Carlos POV Habol ko ang hininga habang dinadama ang sobrang sakit ng tagiliran ko. Alam kong nasira na ang tahi sa sugat ko at hindi na mapigilan ang dugong lumalabas doon. Sobrang sakit nito, parang mapupunit na ang balat ko. Dumagdag pa ang sakit dahil sa pwersang ginamit ko nang makipag-sagutan ako kay Jam. Katulad niya, ayaw ko ring paniwalaan ang lahat ng ito, pero may parte sa akin na sobrang nasaktan sa ginawa ni Jenna—at iyon ang naging dahilan para mabuhay ang galit sa puso ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang oras na kaming nananatili sa kwartong ito. Ang alam ko lang, madilim na sa labas at nakabukas na rin ang ilaw dito sa loob. Gutom na ako at nagrereklamo na ang tiyan ko, pero ang importante sa akin ngayon ay makalabas ng buhay. Habang nakasandal sa pader, napaangat na

