Ngayong nakuha ko na ang loob ni Darren ay madali na lang sa akin ang paglaruan silang dalawa ni Monic, tapos na ako kay Amanda mawawala na ang lahat sa kaniya. Ngayon naman sina Darren at Monic naman ang paiiyakin ko." bulong ko sa aking sarili. Pag-uwi ko sa bahay ay nagtataka ako dahil wala si Christopher. Nang tinanong ko si yaya ay hindi daw niya alam, dahil nagmamadali itong umalis kanina. Tinawagan ko ang cellphone niya ay walang sumasagot, nag-aalala na ako kung nasaan na siya ngayon. DARREN'S POV. "Dad, bakit ka nandito? Nag-aaway ba kayo ng girlfriend mo?" "Darren, bakit ngayon ka lang umuuwi? Kanina pa kita hinihintay meron akong gustong sabihin sa 'yo." "Dad, ano po iyon?" "Alam ko kung sino ang kasama mo kanina. Ayokong gayahin mo kami ni Amanda. Dahil noon pa man ay

