Carlos POV Nagising ako sa isang bahay na hindi ko matandaan. Sobrang laki nito at napakaraming bata. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. "Nasaan ba ako?" tanong ko sa sarili. Napalingon ako bigla nang maramdaman na may nakatingin sa’kin sa likuran ko. Paglingon ko, bumungad sa’kin ang isang batang babae na may dalang dalawang teddy bear sa kaliwang kamay. Nakatingin lang siya sa’kin, parang sinusuri ako. "Kakambal ka ba ni Kuya Leo?" tanong niya bigla. Kumunot ang noo ko. "Leo?" tanong ko pabalik. Tumango siya. "Kamukha mo kasi siya… pero alam ko hindi ikaw si Kuya Leo," sabi niya. Hindi ako naka-sagot sa sinabi niya. "Bakit ka andito?" tanong niya ulit. Napatingin ako sa sarili ko at napaisip. Bakit nga ba ako nandito? Anong lugar ito? At paano ako nakarating dito? "Anong lugar

