Third Person POV Nagkasalubong ang kanilang mga mata, pero si Jenna mismo ang umiwas. Halos hindi makapagsalita si Carlos—walang kahit isang salitang gustong lumabas sa bibig niya. Pakiramdam niya, nagkulang siya bilang kaibigan ni Jenna. Gusto niyang tanungin ang kaibigan kung bakit niya 'yon ginawa. Sobrang dami ng tanong sa isipan niya, pero mas pinili niyang manahimik habang pinipigilan ang luha, na namumuong galit sa dibdib ng binata. Nanahimik siya ng ilang segundo bago tuluyang narehistro sa utak niya ang katotohanang tinaidor siya ng sariling kaibigan. "Bakit mo 'to nagawa sa amin?" Halata sa mukha ng binata ang sakit at pagkadismaya, habang tinitingnan muli ang kaibigan sa mga mata ni Jenna—pero nabigo siyang makita ang anumang emosyon sa malamig nitong titig. "Because everyth

