"Anak, tinatawanan pa niya ako. Wala na raw akong laban kasi, mas bata at mas maganda siya kesa akin. Matanda na raw ako, meron na raw kulubot ang mukha ko. Nasasaktan ako anak, sobrang sakit marinig ang katotohanang kaya ako iniwan ng daddy mo dahil matanda na ako, pareho lang kami ng edad ng daddy mo, pero mas gusto niya si Valen dahil bata at active pa sa sex." naluluhang turan ni mommy sa akin. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya at ayokong basta manahimik na lang at panoorin siyang nasasaktan. "Sinugod ka rito ng babaeng iyon? Ang kapal ng mukha niya. Humanda siya sa akin makita niya ang hinahanap niya. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang niya. Oras na para gumising ka sa katotohanang wala na si daddy sa buhay mo. Huwag ka nang magkandarapang habulin siya, ngayong nasa kulungan s

