"Pinagplanuhan talaga ninyo ang kasamaan ninyo? Nakakatuwa naman kayo. Mga dispirada! Palibhasa baog ka wala kang anak, kaya nagsisinungaling ka kay Darren na buntis ka! Ang kapal ng mukha mong gamitin ang anak ko para takpan ang kasinungalingan mo Monic! Napakahayop mong babae! Magbabayad kayo ng mahal, kahit ilang beses pa ninyo akong patayin ay babalikan ko pa rin kayo! Upang singilin sa mga kahayupan ninyo!" "Kahit mamaos ka diyan sa kakasigaw Samantha, walang makarinig sa 'yo! Kaya kung ako sa 'yo umpisahan mo nang magdasal dahil hanggang bukas na lang iyang buhay mo!" sigaw ni Monic sa akin. Lumapit sa akin si Amanda at hinawakan niya ang aking buhok saka niya hinila ng malakas. Monic akin na ang gunting, baka dahil dito sa kulot niyang buhok kaya nababaliw sina Christopher at Da

