"Ni minsan ay hindi ko pinapangarap na bumalik sa 'yo Darren!" "Bigyan nating muli ang mga puso natin Sam, kahit sinasabi ng bibig mo na hindi mo na ako mahal ay kitang-kita ko sa mga mata mo ang totoo." "Anong totoo sa akin na alam mo Darren? Sige nga sabihin mo sa akin." "Totoo 'di ba? Totoong mahal mo pa rin ako Sam? Kasi ako ni minsan ay walang nagbabago ikaw pa rin ang nandito sa puso ko." turan niya habang hinawakan niya ang mukha ko. "Ito na ang tamang pagkakataong makaganti ako sa 'yo Monic ikaw na naman ang umiiyak ng dugo." bulong ko sa sarili. "Sam, please. . . tingnan mo ako sa mata. Saka mo sabihing hindi mo na ako mahal." "Darren, tama na." umatras ako at kunwaring natapilok ang aking heels madali niya akong nasalo at binuhat niya ako palabas ng bar. Binuhat niya a

