"Monic, isa ka pa! Bakit okay lang ba sa 'yo ang ginawa ni Darren?" "Mommy, walang kasalanan si Darren. I'm sure inaakit lang siya ni Samantha. Humanda sa akin ang babaeng iyon dahil turuan ko siya ng leksiyon!" "Wala kang gagawin Monic subukan mong saktan si Sam ako ang makakalaban mo!" "Huwag mo akong takutin Darren, ngayong sinaktan mo ako, humanda ka sa akin dahil si Samantha ang sisingilin ko!" "Huwag na huwag mo akong subukan kung gusto mong mananatili pa ako sa 'yo!" galit na sigaw ko. SAMANTHA'S POV BAKIT ngayon ka lang Christopher? Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko habang naghanda ng damit niyang pantulog. "Sam, lasing ka ba?" "Chris, I'm sorry ha, oo uminom ako pero konti lang naman." "Kaya pala tinawagan kita pero hindi mo man lang sinasagot, nag-enjoy ka na

