin. Dumaan kami sa locker room para iwan ko muna doon ang cheesecake ko. Nagtatalo pa kami ni Kara dahil gusto niya agad bawasan ang cheesecake ko. Hindi ako pumayag siyempre. Sa bahay ko na iyon papakialaman at baka maubos pa kung dito ko bubuksan iyon. "Ang damot mo naman. Para namang mauubos mo lahat ng yun. Hindi ka naman ganyan kadamot, ah! Bakit pinagdadamutan mo na ako ngayon? Porke ba bigay yan ni Hades ayaw mo nang mag-share." Panay ang paghihimutok ng kasama ko habang papunta kami sa cafeteria kaya para matigil na siya ay nilibre ko na lang siya ng lunch. "Mas mahal pa itong nilibre mo kaysa sa isang slice ng cheesecake, ah? Kunwari ka pa! Ayaw mo lang talagang i-share yung bigay ni Hades, ano?" Umiling ako. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Kumain ka na nga lang d'yan! Nilibre ka na nga, di ba?" "Sus! Alam ko 'yang mga ganyan mo. Baka crush mo na rin siya." Naiiritang tinignan ko si Kara pero naabutan ko siyang nakatingin na sa kung saan. Sinundan ko ang tinitignan niya at agad na tumaas ang kilay ko nang makitang ang grupo nila Xian Alvarez iyon. Ibinalik ko ang tingin sa kaibigan ko. Nakanguso na ito at magkasalubong pa ang dalawang kilay. "Babaero talaga!" asik niya na nagpangisi sa akin. May kasama nanaman kasing babae si Alvarez at mukhang bago nanaman iyon. "Bakit? Nagseselos ka?" Tinignan ako ng natatawa ni Kara. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Cally? Bakit naman ako magseselos? Naiinis lang ako dahil alam kong lolokohin nanaman niya ang babaeng 'yan. Kawawa naman." "Gusto mong gantihan?" Namilog bigla ang mga mata ni Kara nang mapagtanto ang ibig kong sabihin. "H'wag mong sabihing balak mong landiin 'yang malanding lalaking 'yan? Hindi ka ba nandidiri? Kung sino-sinong babae ang hinahalikan niyan!" "Eh ano ngayon? Yung mga katulad niyang babaero ang dapat binibitin sa kama para matauhan!" "Si Zuki na lang! Bakit si Xian pa? Ang panget panget niyan. Hindi ka ba manlang nandidiri?" Ngumisi ako at umiling. "Bakit parang ayaw mo?" Pinaningkitan ko siya ng mata. "Anong ayaw? Iniisip lang kita. Nakakadiri kaya 'yang malanding 'yan! Kung kani-kanino pumapatol." "Ganun din naman si Zuki, ah?" taas kilay na tanong ko. "At least gwapo si Zuki!" "Kara may papatol bang babae d'yan kay Xian kung panget pala 'yan?" "Hindi ko alam. Bulag yata lahat ng nagkakagusto d'yan! H'wag na nga ang bwisit na 'yan ang pag-usapan natin. Si Hades na lang ang subukan mo!" Ngumuso ako. Paano ko nanaman susubukan ang tila yelo sa lamig na lalaking yun. Baka nga hindi manlang yun nakakaramdam ng lust sa katawan. Posible kaya yun? "Ayoko sa mga ganun. Gusto ko yung mga playboy din para mas nakakatuwa." "Eh 'di si Zuki o pwede ring si Micco!" "Micco? Yung kapatid ni Hades?" "Oo! Babaero din yun. Kabaligtaran ni Hades!" "Ang bata pa masiyado," walang ganang sabi ko. "Si Zuki!" "Bakit ayaw mong si Xian na lang?" nagdududang tanong ko sa kaibigan ko. "Hindi gagana dun yung powers mo. Kilala ka na nun!" "Kilala na ako ng lahat bakit may pumapatol pa rin sa akin?" Umirap si Kara. "Ah basta! 'Wag siya! Iba na lang. Pumili ka ng iba. Hahanapan kita ng iba 'wag lang ang bwisit na yun." Ngumisi ako. "Ayoko. Gusto ko siya." Sinamaan ako ng tingin ng loka. "Kapag ginawa mo 'yan friendship over ba tayo." Sabay kaming napaangat ng tingin ni Kara nang may maglapag ng tray sa table namin. Napakunot noo ako nang makitang nauupo sa tabi ko si Hera Saavedra. Nakatali ng mataas ang mahaba nitong buhok habang ang mga labi ay kasing pula ng mga rosas. Mula sa pagkakakunot noo ay tumaas naman ang kilay ko. "Hi, Cally!" Malamig ko siyang nginitian. "What do you want, Hera?" "Oh, nothing. Narinig ko lang naman na si Hades daw ang bago mong... You know..." Umirap ako sa kawalan. Oo nga pala. Paano ko makakalimutan na patay na patay ng pala ang babaeng ito kay Hades? High-school palang kami kung makadikit na 'to kay Hades, akala mo linta. Hindi naman siya type ni Hades. Akala niya! Maganda naman siya kaya lang ang problema kasi sa kanya yung panget na ugali niya. Ayoko sanang mainis sa kanya dahil ayokong-ayoko sa lahat yung nakikipag-away sa kapwa ko babae. Ang dapat na kinakaaway namin ay yung mga lalaking babaero na 'yan na walang ibang gusto kundi ang katawan namin! Pero ibang klase kasi ang sang-sang ng ugali ng isang ito kaya hindi ko tuloy mapigilang mabwisit din sa kanya. "Oh, please, Hera! Hindi ako manghuhula," irap ko. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya sa sinabi ko habang napangisi naman si Kara. "Si Hades naman ang target mo ngayon?" Tumawa siya. "Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng tiwala sa sarili mo. Tingin mo ba papatulan ka ni Hades? Akala mo yata lahat ng lalaki kaya mong paikutin. Oh, please! Yung nanay mo nga pinaikot lang—" Isang malakas na sampal ang agad na dumapo sa pisnge niya. Ang ayoko sa lahat ay iyong nadadawit ang pangalan ng mom ko. Gigil niya akong binalingan. "How dare you—" itinaas niya ang kanang kamay niya upang gantihan din ako ng sampal pero agad na nahawakan ko ang braso niya. "Kung sa tingin mo rin lahat ng babae dito kaya mo pwes nagkakamali ka. 'Wag na 'wag mong idadamay ang pangalan ng mom ko dito kung ayaw mong pumantay 'yang kulay ng pisnge mo sa labi mo!" Inirapan ko siya at agad nang tinalikuran. "Girl, hindi na tuloy pantay yung blush on mo. Gusto mo pantayin natin?" rinig ko pang sabi ni Kara kaya muli akong bumaling sa dalawa at hinila na ang kaibigan ko paalis doon pero bago paman kami makaalis sa cafeteria ay dumating naman ang superhero ni loka. Parang aping-api na tumakbo ang gaga sa kadarating lang na si Hades at yumakap dito. Napairap ako at nagpatuloy na lang sa paglabas. Ang arte talaga. Anong gagawin niya? Magsusumbong siya sa lalaking yun? As if namang matatakot ako sa bwisit na yun. Duh! Kahit magkampihan pa sila wala akong pakialam!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD