Dahan-dahan ang lakad namin pababa ng hagdan pero natalisod ako at lumikha iyon ng ingay. Mabilis akong hinila ni Luis pababa at nagtago sa may pader. Kinabahan kaagad ako nang makarinig ng yapak ng mga paa na papunta sa amin. Sinenyasan ako ni Luis na manahimik. "Sinong nandyan?" biglang tanong ng isang lalaki. Narinig naming naglakad pa ito ng ilang beses bago huminto. "Pinapatawag tayo ni Seniorito," narinig naming sabi ng isa pang tao. "Sige," sagot ng lalake saka narinig naming umalis na sila. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Muntikan na tayo dun," sabi ko na napahawak pa sa dibdib. Napalingon ako kay Luis dahil nakatingin lang ang naiinis na mukha nito sa akin. "Gwapo ko, noh?" biro ko pa at napa-aray nalang ako ng batukan niya ako. "Pwede bang sa susunod mag-ingat ka naman?" ini

