"Samantha, ayokong lumapit ka pa kay Darren." "Chris, bakit? Meron ka bang problema?" "Ikaw ang problema ko Samantha. Alam kong hanggang ngayon si Darren pa rin ang laman ng puso mo. Ayaw lang kitang pagsabihan dahil ayokong magalit ka sa akin. Kung meron kang planong maghiganti sa anak ko, tama na. Tigilan mo na siya, tutal nandito na ako at mas pinili kita kesa kay Amanda. Sana lang naman tumigil ka na. Ayokong meron pang masasaktan dahil sa planong mong maghiganti." "Christopher, wala akong alam sa mga sinasabi mo! Nagkataong nandoon ako sa ospital dahil doon ako nag- OJT. Wala akong planong sundan si Darren. Para maghiganti." seryosong turan ko kay Chris, napansin kong may galit sa mukha niyang ngayon ko lang makita simula nang nagsasama kami. "Alam kong nakikipag-s*x ka sa kani

