"Sinabi niya iyon Darren? Ganoon na ba kalalim ang relasyon ninyong dalawa para magkuwento siya sa 'yo?" seryosong tanong ni daddy nagtataka ako kung bakit ganoon na lang siya ka concern sa akin. Ni ayaw niyang makipagrelasyon ako kay Sam. Tutal masaya na rin naman siya sa buhay na meron siya ngayon. "Yes dad. Open naman kaming pag-usapan ang nangyayari sa buhay namin. Mas pinili ko lang e-save ang pamilya ko dahil buntis si Monic, at gustong-gusto kong magkaroon ng anak." "Darren, meron akong tanong sa 'yo." "Ano iyon dad?" "Paano kung meron kayong anak ni Sam? Na btuntis pala siya nang iniwan mo?" nagulat ako sa tanong ni daddy. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya." "Dad, imposebling buntis siya nang iniwan ko, pero kung sakaling meron kaming anak gawin ko ang lahat

