Jam's POV "Positive," anunsyo ko sa mga kasamahan ko nang makabalik na kami sa sasakyan. "Papasukin na ba natin?" tanong ko kay Luis, at tumango naman ito. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jenna. Pinindot ko ang device sa tenga ko para kausapin siya, pero hindi sumasagot sa kabilang linya. Kinuha ko ulit ito mula sa tenga ko. "Sira na ba 'to?" tanong ko kay Luis. Sinubukan naman niyang pindutin ang device sa tenga niya, pero pareho kaming hindi na makontak. "Pahiram nga ng cellphone, tatawagan ko lang si Jenna," ani ko kay Luis, at inabot niya sa akin ang telepono niya. Dinial ko ang numero ni Jenna habang dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa kakahuyan na bahagi ng mansion. Nagtaka ako nang hindi sumasagot si Jenna. Hanggang sa nakapasok na kami at nakita yung van na gin

