Halong-halong emosyong ang aking nararamdaman walang ibang laman ang utak ko kung 'di ang anak ko. Nag-aalala ako baka hindi ko na siya makita, hindi na tumitigil sa pagpatak ang aking mga luha. Nagulat ako nang may biglang pumasok sa bodega nang makita ko ay umusok ang aking tenga sa sobrang galit nang bumungad sa harapan ko sina Amanda at Monic. "Samantha kumusta ka na? Natutuwa ka ba nang makita mo kami?" "Amanda? Monic? Kayo ang may pakana nito? Mga walang hiya kayo! Anong plano ninyong dalawa bakit ninyo ako pinakidnap?" "Samantha, relax. Kawawa ka naman. Alam mo ba kung ano ang plano namin ni mommy Amanda? Hulaan mo muna. . ." turan ni Monic sa akin habang tumatawa. "Samantha sa wakas ay nakita na rin kitang nahihirapan. Ang sarap makitang nandito ka ngayon nakatali ang mga p

