"Ano ba ang problema mo Amanda? Bakit ka ba nanakit?" "Nagtatanong ka pa? Bakit mo ako trinaydor Valen? Hindi naman kita pinipilit na gawin ang mga sinabi ko ah, pero bakit mo ako inilaglag sa hayop na Samantha? Bakit mo sinabi sa kaniya ang lahat na plano ko?" "Amanda, nabaliw ka na ba? Sa tingin mo kaya kong ipahamak ang sarili ko? Wala akong sinasabi kay Samantha, ni hindi kami nagkausap ng babaeng iyon ni minsan!" "Hindi ko alam kung kanino ako maniniwala. Dahil seryoso siya sa mga sinasabi niya. Saka ikaw lang naman ang nakakaalam sa mga plano ko 'di ba? Sino ba ang maglakas loob na kausapin ang babaeng iyon. Nasa malayo pa nga lang iyon ay nararamdaman ko na ang tapang nun eh." "Kung ganoon, sino ang nagsasabi sa kaniya?" "Hindi ko alam Amanda, sa susunod magtanong ka muna

