Jam's POV Hinampas ko ang mesa sa inis at galit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko sanang sisihin ang mga nakabantay kay Carlos sa hospital, pero alam kong hindi rin naman nila ginusto ang nangyari. Mas lalong gusto ko sanang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari sa kaibigan ko. Kung sana ako lang ang nagbantay doon, sana walang ganitong mangyari. "Huminahon ka, Jam. Kung uunahin mo yang galit mo, mas lalong mapapahamak si Santiago," suhestyon ni Luis. Huminga ako nang malalim at pinakawalan ang kanina ko pang nakakuyom na kamao. "Hindi ko lang kasi maintindihan… bakit siya ang pinag-initan nila? Dahil apat naman tayong nasa kasong ito," pilit kong tinatago ang galit sa bawat salita. Pinipilit ko ring kumalma dahil alam kong hindi ako makakapag-isip nang maayos kung uunahin ko ang g

